Chapter 11

1176 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 11 JUST A PAWN "But a pawn can change a game." Someone pov Sa ilang taon kong paghihintay ay sa wakas abot kamay ko na ang aking mga pangarap. Kaunti na lang ay kahit si Griffin Woldart ay luluhod sa aking harapan upang ibalik ang lahat nang nawala sa kaniya. Bumaba ako sa basement ng aking building, doon ay makikita ang pahabang madilim na hallway. Ang bawat dingding at sahig ay gawa sa batong ngayon ay natatakpan ng alikabok at lumot. Gamit ang malaking flashlight ay tinahak ko ang hallway papunta sa dulong bahagi nito. I stopped in front of a bar prison. Mula sa baba ay itinaas ko ang ilaw ng flashlight at itinapat iyon sa pigura ng nakaupong lalaki. Nakakadena ang kaniyang mga kamay sa magkabilang bahagi ng kulungan, ang ulo niya'y nakayuko na animo'y tulog ito. Kahit sino ay hindi na makikilala ang lalaking ito pwera na lang kung lilinisan at gugupitan ng buhok. "Griffin." Malawak kong ngisi. "Kamusta ang bago mong lifestyle?" Hindi nag-angat ng tingin ang walang hiya at nanatili lamang tahimik. "Nasa puder ko na ang anak mo, ang golden fairy, ang anak na itinago at prinotektahan mo ng ilang taon. Anong pakiramdam na nasayang lahat ng paghihirap mo?" Itinapat ko ang flashlight sa kaniyang mukha at wala pa rin itong naging reaksyon na ikinainis ko. "At si Sera, tuluyan na siyang mawawala sayo. The family that you build is slowly fading away and you can't do anything about it. How depressing." Tumawa ako ng malakas habang iniisip ang panahon na magmamakaawa ang isang mafia boss ng Royal mafia, ngunit naputol ang aking kasiyahan nang gumalaw ang kadena at nag-angat nga ng ulo si Griffin. Malawak na ngisi ang bumungad sa akin-- ngising nagpataas ng aking balahibo. "Mararanasan mo kung paano mapaglaruan ng isang Salvatore." Tumawa siya ng mahina na siyang nag echo mula sa kaniyang kulungan. "Walang nakakaligtas mula sa kamay ng Royal mafia. We stop at nothing for victory and you are no exemption." Humigpit ang hawak ko flashlight. "Your daughter knows that her parents are dead. Wala na siyang motibasyon para lumaban pa, isa na lang siyang puppet ng D mafia. No longer a queen but a pawn." "But a pawn can change a game." Kahit sa ganitong sitwasyon ay hindi pa rin nawawala ang kakaibang awra ni Griffin. He still looks dignified and noble regardless of his dire situation. Nagngitngit ang aking mga ngipin at masama siyang tinitigan. "A pawn is a sacrifice. Sa laro ng chess hindi ba't sila ang unang natatanggal? Griffin, all you have right now is nothing but wishful thinking. All of you can never be saved from this redemption." Iling ko. Pinasadahan ko siya ng tingin bago lisanin ang madilim na lugar na iyon. Paakyat na ako ng hagdan sa kabilang dulo nang muling nagecho ang kaniyang tawa. Animo'y nanalo siya sa larong ito, kung tutuusin ay huli na ang lahat para isalba pa ang sariling pamilya at mafia. You lost Griffin, you lost. River Black Swan Corp Inayos ko ang kumpol ng mga papeles sa aking lamesa. Kakatapos ko lang iphotocopy ang mga dokumentong ibinigay ng acting CEO dahil muli na namang magkakaroon ng meeting kasama ang CEO ng Sumiyoshi corporation, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na buhay si Mr Shin Phoenix Sumiyoshi. Gusto ko sanang tawagan si Ma'am Solemn upang kumpirmahin ang bagay na ito ngunit mukhang kahit siya ay walang alam rito. If she knows about Shin then she should have come back in her own company again. Hinilot ko ang aking sentido bago ipikit ang aking mga mata. Sumasakit lang ang ulo ko sa twing naiisip ang mga nangyayari ngayon. Masyado na kasing magulo ang lahat: ang mga taong akala kong patay na ay naglilitawan ngayon, isa na roon si Hiro na siyang sinundo ko sa airport nung araw na nakipagkita ako kay ma'am Solemn, at ang leader ng phantom mafia na dumadalas ang pagpunta rito para sa mga importanteng meetings. Kung tutuusin ay kahit si Ma'am Solemn ay ginulat ako sa pagsulpot niya matapos ang ilang taon na pagkawala. I was about to pass my resignation letter that time to Mr Antonio when she appeared in front of my house. "Ipagpatuloy mo lang kung anong ginagawa mo ngayon. You told me that your brother was killed right, you are wrong. Buhay siya." Walang buhay niyang sabi habang nakatago ang kalahati ng katawan sa kadiliman. "Sa takdang panahon ay ipapakilala ko ang kapatid mo sayo." Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sinabi niya ng gabing iyon kaya hanggang ngayon ay nanatili ako rito upang maging mata niya. Idinilat ko ang aking mga mata nang makaramdam ng kakaiba sa aking paligid at tila ba nabuhusan ako ng malamig na tubig. "Ma-ma'am Solemn!" Gulat kong sabi habang nakatingin sa pigura ng babaeng may malagintong buhok. Ang mga mata niya ay gaya pa rin ng dati na walang buhay at animo'y pagod na sa mga nakikita. Nalaman na ba niya ang tungkol kay Shin kaya siya nandito? "Nagulat ba kita, Ms Guillermo?" Monotone niyang tanong. "Anong meron ngayon? Bakit napakadaming documents diyan?" "Meeting with Mr Sumiyoshi in ten minutes po." Wala siyang naging reaksyon ng sabihin ko iyon. "Alam niyo na po bang buhay si Sir Shin?" Dahil nakaupo ako ay bumaba ang tingin ni Sora sa akin at ang malumanay nitong mga mata ay lumamig. She stared at me with a calm yet cold expression as if I did a terrible crime and was about to face my judgement. "Hindi siya si Shin at kahit kailan hindi niya mapapalitan si Shin." Malamig niyang sabi. "A-nong ibig sabihin..." "Nagpapanggap lamang siyang si Shin para sa Sumiyoshi corp. Kapag nalaman ng board members nila ang tunay na nangyari sa CEO ng kompanya ay maaring bumagsak at magkagulo sa Sumisyoshi corp." Paliwanag ni Sora. Tumango ako. "Pero hanggang kailan po siya magpapanggap?" "Hindi ko na rin alam." Yumuko si Sora. Kita ko naman kung paano nagkuyom ang kaniyang mga kamay. The pain in her heart is visible on her blue pair of eyes. So it's true. Shin Sumiyoshi is really gone. "By the way, pumunta ako rito para sabihing ilang linggo akong mawawala. Pupunta ako ng Las Vegas at may mahalaga kang papel na gagampanan habang wala ako." Kinutuban ako bigla. Nag iba ang awra ng babae sa harapan ko ngayon, hindi siya si ma'am Solemn kundi isang Mafia Queen. At pakiramdam ko ay may masamang mangyayari. "A-ano iyon?" "Ipadala mo ang larawan sa reaper ng D mafia, si Piper. Make sure na hindi ka niya matr-trace." Kinuha ko ang larawan na kaniyang inabot, isa lamang itong simpleng larawan ni ma'am Solemn kasama ang kaniyang ama at ina. Wala namang mali sa picture o kakaiba. Mula sa larawan ay nag-angat ako ng tingin upang magtanong ngunit wala na pala akong kasama roon. Gaano kahalaga ang larawan na hawak ko para ipadala sa isang reaper? Solemn Raina, ano na ba talaga ang nangyayari? ◾◾?◾◾
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD