Chapter 10

866 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 10 HER NEXT TARGET "No one will be spared, not with my mercy." Sora After leaving Piper at the elevator I calmly took my way into the training room when the guard stopped me. Bored kong binalingan ng tingin ang guard na siya namang agad na nag-iwas ng tingin. "Pinapatawag po kayo ni Mr D. Hinihintay ka niya sa kaniyang opisina." Sabi niya at mabilisang umalis. Mula sa kaniya ay lumipat ang aking tingin sa mahabang hallway. Matagal akong napatitig roon habang iniisip ang dahilan kung bakit ako pinatawag ni Mr D, nasa itaas na ako kanina at kausap siya pero bakit di niya pa sinabi. Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay napagdesisyunan kong umakyat na nga at harapin siya. Sa tingin ko ay hindi maganda ang ibabalita niya sa akin. It will involve another killing again-- another assassination. Hindi ako kumatok nang makarating sa kaniyang opisina at dire-diretso lamang sa pagpasok. Sanay na naman siya sa aking ganitong ugali. I took the long sofa facing the floor to ceiling glass window. Ipinagkrus ko pa ang aking mga binti at hinintay na magsalita ang isa. "Isa-isang pinapatay ang mga executives na nakabase sa Las Vegas, Sora. Kapag nagpatuloy iyon ay mawawalan ng kontrol roon ang D mafia." Panimula niya. "Sa ilang buwan na pananatili mo rito ay nakitaan na kita ng potensyal at alam kong kaya mong patayin ang traydor nang hindi nag-iiwan ng ebidensya." Nagtaas ako ng tingin at hinarap siya. "You want a clean death. Ang traydor na tinutukoy mo ay maimpluwensiyang tao, hindi ba? One death of a man can cause a major damage to the mafia." "Tama ka." Tango ni Mr D. "Maraming koneksyon si Jack Sinclair at ayokong gumawa ng ingay para gumawa ng panibagong mga kalaban. You can go alone, kahit di mo na isama ang Dark team." Umiling ako bago tumayo. Sumilay naman ang napakaliit na ngiti sa aking labi ngunit nanatiling walang emosyon ang aking mga mata. "Dadalin ko ang dark team. Kung ayaw mong may magsuspetiya sa pagkamatay ni Sinclair ay palalabasin kong aksidente ang nangyari." A death ruled out as an accident does not require further investigations. "As expected of you, Sora." Tumango na lang ako at lumabas na ng kaniyang opisina. Jack Sinclair... Ang kanang kamay ni Stanley Pearson. Dumiretso na ako sa training room at nadatnan roon ang Dark team. Malumanay ko silanh tinignan isa isa sa mata, ang iba'y nag-iiwas ng tingin habang ang iba'y nagpatuloy sa pag eensayo. "Get ready. Lilipad tayo papuntang Las Vegas sa ikalawang araw matapos nito." "Yes, captain!" Saludo nila. Pero hindi ko sila dadalin para tumulong kundi para maging witness. Sila ang magpapatunay ng pagkamatay ni Sinclair, at iyong ang sunod na move ng Royal queen. Kung akala nilang mananahimik na lang ako matapos ang lahat ng nangyari, nagkakamali sila. Ang mga taong naging dahilan ng pagbagsak ng Royal mafia ay unti-unti kong sisingilin. No one will be spared, not with my mercy. Jack Las Vegas Ipinagkrus ko ang aking mga braso at sumandal sa pulang sofa habang pinapanood ang makinang na mga ilaw mula rito sa pinakatuktok ng aking hotel. Hindi makikita ang buwan ngayong gabi kaya naman madilim ang langit at mas nagliliwanag ang mga ilaw sa ibaba. I tilted the goblet wine and watched as the red liquid swirled around, its aroma penetrating my nose. Matapos lumubog ang Great Queen at mamatay si Stanley ay nanatili na ako rito sa Las Vegas. Tumaas naman ang sulok ng aking labi at marahang napailing. I warned him. Napakatanga kasi ni Stanley kaya agad rin siyang naagawan ng buhay. Kung pinigilan niya lang ang obsesyon kay Sora ay hindi niya sasapitin ang gano'ng bagay, pero kung iisipin ay isa lang naman siyang pawn at walang laban sa isang queen. He isn't just aware that he is being used. Such a fool. I drank the content of the glass and gently placed it at the table. Malapit nang matapos ang laro. Soon, the golden fairy will showcase its power to the mafia world. Nasa kaniya ang trump card, nasa dugo ng mga Salvatore- ang pinanggalingan niyang angkan. Ring! Ring! Agad kong inabot ang aking cellphone upang makita ang unknown number rito, nagdududa man sa hindi rehistradong numero ay sinagot ko pa rin ito at humarap sa malaking bintana ng aking hotel room. "Hello." "Sinclair," Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang malumanay na boses ng isang babae. "Ikaw na ang isusunod ko." Toot toot toot toot... Hindi man lang ako nakapagsalita pabalik, tanging ang end tone na lang ang siyang paulit ulit na umalingawngaw na ingay sa aking tenga. It is my turn? Ngumisi ako at nagdial ng number. Wala pang ilang segundo ay sinagot agad ito ni chief, ang loyal butler ng Royal mafia. "Chief." Bungad ko sa kaniya. "Jack, napatawag ka?" "Pakihanda ang lahat. Ako na ang isusunod ni Sora." Sandaling namayani ang katahimikan sa kabilang linya bago muling nagsalita si chief. "As you wish, Jack Sinclair." Solemn Raina, let's see how you will play this game of chess. Will you win or you will end up in checkmate? ◾◾?◾◾
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD