◾◾?◾◾
CHAPTER 16
BURNING BODY
"Shin. Wait for me."
SORA
LAS VEGAS, PRIVATE VILLA
Nang mamatay ang mga ilaw ay doon lang umingay ang buong villa. Lahat sila ay nagpanic na at nagsimulang magtawag ng mga kasama. Nanatili naman akong nakatayo sa aking pwesto, hinihintay ang pagalingasaw ng amoy ng gasolina, hanggang sa napagdesisyunan kong buksan ang lighter at ihagis iyon sa aking harapan. Nagliyab naman ang taong tinamaan niyon.
"Sunog! Patayin ang sunog!"
"Si Sinclair! Nasusunog si Sinclair! Tulungan niyo siya!"
"Tubig! Kumuha kayo ng tubig!"
"Yung ilaw!"
The burning person tried to struggle from the fire. Hindi nga rin ito gumawa ng kahit na anong ingay maliban lang sa mahihinang pag-ungol. Nakabalot na rin ito ng malaking tela na ihagis ng kung sino sa pagaattempt na maapula ang apoy, ngunit lalo lang itong lumakas.
Ngumisi naman ako at nagsimula nang maglakad paalis nang wala man lang nakakapansin. Hinayaan ko lang magkagulo ang lahat doon bago mapayapang bumalik sa aking sasakyan at umalis sa lugar.
Walang tubig sa lugar silang makukuha dahil itinigil na ang lahat ng iyon roon. Ang buong villa ay napapalibutan lamang ng mga alak kaya wala nang pag-asa pang maisalba ang nasusunog na katawan. Sakali mang dumating ang tulong ay abo na lang ang maaabutan nila, isa pa'y nakatikim na ang lahat ng wine na may droga para makapag-isip ng maayos. Ilang oras pa bago sila bumalik sa ulirat.
Pagkarating sa hotel ay doon ko lamang tinanggal ang aking wig at nagpalit ng damit. I did not waste my time idling around and decided to pick up my luggage to head at the nearest airport. Kailangan ko namang magpunta ng California para puntahan si Shin.
Tinawagan ko si Fritz na matagal bago niya nasagot. "Ma'am Solemn."
"Pakihanda ang wedding gown. Papunta na ako diyan."
"Copy."
Shin. Wait for me.
THYME
UNDERGROUND
Ibinaba ko ang aking phone matapos makatanggap ng balita tungkol sa pagsunog ng buhay kay Jack Sinclair. Inayos ko naman ang malagintong wig at lumabas ng CR. Wala akong ibang ginawa kundi ang mabilis na naglakad papuntang exit, kailangan lang ay maraming makakita sa akin na nandito ako sa undeground. Seeing the hair, they will already assume that I am the Royal queen, Sora.
Ang planong ito ay isang protective measure at magandang counterattack laban sa D mafia. Upang mapasa ang kasalanan, paniguradong sasabihin nilang si Sora ang pumatay kay Jack Sinclair, at pag nagkataon karamihan sa mga mafia ay papanig kay Jack at magiging kalaban ng pumatay rito.
Pero ngayon, walang magagawa ang D mafia kundi akuin ang pagkamatay ni Sinclair. Isa pa'y nandoon naman talaga ang Dark Team na magiging ebidensya laban sa kanila at wala sa crime scene ang babaeng may gintong buhok.
Kapag si Sora talaga ang nagplano, walang magagawa ang kalaban kundi tanggapin ang pagkatalo. Kailangan na lang namin hintayin ang sunod na plano bago gumalaw ulit.
Naglakad na ako palabas ng underground, dahil hapon pa lang rito sa Pilipinas ay nagsuot ako ng malaking shades at agad na sumampa sa tumigil na itim na sasakyan. Pagkasara palang ng pinto ay doon ko tinanggal ang wig. I fixed my hair while looking at the rearview mirror, nang masigurong okay na ako at doon lang ako umayos na upo.
"May ilang araw na lang si George Woldart upang maghanda." Aniya ni Hiro na siyang nagmamaneho ng sasakyan. "Kailangan na rin nating siguraduhing walang papalpak."
"Hindi ko akalaing sarili niyong uncle ang tunay na kalaban niyo. Your father's own twin."
Umiling si Hiro. "He is no longer our uncle. Matagal nang pinutol ni dad ang koneksyon sa kaniya. They were enemies eversince the mafia was born."
"Anong sunod na plano niyan?"
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng Woldart mansion. Nagtataka naman akong napatingin roon. Bakit dito nagpunta si Hiro? Gusto niya bang mabuking ang pagkatao niya?
Hindi naman bumaba ang kasama ko sa kotse, bagkus ay itinuro niya lang ang mataas na tower na tanaw na tanaw mula rito. Ang golden tower. Sa pagkakatanda ko ay kilala iyan bilang kulungan ng golden fairy na siyang itinago ng Royal mafia sa lahat sa loob ng maraming taon. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit nila ginawa iyon pero ayon sa mga narinig ko ay dahil sa toreng iyon nagpakadalubhasa ang golden fairy. To learn the arts of war and mafia, the fairy is the biggest trump card of Royal.
"Sa oras na tumunog ang kampana. Iyon ang oras na dadanak ang dugo sa pagitan ng dalawang mafia."
"Iyan ang hudyat?" Tanong ko, tumango si Hiro bago nagmaneho ulit paalis ng lupain ng mga Woldart.
Nagtataka man kung bakit kailangan pang gumamit ng kampana pero hindi na ako nagtanong pa. Kinuha ko na lang ang laptop sa likod ng kotse upang tignan ang mga updates roon.
Nakatanggap naman ako ng ilang emails galing kay Mr Sy. Hindi siya pinatay ni Sora dahil alam niyang magagamit siya laban sa D mafia. Ang mga confidential files na ninakaw niya bago tumakas ay ngayo'y nasa mga kamay na ng Royal mafia.
"Natanggap ko na ang ibang code. Kakapasa lang ni Mr Sy." Inform ko kay Hiro. "Should I hack the security system?"
"Oo. Kailangan ng kopya ng blueprint ng headquarters nila. Kahit nasa loob kasi ng D mafia si Solemn ay maraming matang nagmamasid sa kaniya kaya hindi niya malibot ang lugar."
Nagtype ako sa laptop matapos isave lahat ng bagong dating na files nang biglaang tumigil ang sasakyan at nabitawan ko ito.
Inis akong nagtaas ng ulo. "Anong ginagaw--" hindi ko natuloy ang sasabihin at gulat na napatingin sa mga kotseng nakatigil sa harapan namin.
Tatlong mga itim na kotse at lahat iyon ay paniguradong mga armadong tao ang sakay. Ipinilig ko ang aking ulo upang tignan ang reaksyon ni Hiro, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakangiti pa siya ng malawak, gayong nasa disadvantage kami.
"Hiro?" Tawag ko.
"Yumuko ka at tumawag ng back up." Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kaniyang mukha. "I'll buy time for the both of us."
Then he opened the door and walked outside like any other day.
◾◾?◾◾