Chapter 14

1310 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 14 THE GAME BEGINS "Fine. I'll play with you." LAYLA LAS VEGAS Kahit na naiinis ako dahil saktong napartner pa kay Avory sa misyon na ito ay hindi ko na lang siya pinansin. Sinundan namin si Jack Sinclair nang makitang lumabas ng kaniyang hotel kasama ang ilang mga kalalakihan. Sabay-sabay silang sumakay ng limousine na huminto sa tapat ng casino. We followed him inside, tahimik lang kaming naupo sa pwesto na malapit sa table nila. Patawa-tawa namang naglalaro si Jack ng poker habang nagbibid ng napakaraming chips. Napangisi ako. Nagagawa niya pang magpakasaya samantalang bilang na lang ang mga araw niya. Kung hindi niya prinovoke ang D mafia at pinatay ang ibang executives nito, kung nanatili lang siyang loyal ay hindi sana hahantong sa ganito ang buhay niya. Marami lang siyang koneksyon sa underground pero hindi ibig sabihin non ay immortal na ang buhay niya. "Jack, panay yata ang pagsugal mo netong mga nakaraang araw?" Rinig kong tanong ng kasama niya. Nakipageye contact naman ako kay Avory at sinenyasan siya na mas lumapit sa table. Hawak naman ang goblet ay pakunwari'y lumapit siya upang manood. Ikinabit ko naman ang device sa aking tenga na nakakonekta kay Avory. "Itong mga nakaraang araw kasi ay pakiramdam ko huling araw ko na rin." Rinig kong sagot ni Jack, dahil sa device ay mas malinaw ang boses nila. "I feel restless, kaya nga naisipan kong magpakasaya na lang." Tumawa ang mga kasama niya bago sila nagsibaba ng mga cards. "Pinapahiwatig mo bang mamamatay ka na? Hahaha, samantalang halos mabaon na kami sa utang sa kakapanalo mo dito sa casino." "Kung gano'n ay ibigay mo na sa amin lahat ng napanalunan mo. Hindi mo madadala sa hukay ang pera." "Nililito lang tayo niyan. Isa sa pinakamalaking tao sa underground si Sinclair, kahit si kamatayan kaya niyang suhulan." Nabalot ng mga tawanan nila ang buong table. Naningkit naman ang aking mga mata habang pinagmamasdan si Sinclair, tumahimik lang siya habang mabagal na iniinom ang wine sa goblet ngunit hindi nakaligtas sa akin ang maliit na ngiti sa kaniyang labi habang umiinom. Para bang pasikreto nitong tinatawanan ang mga kasama. "Magpaparty ako bukas. You are all invited." Aniya, inilapag naman niya ang hawak na baraha at sabay-sabay na nagmura ang mga kasama. Another win. "Makakapunta ba kayo?" "Of course. You seldom held a party, this is a rare opportunity." Sagot ng katabi nito. "Saan ba gaganapin?" "Sa private villa ko. 9 pm. Let's have some fun and talk about business." Isinulat ko sa tissue nang sabihin niya ang address ng sariling villa. Umalis na rin naman roon si Avory na nagrefill ng kaniyang wine, kaya tumayo na rin ako upang umalis. Pagkarating sa labasan ay muli kong nilingon ang pwesto ni Jack Sinclair, napaatras ako nang makitang nakatingin rin siya sa akin. Matagal siyang tumitig bago sumilay ang malawak na ngisi na siyang ikinataas ng balahibo ko. "Layla, nasaan ka na?!" Nabalik ako sa ulirat nang marinig si Avory sa ear device. "Palabas na." Sagot ko bago tuluyang lisanin ang lugar. Nagtataka man sa nakita kanina ay napagdesisyunan kong huwag na lang pansinin iyon. Marahil ay hindi ako ang tinitigan niya kanina, baka ibang tao iyon. Pagkarating sa sariling hotel ay nagkita-kita kaming lahat sa suite ng aming captain. Nadatnan namin siyang prenteng nakaupo sa pahabang sofa, magkakrus ang mga paa habang kaswal lang na umiinom ng white wine. "Captain." Tawag ni Yannah, bored naman na nagtaas ng tingin si Sora sa amin bago ibaba ang hawak na baso. "What's the news?" Tila ba wala niyang pakielam na tanong. Lumapit naman si Avory at sinabi ang mga narinig kanina sa casino. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Pero paano tayo makakagrant ng access sa villa niya. Panigurado ay magtataka sila dahil bagong mukha tayo sa paningin nila." Tanong ko, ngunit hindi man lang nagpakita ng kahit anong emosyon ay babaeng may gintong buhok. Nanatili siya roong nakaupo, hindi man lang nabahala sa problemang darating, bagkus ay nagawa niya pang tignan ang kulay pulang mga kuko. Ang babaeng ito, kahit kailan ay hindi ko mabasa ang kaniyang isip. "Leave everything to me." Sa wakas ay nagsalita siya. "You two." Turo niya sa dalawang lalaki sa likuran namin. "You will come with me as an escort. Yannah, you will handle the cctv's inside the villa. Layla and Avory will be assigned inside the party, you will pose as a maid and report Sinclair's every moves." Sinaulo namin ang routine na gagawin bukas ng gabi, matapos maipaliwanag ang lahat ng gagawin ay doon lang kami bumalik sa sariling kwarto, at sa di malaman na dahilan ay nababahala ako sa kakaibang titig ni Sora. Kumpara sa malumanay niyang mga mata ay iba ang titig na ibinibigay niya sa amin kanina. PIPER D MAFIA HQ Simula nang umalis si Sora ay wala akong ibang ginawa kundi mag-imbestiga, ngunit wala akong makuha ni katiting na dumi mula sa kaniya. Kahit ang sariling kwarto ay hindi ko makuhanan ng kahit na anong clue. Mukhang masyadong maingat ang babaeng iyon, at ngayon pang alam niya na nagmamasid ako ay talagang hindi siya nag-iwan ng pwedeng mag implika sa kaniya. Hinugot ko ang dagger sa aking gilid at hinagis iyon sa katapat na dingding. Bumaon iyon sa larawan ni Sora na matagal ko nang idinikit roon upang pagpraktisan. "Sora, ano bang itinatago mo?" Ikinuyom ko ang aking kamao at hinugot ang dagger sa dingding bago simulang pagsasaksakin ang picture. "Bwisit talaga!" Dahil sa kaniya ay nawalan ako ng lugar sa mafia, madalas pa ay pinagkukumpara kaming dalawa. Ako lang! Ako lang ang nag-iisa at pinakamagaling na reaper ng mafia! Sinaksak ko ulit ang picture nang istorbohin ako ng mga katok sa pinto. Inis ko naman iyong binuksan. "May dumating na sulat para po sa inyo." Abot sa akin nung guard ng sobre. Kinuha ko naman iyon at marahas na sinara ang pintuan. Nagtataka ko namang sinuri ang sulat, walang nakalagay kung kanino galing iyon kundi pangalan ko lang. Binuksan ko ang sobre at bumungad sa akin ang larawan ng isang buong pamilya. Nabato ako sa aking kinatatayuan. This... This is impossible! Sa larawan ay si Sora at ang babaeng kamukha niya, katabi naman nito ay ang lalaking may maliit na ngiti sa mukha. Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto at tumakbo papunta sa opisina ni Mr D. Mabilis akong tumakbo at hindi na nagawa pang kumatok sa opisina. Gulat namang nagtaas ng tingin si Mr D na mukhang may kausap sa telepono. Binaba niya iyon at inis akong tinignan. Binalewala ko naman ang kaniyang tingin at marahas na inihampas ang larawan sa lamesa. "Ito ba ang dahilan?" Seryoso kong tanong, nagbaba naman ng tingin si Mr D at tinitigan din ang larawan. Kaya ba pinapaboran niya si Sora dahil dito? "Ang big boss ng D mafia, siya ang ama ng fallen queen? Paanong nangyari iyon?" Tahimik na yumuko si Mr D habang tinitignan ang larawan, ngunit nakuha rin ng atensyon ko ng baligtarin niya iyon at tumambad sa amin ang sulat rito. Let's play a game. "Nasaan sila ngayon?!" Napaatras ako ng sumigaw siya. "Hanapin niyo si Sora at igapos!" "Anong ibig sabihin nito?" Taka kong tanong. Kung anak siya ng Bigboss ng D mafia bakit iba ang reaksyon niya? "Alam niya na ang totoo! D*mn! Si Griffin Woldart ang lalaking iyan, ang kambal ng big boss. Tawagan mo ngayon din ang dark team na kasama ni Sora, kundi hindi na sila makakauwi ng buhay!" Nandilim naman ang aking paningin at umiling sa matanda sa aking harapan. "Sabi ko naman sa iyo e, naisahan ka tuloy ng isang royal." Kinuha ko ang larawan sa lamesa nang pumasok ang ilang tauhan sa loob ng opisina. Nakangisi kong tinitigan ang sulat sa likod nito. Gustong makipaglaro ng fallen queen? Fine. I'll play with you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD