◾◾?◾◾
CHAPTER 13
HER BLUE EYES
"We never lose a battle, in fact, we enjoy it."
SORA
D MAFIA HQ
Inayos ko na ang mga dadalhin papuntang Las Vegas mamayang gabi. Wala akong masyadong dala kundi mga damit at basic necessities na kakailangan sa pananatili roon ng ilang araw. Matapos mag-ayos ay naupo muna ako sa tabi ng bintana nang makuha ng atensyon ko ang pamilyar na sasakyan sa baba.
Ang sasakyan na iyon. Iyon din ang parehong sasakyan na nakita ko ng aking kaarawan at nung mga panahong hinarang kami ni Shin ni mommy upang kuhain ako.
Pumasok iyon sa underground parking at nagmamadali ko namang kinuha ang aking selpon upang tawagan si Basil. Sa unang ring palang ay sinagot niya na agad iyon.
"Ma'am Solemn! Basil at your service!"
Isinuklay ko ang kamay sa buhok. "Pumunta ka ng D Mafia at abangan mong lumabas ang itim na BMW. Plate number RGW 472. Sundan mo ng ilang araw."
"Noted. Remarks?"
"Mag-ingat ka. Ilang beses rin niya akong nasalisihan."
Binaba ko na ang tawag matapos makausap si Basil. May hinala kasi ako na alam ng may-ari ng kotse na iyon kung nasaan ang aking mga magulang na bigla na lang nawala. Alam ko, hindi namatay ang aking ama noong aking kaarawan. His body was never found and my mother disappeared at Great Queen without a trace.
Hindi kami matatawag na Royal kung basta-basta na lang kami mamamatay. We never lose a battle, in fact, we enjoy it.
Kinagabihan, kasama kong umalis ng headquarter ang iilang mga dark team. Isang van ang gamit namin dahil si Layla, Yannah, Avory, at dalawa pang tauhan ang aking dinala. Lahat sila ay tahimik lang byahe habang iniiwasan ang mapadpad sa akin ang tingin.
Napataas ang aking kilay at walang emosyon silang tinignan sa salamin sa harap.
"Too tensed." Mahina kong sambit. "Wala akong gagawin sa inyo kung magsasalita kayo."
Lumipat naman ang tingin ko kay Yannah na nakayuko at nagkakalikot sa kaniyang phone. A small smile plastered on my lips.
"Pagdating sa Las Vegas ay iaassign ko sayo Layla at Avory ang pagmamanman sa mga galaw ni Sinclair." Panimula ko. "Wala kayong ibang gagawin kundi alamin lang ang mga schedule niya at kung ilan ang mga bodyguards."
"Yannah, you will accompany me in preparing the things needed. Hindi tayo pwedeng pumalpak sa misyon na ito kaya kailangan ko ang buo niyong kooperasyon."
Tumango ang mga kasama ko at pagland pa lang ng eroplano sa Las Vegas ay nag-aayos na kami sa sariling mga kwarto upang maghanda. Magkakasama yung iba, samantalang mag-isa kong inokyupa ang suite room. Matapos lamang ang ilang oras ay doon lang ako lumabas at pumunta ng lounge.
Naghihintay na roon si Yannah na agad na tumayo upang salubungin ako. Walang emosyon ko lang siyang pinasadahan ng tingin bago naunang lumabas ng hotel.
Sa isang shop ay bumili lang ako ng maliit na lighter at gasolina. Nagtataka namang napatingin roon si Yannah na siyang nagdala ng aking mga pinamili.
I smiled at her growing curiosity and stopped walking. Pareho kaming natigil sa eskinita, nilingon ko naman ang aking kasama at bored siyang tinitigan sa mata.
"Yannah, gusto mong malaman kung paano kumilos ang isang fallen queen?"
Muntikan nang mabitawan ang hawak na gasolina nang tanungin ko siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa bored kong boses o sa tanong pero sadyang namutla ang kaniyang mukha. Umatras ang babae na animo'y isang multo ang nasa harapan niya ngayon.
"Ca-captain, anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo ba tatanungin kung para saan iyang gasolina?"
Muli siyang umatras palayo sa akin. "P-para saan?"
Humakbang ako ng isa papunta sa kaniya at sumilay ang ngiti sa aking labi.
"I'll burn the enemy to ashes."
Hindi siya kumibo, nanatiling tuod habang ang mga mata'y nakatitig sa akinh mukha. Tumalikod naman ako at naiiling na iniwan siyang tulala roon.
Such a big reaction.
Yannah
LAS VEGAS, HOTEL
It haunts me.
Nang makabalik sa hotel ay wala pa rin sila Layla kaya tuloy ay wala akong kasama. Nakaupo lang ako sa kama habang di mapakaling napapatitig sa bintana o kaya ay sa pinto.
Yung asul na mga mata at mapulang nakangiting labi. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko ang mukhang iyon. Naprapraning na ata ako, si Jack Sinclair ang tinutukoy niya, bakit ba iniisip kong susunugin niya ako ng buhay.
Pero kung paano niya ako titigan kanina ay pakiramdam ko tuloy ay pinaglalaruan niya lang ako, na para bang alam niya ang lahat at ineenjoy kaming panoorin. Napailing ako at isinawalang bahala ang kutob.
Binuksan ko na lang ang aking laptop at muling hinack ang system ng Royal mafia. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nacracrack ang code roon upang nakawin lahat ng impormasyon at pera nila. At ilang royal army na ba ang tinorture ko at pinatay, kahit ilang daliri pa ang putulin ko ay nanatili ring tikom ang bibig nila. Kahit wala na ang queen ay mahirap pa rin pasukin ang security system ng Royal mafia kaya hindi masiguradong hindi na makakabangon pa sa pagkakatumba si Sora.
Napatawa na lang ako sa naiisip kanina.
Walang alam si Sora. Tinalikuran niya na ang pagiging Royal dahil wala na siyang babalikan pa. She will never get the crown or the title back. Siguradong hindi niya na rin alam ang nangyayari sa sariling mafia.
Ang tanging trabaho ko lang ay manmanan siya at alamin kung paano sisirain ang security system.
Nakahinga naman ako ng maluwag habang busy sa pagtatype sa aking laptop kahit na pakiramdam ko ay nakatingin pa rin sa akin ang kalmadong asul na mga mata na iyon.
◾◾?◾◾