Chapter 12

652 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 12 THYME AND BASIL "Hindi lang simpleng tao ang kalaban natin." East Hospital Thyme Dolcster~ Umangat ng napakataas ang isa kong kilay habang pinapasadahan ng mapanuring tingin ang panget sa aking harapan, at sino pa nga ba ang tinutukoy ko kundi si Basil na walang ginawa kundi ipalandakan kung gaano DAW kagwapo ang mukha niya. Bagong discharged lang ng ospital pero heto na siya't nagsisimula nang magyabang. "Hoy! Kapag hindi ka pa tumigil sa kaartehan mo tutuluyan na talaga kita!" "Ilang buwan na nga akong nagpakasleeping beauty tapos ikaw wala pa rin pinagbago ang kasungitan." Ngisi ni Basil na ikinairita ko. "Pwes, gusto mong pahabain na natin yang tulog mo, ichecheck in kita sa sementeryo. Forever hotel yun para di ka na magreklamo." "Sungit. Lagi ka bang meron o menopausal ka na?" Sa inis ay sinipa ko ang wheelchair niya na kanina ko pa itinutulak papunta sana sa elevator. Nagdire-diretso naman si Basil sa kahabaan ng hallway at halos matawa ako nang taranta niya itong hinawakan sa gulong upang ihinto. "Kapag ako talaga nasubsob maraming single ang manghihinayang!" Bwisit! "Oo, manghihinayang sila. Kung bakit di ka pa kasi natuluyang masubsob nang matapyasan yang kahanginan mo!" Sigaw ko. "Ang sungit mo talaga kaya walang nagkakagusto sayo e!" Sisigaw pa sana ako ulit nang bumukas ang kalapit na elevator at lumabas ang dalawang babae. Muntikan pa nga nila akong mabunggo dahil pareho pang nakayuko ang dalawa habang may kinakalikot sa kanilang phone. Naningkit naman ang aking mga mata dahil pamilyar ang dalawa. Tama. Sila yung pinaimbestigahan sa akin ni Sora. Si Layla at Yannah. "Layla, nasaang room daw nakaconfine yung pamangkin mo?" "Sa dulo pa. Diretso lang." Nang makalayo na silang dalawa ay doon ko lang binalingan si Basil na nakatingin na pala sa akin ng kakaiba. Inirapan ko naman siya bago lumapit. "Oh? Nagandahan ka na sa akin?" Tumawa naman yung pangit. "Masyado akong pogi para patulan ka." Sumimangot ako at mabilis na itinulak yung wheelchair. Kaartehan talaga neto, nakakalakad naman pero ayaw lang mapagod. "Sino yung tinitignan mo kanina?" Seryosong tanong ni Basil nang makapasok kami ng elevator. "Huli na ata ako sa balita." "Mag-iingat ka sa dalawang iyon. Magaling sa technology yung Yannah at sniper naman yung Layla." Sambit ko. "Anong meron sa kanila? Bukod sa pagiging miyembro ng D mafia?" "Hindi ko rin alam pero gusto ni ma'am Solemn na alamin ko ang lahat ng kinikilos nila. Mukhang masyadong marami ang kalaban ngayon at hindi lang simpleng tao ang kalaban natin." Umiling na lang ako at saktong pagbukas ng elevator ay sumalubong sa amin si Hix na may malawak na ngisi sa kaniyang mukha. Pumasok siya sa elevator at muli iyong pinindot upang sumara. Wala siyang pinindot na floor kaya ang nangyari ay nanatili kaming tatlo sa loob nang hindi ito umaandar. "Kapag lumabas ang balita sa pagkamatay ni Jack Sinclair ay kailangan niyong maghanda." Abot niya ng paperbag sa akin, kinuha ko iyon at napansin ang malagintong wig sa loob. "Magpanggap kang si Sora at magpakita sa underground. Hindi ka magsasalita. Kailangan lang ay makita ng lahat roon." Agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin at tumango. Bumaling naman siya kay Basil na naghihintay rin ng utos. "Ikaw, magpahinga ka muna." "Ha?" Tangang tanong naman nung pangit. "Teka! Tutulong ako!" Hindi naman siya pinansin ni Hix na lumabas na ng elevator. Sumigaw pa si Basil kaya nabatukan ko tuloy. "Wala ka na kasing silbi! Naawa na siya sayo!" Irap ko. "Kawawa ka naman." Sinamaan ako ng tingin ni Basil na ginantihan ko rin, maya-maya'y napalitan iyon ng malawak na ngisi. "Sungit mo, baby." Aniya bago tumayo ng wheelchair at tumakbo palabas. "Sinong kawawa ha?!" Napamaang ako sa tinuran nung pangit. Kahit kailan talaga nakakainit ng ulo ang lalaking iyon. Hintayin niya lang talaga matapos ang lahat ng ito, ihahampas ko sa kaniya ang wheelchair na to. Bwisit! ◾◾?◾◾
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD