Chapter 18

1026 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 18 ONE SIDED WEDDING SORA CALIFORNIA Inayos ko ang puting gown na siyang hapit sa aking katawan ngunit palobo naman pagdating sa baba. Ang maikli ko namang buhok ay kinulot lang ang dulo at medyo pinaloob ang aking bangs. Ngumiti ako sa katapat na salamin bago kuhanin ang boquet ng puting bulaklak sa lamesa. Kinuha ko rin ang kahon ng singsing at siniksik iyon sa mga bulaklak. Pinangako noon ni Shin Phoenix na papakasalan niya ako pero ang inaasam na kasal ay hindi natuloy dahil sa nangyari sa Great Queen, kaya heto ako ngayon, tinutupad ang kaniyang pangako. "Ma'am Solemn, andiyan na yung judge." Katok ni Sheeya sa aking kwarto, muli akong huminga ng malalim bago dumiretso sa pinto. Ngumiti si Sheeya sa akin at iginaya ako sa lugar. Dumaan kami sa mahabang pasilyo, walang tao roon maliban na lang sa pinakadulo kung saan maraming nakaitim na lalaki ang nagbabantay. Lahat sila ay diretso lang ang tingin at tindig. Nandoon rin si Fritz na tinanguan ko lang. Huminto naman ako nang makarating sa lugar kung saan ako ikakasal. Nawala ang tipid na ngiti sa aking mukha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako handang harapin siya. Napakabigat kasi sa dibdib. Muli akong huminga ng malalim bago nilingon ang salamin sa aking gilid, tinitigan ko naman si Shin na siyang nakapikit at hindi alam na ikakasal na pala siya ngayon. Humigpit ang hawak ko sa bulaklak. Shin... Tumingala ako upang pigilan ang mga luha sa pagpatak ngunit nangibabaw ang aking emosyon. Hindi sa ganitong sitwasyon ko siya gustong makita muli. Kinagat ko ang aking labi at tahimik na umiyak habang nakatingin sa mukha niya. Nalasahan ko na ang dugo sa aking labi ngunit di ko naramdaman ang sakit dito, dahil mas matindi ang kirot sa aking puso. "Shin," impit kong tawag sa pangalan niya habang pilit kinakalma ang sarili. Nang una kitang makilala, isang chess piece lang ang tingin ko sa iyo na bubuo sa aking laro. Isang knight. Pero, Shin, hindi ko akalain na magkakaroon ka ng malaking parte sa buhay ko. Ako yung binuo mo, yung nawawalang parte ng buhay ko... Ikaw ang pumuna non. I never thought that one day I would fall for you, and I fall deeper and deeper that it is hard for me to go up again. You are not just my knight, you are my life. Dumating man sa punto na kinamuhian kita noon pero mas nangibabaw ang pagmamahal ko sayo, pero mukhang ayaw sa atin ng tadhana. Shin, hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo? Tumingala ako at pinunasan ang aking mga mata. I looked at my groom wearing a white hospital gown and bitterly smiled. How can I even call this a wedding if I am the only who is aware. Indeed, it is a one-sided wedding. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya nagigising. Kahit na gumaling na ang mga sugat sa katawan at naging peklat na iyon ay hindi pa rin dumidilat ang kaniyang mga mata. Miracle... Iyon na lang daw ang kailangang hintayin. Binuksan naman ni Sheeya ang pinto kaya pumasok na ako kasama ang judge. Naupo ako sa gilid ng kama bago hawiin ang buhok sa mukha ni Shin. The judge wedded us. Ako na ang nagsuot ng singsing sa sarili at sa kamay ni Shin bago ko sinabi ang aking wedding vow. "I, Solemn Raina Woldart, take you, Shin Phoenix Sumiyoshi, to be my husband, my partner in life and my one true love. From this day forward I will love you more each day than I did before." Napahinga ako ng malalim nang tumulo na naman ang aking luha. "I will respect you, trust you, loving you faithfully regardless of what obstacles we may face. Shin, I give you my hand, my heart, and my heart from this day forward as long as we both shall live. I love you, Shin." At umiiyak kong idinampi ang aking labi sa kaniya. "Wake up, Shin Phoenix. Marami kaming naghihintay sayo, lalo na ako. Please, lumaban ka. Lumaban ka lang." Hinawakan ko ang kamay niya at itinapat ito sa aking puso. "I will wait for you no matter how long it is." Muli kong idinampi ang aking labi sa kaniya ngunit ngayon ay mas nagtagal iyon ng ilang segundo. "I love you, Shin." Sambit ko sa pagitan ng aming labi. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Binati naman ako ng phantom mafia ukol sa kasal kaya ngumiti ako at nagpasalamat sila. "Babalik na ulit ako ng Pilipinas." Baling ko kay Fritz. "A war is about to begin and I need to finish it as soon as possible." "Mag-iingat po kayo." Tumango ako. "Bantayan niyo siyang mabuti." "Copy, ma'am Solemn." Agad akong nagpalit ng damit at umalis ng ospital. Habang sakay ang taxi ay napatingin naman ako sa singsing sa daliri. Tinitigan ko iyon bago ngumiti ng tipid. SHIN CALIFORNIA, HOSPITAL BED Something soft and warm touched my lips. Then I heard someone crying and she uttered words that I can't clearly hear. Yung boses niya, napakapamilyar na kahit hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi ay ramdam ko ang lungkot sa boses na iyon. Ang babaeng iyon. Bakit siya umiiyak? Pinakinggan ko ang kaniyang magandang boses at nang kuhanin niya ang aking kamay ay pinakariramdaman ko ang malakas na t***k ng kaniyang puso. Sa pangalawang pagkakataon ay may malambot na dumampi sa aking labi at malamig naman na bagay na siyang pumatak sa gilid ng aking pisngi. Umiiyak pa rin siya. Sino ba ang babaeng ito? "I love you, Shin." This time I heard her voice clearly then a girl with a golden hair flashed into my mind. When I first met that girl I thought she was a fairy. Her long golden hair cascaded behind her naturally and her eyes, the blue pair of orbs that is sometimes submissive but too often commanding. I will never forget her. That girl is the golden fairy. Solemn Raina. I half opened my eyes and manage to catch a glimpse of her fading back, then she was gone and my vision became black again. ◾◾?◾◾
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD