◾◾?◾◾
CHAPTER 19
THE MASTER OF DECEIVER
JACK SINCLAIR
LAS VEGAS
Kanang kamay ni Stanley Pearson, executive ng D mafia, a traitor, and a gambler. I am neither of those names, dahil kung pag-uusapan ang tunay kong katauhan ay isa akong royal. I lived and served at the Royal mafia since I was born, at sa mundong iyon ay kilala ako bilang master of deceiver. Ako ang kanilang spy at simula palang ay si Solemn Raina na ang nag-utos sa akin na magpanggap sa tabi ni Stanley, bago iyon ay inatasan niya akong pasukin ang D mafia at maging executive nito.
Kaya naman nung oras ng nagpunta siya ng Las Vegas ay alam ko ang lahat ng iyon. Planado ang lahat, ang party sa aking private villa at ang biglaang pagblack out. Nasabi niya na rin na papasok sa CCTV room ang miyembro ng D mafia na si Yannah, kaya lingid sa kaniyang kaalaman ay pinatulog namin siya at ipinalit sa akin nang mamatay ang mga ilaw.
Ang babaeng iyon ang nasusunog na katawan sa aking private villa at hindi ako.
Mula sa aking hotel ay itinaas ko ang goblet na hawak. Pinaikot ko ang pulang likido sa loob nito bago amuyin ang mabangong aroma ng wine.
"Cheers." Sambit ko. "Para sa next move ng golden fairy." At ininom ko ang laman ng baso.
Bukas din ang balik ko ng Pilipinas para sa paghahanda sa nalalapit na mafia war. Royal mafia vs D mafia-- parehong binuo ng Woldart sa parehong pagkakataon at rason, kaya ngayon ay napiling gumanti ni George Woldart at pabagsakin ang sariling kambal. He bidded his time, hinintay niyang lumabas sa lungga ang golden fairy bago niya sinumulan ang kaniyang mga plano.
Ang hindi lang alam ni George Woldart ay nauna nang gumawa ng move ang Royal mafia.
Nang maubos ang laman ng baso ay doon ko lang nilagok ang bote ng wine. Sayang, gusto ko pa sanang uminom at magcasino ngunit masyadong mahalaga ang bawat oras at segundo ngayon. Isang maliit na maling galaw lang ay papalpak ang lahat ng plano ni Sora, at kung sinong magkamali ay tiyak haharapin ang galit ng isang mafia queen. I shivered. Isipin palang ang malumanay niyang mga mata at tamad na boses ay alam mo nang masisilip mo ang pintuan ng impyerno.
Umalis na ako ng hotel kinabukasan upang dumiretso sa aking private plane, ito rin ang sinakyan ko noon nang umalis ng bansa para lang walang record na lumabas ukol sa aking pag-alis. Madali kasi akong matutunton ng D mafia kapag ordinaryong plane ang ginamit ko.
"May dalawa pang maleta sa kotse." Paalala ko sa personal flight attendant. Tumango naman siya at kinuha iyon. "Ingatan mo iyan. Huwag mong ibabagsak."
Sinuot ko naman ang aking shades at akmang lalapit na sa private plane nang makarinig nang malakas na pagharurot ng kotse. Taka akong napalingon, bago pa man din makaatras ay huminto mismo sa aking harapan ang itim na porsche.
Hinugot ko ang baril sa aking tagiliran at itinutok iyon sa kotse nang bumukas ang pinto nito.
"I wouldn't do that if I were you." Pamilyar na boses ng isang babae. Una kong nakita ang mataas niyang itim na boots. "Jack Sinclair."
My finger froze at the trigger when Sora finally revealed herself. She just stared at me nonchalantly down to my gun pointing exactly at her head. Agad kong binaba ang baril at ngumiti.
"Bakit bumalik ang golden fairy dito?" Tanong ko.
Dumiretso naman siya sa plane, ni hindi man lang sinagot ang aking tanong at walang pakielam na iniwan ako roon. Wala naman akong nagawa kundi sumunod at kaswal na naupo sa tabi niya.
"Jack, ikatlong araw mula ngayon ay susugod ang D mafia." Panimula niya. "Marami kang koneksyon sa underground kaya siguraduhin mong wala sa kanila ang tutulong sa D mafia."
Tumawa ako ng mahina. "Wala na ang ibang executives ng D mafia. Kahit sino ay hindi na magtatankang tumulong pa sa kanila. They are on the verge of being destroyed."
"At tayo ang sisigurado na tuluyan na nga silang babagsak." Walang interes niyang gatong habang nagbabasa ng magazine.
"For a fallen angel you are really cruel." Komento ko.
"Fallen angels have no choice but to become a demon, Sinclair."
Mahina akong tumawa sa turan niya. "You are right, Sora." Kinuha ko ang dalang bag at ibinigay sa kaniya. "Saan ka nga pala galing? Bigla kang nawala sa private villa kahapon."
"Masyado kang madaldal, Sinclair, di tulad ng iyong ama." Reklamo naman niya.
Napakibit balikat ako. Hindi matanong talaga si Chief o si dad, tanging trait na naipasa niya yata sa akin ay ang pagiging magaling sa pagpapanggap. Tumahimik na lang ako at napiling magpahinga rin, pagdating kasi sa Pilipinas ay paniguradong wala nang tsansa para magpahinga. Tatlong araw. Tatlong araw na lang at matatahimik na ang lahat.
Lumingon ako kay Sora at napansin na nakatingin lang ito sa kawalan. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya ngayon ay ayoko nang malaman pa. Si Sora ang trump card ng Royal mafia, she was born a genius-- a dangerous one. Sa labas ay mukhang kalmado at malumanay man siya pero iba na ang takbo ng isip ng isang golden fairy, kaya itinago siya ng Royal mafia.
"What?" I blinked when her blue pair of eyes stared back at me.
"Wala. Naisip ko lang na ang laki na ng pinagbago mo." Sagot ko. "Hindi lang nagbago sayo ay ang pagiging manipulative mo."
"Ganoon ako pinalaki ni dad, para kahit ipilantik ko lang ang daliri ko ay lahat susunod sa utos ko." Walang gana niya naman sabi. "I wouldn't be called a Woldart for nothing."
"Sabi na nga ba, geniuses are crazy."
Pagkarating sa Pilipinas ay naunang bumaba ng plane si Sora dala-dala ang itim na bag, pero saglit siyang tumigil upang tignan ang makulimlim na langit.
"Mahangin ngayon at mukhang uulan." Aniya.
"Ayon sa balita ay may paparating na bagyo."
Hindi naman nagsalita ang aking kasama at basta na lang iniwan ako roon ulit. Diretso siyang naglakad papunta sa nakaparadang itim na Lamborghini kung saan lumabas ang kaniyang kambal. Tumango ako kay Hiro bago pumunta sa isa pang sasakyan, sa tabi naman nito ay nakatayo si chief.
"Dad." Bati ko.
◾◾?◾◾