Chapter 15

1081 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 15 SORA IN RED GOWN "Magkita na lang tayo sa araw ng iyong kamatayan." SORA LAS VEGAS Suot ang mahabang pulang gown na siyang nagmatch sa mapulang labi at kuko ay walang emosyon ko lang tinignan ang sarili sa salamin. Sunod naman ay inaayos ko ang itim na wig at ang bangs nito na bahagyang tumatakip sa aking mata. I brushed my fingers along my long dark hair, making sure to make it more natural. Ring! Ring! Sumilay naman ang maliit na ngiti sa aking labi nang umilaw ang cellphone na nasa katabing lamesa. Mr D calling... Mukhang natanggap na nila ang aking mensahe. Ngayon alam na nila kung bakit ako pumayag na pumasok sa D mafia, upang unti-unti silang pabagsakin. Upang ipakita sa tunay na nagpapalakad ng D mafia na kilala ko siya. Si Royce George Woldart, ang kambal ni Griffin Woldart. Ang puno't dulo ng lahat ng ito. Dahan-dahan ay iniangat ko ang aking phone at sinagot ang tawag. "Sora!" Bungad sa akin ni Mr D. "Nasaan ang ibang Dark team?! Bakit di sila sumasagot?!" Tinignan ko ulit ang aking sarili sa salamin bago sumagot. "We are on a mission right now, besides nahack na ang kanilang phone. Kaya kahit anong tawag mo hindi mo sila makakausap." "D*mn you, Sora! Trinaydor mo ako!" "Mr D." Malumanay kong tawag. "Alam naman natin na isa akong Royal at hindi ba't sinabihan ka ng ng iyong reaper?" "Huwag mong isiping makakabalik ka ng buhay, Sora! Nagkamali kang binangga mo ang D mafia!" "At nagkamali rin kayong kinalaban ang isang Golden fairy. Magkita na lang tayo sa araw ng iyong kamatayan." Binaba ko na ang tawag kahit naririnig ko pang sumisigaw si tanda. Kalmado naman akong lumabas ng aking suite bago in-on ang ear device. Pagkabukas niyon ay doon ko lamang narinig ang dark team na siyang nauna na sa private villa ni Sinclair. "Papunta na ako." Sabi ko sa kabilang linya. "Maghanda na kayo." "Copy." Sabay-sabay naman nilang turan sa kabilang linya. "Captain, lumabas na si Sinclair. Apat na bodyguards ang kasunod niya." Aniya ni Layla. "Bakit pakiramdam ko ay handa ngayong gabi sa pagsugod natin si Sinclair?" Tanong naman ni Avory. Hindi ko na sila pinansin, pinatay ko na lang muna ang mic mg device at sumakay na lang sa kotseng naghihintay sa labas ng hotel. Kasama ko ngayon ang dalawang miyembro ng dark team, pareho silang nakaupo sa harap. Ang isa ay drayber at ang isa naman ay katabi nito. Tahimik lang akong nakaupo sa likod at ramdam ko rin ang panay na pagtingin ng dalawa sa rearview mirror. Naningkit naman ang aking mga mata at pasimple rin silang pinasadahan ng tingin. Sh*t! Mukhang nasabihan ni tanda ang dalawang ito. Buti na lang hindi ko sila binigyan ng ear device. Mabilis na umandar ang kotse sa highway, dahan-dahan ko namang inabot ang aking paa at hinugot ang 4 inches heels. Sa parehong pagkakataon ay lumingon ang isa upang isaksak sa akin ang hawak na patalim. Umiwas ako at hinawakan ang kaniyang kamay bago ipukpok rito ng malakas ang aking sapatos. Bumagsak ang dagger sa aking paanan, akmang kukunin ko iyon nang igewang naman ng drayber ang sasakyan at napatagilid ako. Tumama ang aking ulo sa bintana at kinuha iyong pagkakataon ng isa upang lumipat sa likod. Dinaganan niya ako, itinaas ko naman ang aking kamao upang suntukin siya sa mukha. I gritted my teeth in annoyance when he tried to grab the strap of my dress. Hindi rin nakakatulong ang pagewang gewang ng sasakyan at ang pagbusina na nagmumula sa ibang sasakyan. Inipon ko naman ang aking lakas at itinulak ang lalaki bago sunod-sunod na ipinukpok sa kaniyang ulo ang aking heels. Kinuha ko rin iyong pagkakataon upang buksan ang pintuan at sipain siya ng malakas palabas ng kotse. Sunod ko namang ginawa ay sinara ang pinto at mabilis na ipinulupot sa drayber ang aking braso, muling gumewang ang sasakyan pero mas hinigpitan ko ang pagsakal sa kaniya. Wala pang ilang minuto ay nawalan na siya ng malay at nawalan rin ng kontrol ang sasakyan, mabilis naman akong lumipat sa harapan upang at inapakan ang break. Saktong pagtigil nito ay nakita kong kulay pula ang traffic light. Napangisi ako at tinulak palabas ang lalaki bago ayusin ang aking sarili, kinuha ko naman ang heels na naiwan sa likuran upang ibalik ito sa aking paanan. Tok!tok! Napalingon ako sa kabilang side ng bintana nang makita ang nanggagalaiting matanda na bumaba pa mula sa kaniyang kotse. Ibinaba ko naman ang bintana at malumanay siyang tinignan. "Sorry for the inconvenience. Nagka aberya lang dito sa loob." At di ko na hinintay ang kaniyang sagot, tinapakan ko na ang gas pedal at humarurot paalis. JACK PRIVATE VILLA 9:47 PM Kakasimula palang ng party pero puno na ang aking villa ng mga bisita. Ang iba sa kanila ay mga kasosyo ko underground ang iba naman ay mga sinama lang nila upang ipakilala sa akin. Isinuklay ko ang kamay sa buhok bago salubungin ang aking mga bisita. Panay lang ang aking ngiti habang nililibot ng tingin ang lugar upang masiguradong nag eenjoy ang lahat. "Mr Sinclair." Bati sa akin ng isang kasosyo. "I want to propose a business deal, okay lang ba--" Natigil ang lahat sa pagsasalita at nadako sa entrance ang mga tingin nang pumasok ang babaeng nakasuot na kulay pulang long gown na siyang nag-aangat ng maputing kutis. Ang mahaba niya namang itim na buhok at bangs ay lalong bumabagay sa misteryosong asul na mga mata. Napatitig ako sa bagong dating, malumanay lang ang kaniyang mukha habang mabagal na naglalakad papunta sa aking direksyon. Muli kong isinuklay ang kamay sa aking buhok at ngumiti ng malawak. I even licked my lips before meeting her halfway. "At sino naman ang magandang binibini?" Ngiti ko. "Mr Sinclair, may tissue ka ba diyan? Para kasing nanlalagkit ang aking paa." Inihakbang niya ng isa ang kaliwang paa, bumaba naman ang aking tingin sa malasilver na sapatos at halos gumuhit ang gulat sa aking mukha. "What the hell?" Usal ko. May mga bahid ng dugo ang mataas na sapatos na iyon lalo na sa bandang likod na para bang ginamit itong weapon sa pagpatay. Itinaas ko ulit ang aking tingin upang salubungin ang malumanay niyang mga mata. Wala naman siyang reaksyon at bagkus ay mas lumapit pa sa akin upang bumulong. "Sinclair, handa ka na bang mamatay ngayong gabi?" ◾◾?◾◾
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD