Chapter 20

1122 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 20 GOLDEN BULLETS FRITZ CALIFORNIA "Anong update diyan?" Inayos ko ang device na nakakabit sa aking tenga habang ang isang kamay ay busy sa paglalaro ng mobile legends. You have slain an enemy! "May tatlong araw para maghanda. Sa ngayon ay hawak ni George si Griffin at Sera. Si Thyme ang bahala sa security system ng D mafia," Paliwanag ng kupal na si Basil sa kabilang linya. "At syempre ang gwapong ako ay kasamang mag iinfiltrate sa headquarters ng mafia." Enemy savage! "D*mn!" Mura ko at walang pakundangan na inexit ang laro. "Mag-ingat ka baka marinig ni Thyme iyang kahanginan mo!" Tawa ko naman. "Kamusta si boss?" "He is stable. Hinihintay na lang talaga ang paggising ni boss." Napayuko ako. Nung gabing iyon sa Great Queen, mabuti na lang ay agad na dumating ang back up at naidala kaagad sa ospital ang lahat. And Sora is crying so madly that very night. Kung hindi lang dahil sa sedative na itinurok sa kaniya ay hindi rin siya titigil sa pag-iyak. "Sayang lang talaga at hindi ka kasama sa mafia war." Tumawa naman ng malakas si Basil. "Wag kang mag-alala ikekwento ko sayo kung gaano ako kagaling." Ngumisi ako. "Maghahanda na ako ng kabaong para sayo. Sisimulan ko na rin ipagdasal ka hahaha." "Hoy! Inggit ka lang dahil hindi ka kasama sa laban!" "Bugok! Hahaha." Baba ko sa tawag. "Fritz!" Natigil ako sa pagtawa nang mabalot ng yabag ng mga sapatos ang hallway. Pag-angat palang ng aking ulo ay nakita ko na si Sheeya na tumatakbo kasama ang ibang bodyguards. I immediately stand up and met her halfway. "Anong nangyari?" Kabado kong tanong. "Fritz! Si boss nawawala!" "Yung CCTV ng hospital! Sheeya, ikaw na ang magcheck! Team 1 north wing kayo maghanap." Mabilisan kong utos sa kanila. "Tumawag kayo agad kapag nakita niyo si boss." Tumakbo ako sa kabilang direksyon ng hallway at binuksan ang mga kwarto roon. Wala namang nagtankang pumigil sa amin dahil binayaran ang buong floor na ito kaya wala rin ibang tao maliban sa mga doktor at nurse. Shiz! Kapag hindi namin nahanap si boss ay paniguradong kami ang macoconfine sa ospital. In-on ko ang aking ear device bago humingi ng update sa kanila. "Sheeya." "Walang lumabas o pumasok ng kwarto niya, Fritz." Napatigil ako sa paghahanap. Nasa 7th floor kami, imposibleng dumaan sa bintana ang dumukot kay boss. Tumakbo ako papunta sa kaniyang private room at marahas na binuksan ang pintuan. Nakasarado ang bintana sa loob at nakaayos rin ang bakanteng higaan, lumipat naman ang aking tingin sa pinto ng cr nang umikot ang doorknob nito. Mabilis kong hinugot ang baril sa aking likuran at itinutok iyon sa pwesto ng cr. "Fritz!" Tawag ni Sheeya sa kabilang linya pero hindi ako sumagot. I stayed silent while waiting for the intruder to show his self. Dahan-dahan ay bumukas ang pinto. Bahagya akong lumapit rito ngunit kusang tumigil ang aking mga paa. A pair of cold eyes stared back at me. "You dare point a gun at me?" Nagsitayuan naman ang aking balahibo nang magsalita si boss. Shiz! Fritz! Mauuna ka pa atang mamatay kay Basil! "B-boss!" Agad kong binaba ang baril at lumapit kay boss. Nakapagpalit na siya ng damit pero kahit maputla pa ang mukha ay hindi nawala ang malamig na aura sa lider ng phantom mafia. "Update me about everything, Fritz." Utos ni boss habang mabagal na naglalakad papunta sa sofa. "And get me a food. I'm hungry." BASIL Natulala ako sa kahon kahon ng mga gintong bala na dala ni Sinclair. Sa dami ng gintong iyon ay kaya nitong bilhin ang isang buong city. Hindi ko akalaing ganito pala kayaman ang royal mafia, sa dami ng pera nila ay ginto na pati bala ng mga baril. Kumuha ako ng isang bala. Sinuri ko iyong mabuti at talaga namang di ko mapigilang mamangha. "What do you think?" Ngiti ni Sinclair. "Swerte ang tatamaan nito. Instant millionaire siya." Tumawa naman ng mahina ang aking kausap bago kumuha rin ng isang bala. "Gold represents our mafia and we want the enemy to remember who we are." Tumango ako at pasimpleng ibinulsa ang kinuhang bala. Kung mamatay man lang ang kalaban na may nakabaong ginto sa katawan, paniguradong mamatay silang marangya, at papahuli ba naman ang gwapong ako. Itatago ko ang isang bala na ito bilang souvenir. Mayaman na ako! Hahaha! "Paano pala sila ma'am Sera at sir Griffin?" "Back up lang ang kailangan nila. Seraphim Salvatore is the infamous assassin of Royal mafia and Griffin Woldart is a mafia boss," Paliwanag ni Sinclair. "Kung tutuusin ay kaya nilang tumakas kahit kailan nila gusto sadyang nakipagsabayan lang ang dalawa sa larong ito." Ganito pala kalakas ang Royal mafia. Mabuti na lang ay hindi tuluyang kinalaban ni boss ang mga royal, kung hindi baka matagal nang nabigwasan ang aking mukha. "Si ma'am Solemn pala nasaan?" Simula kasi ng dumating si Jack Sinclair kasama si chief ay hindi ko nakitang kasama niya si Sora, pero kasabay niya raw itong dumating. "Nasa palasyo niya ang kambal ko." Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Sa b****a ng pinto ay nakatayo si Hiro na may gintong buhok, kapansin pansin rin ang itim na hikaw sa kaliwang tenga niya. "Hiro." Bati ko. "Pakiramdam ko inaagaw mo ang spotlight ko bilang no. 1 most handsome guy." Taka naman akong tinignan ni Hiro bago ngumiti. "Ayon sa survey ay hindi pumasok sa rank 10 ang pangalan mo, Basil." "D*mn you! Hahaha." Naupo si Hiro sa sofa at pinagkrus ang kaniyang binti. Sandali siyang nagpahinga at maya maya lang din ay naglabas ng gintong baril. Nanlaki naman ang aking mga mata sa nakita. Those two golden guns have his names Hix and Robert written on it. Parang kunai ni Sora. "Obsess ba ang pamilya niyo sa ginto?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman ang kambal ni Sora. "Sa ikatlong araw alam mo ba ang mangyayari?" "You will wage a war against the D mafia." Obvious kong sagot pero ngumiti lang si Hiro sa akin. "Bakit?" "Kapag tumunog ang bell tower sa araw na iyon ay uulan ng ginto at dugo." Ngisi ni Sinclair. "Ang tunay na dahilan ng pagtunog ng bell ay hindi para magsimula ng mafia war." Nagtataka akong nagpalinga linga ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ng dalawang ito. Napuno na rin ata ng ginto ang utak nila kaya naging off topic na. "Kung ganoon anong ibig sabihin ng pagtunog ng bell?" Inip kong sabi. "Checkmate." Malumanay na sambit ni Hiro na siyang ikinataas ng balahibo ko. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang vibe ni Sora sa kaniya. Shiz! Kambal nga talaga sila! ◾◾?◾◾
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD