Chapter 9

1224 Words
◾◾?◾◾ CHAPTER 9 PLAYING CAT AND MICE "Hindi mo alam ikaw na pala ang pinaglalaruan, reaper." Yinakap ko nang mahigpit ang bagong dating bago marahas na pinisil ang kaniyang braso. Gulat naman siyang napahiwalay at sinalubong ang galit kong mga mata. "Bakit ngayon ka lang dumating?" Mapang-usisa kong tanong. "Alam mo ba kung gaano kahirap ang mag-isa?" Ngumiwi ang aking kambal. "Kailangan kong magpagaling ng maayos at isa pa ay nahirapan ako ng paghahanap sayo." Sandaling nagdilim ang kaniyang ekspresyon. "Bakit ka sumali sa ibang mafia? Ano ang binabalak mong gawin ngayon?" "Hiro..." "Nagkamali ka ng kalkula sa Great Queen. Marami nang nawala sayo, Solemn Raina." Yumuko ako at pinunasan ang aking pisngi. Tama siya. Marami na ang nawala sa akin pero hangga't hindi natatapos ang lahat ay patuloy lang na may mawawala pa. Ikinuyom ko ang aking kamao bago ikinalma ang aking sarili. "Hindi pa tapos ang laro, Hiro. Hindi si Stanley ang tunay na kalaban, isa lang siyang chess piece." "You are playing a very long dangerous game." Itinayo ako ni Hix at inalalayang maglakad palabas ng maliit na gubat. "Pero isa kang Salvatore at Woldart. Isang Royal at hindi tayo nagpapatalo sa laban natin." "You mean you trust me." "I trust you but not your actions. Hindi ko makakalimutang sinubukan mong patayin ang sarili mo, Solemn Raina." Tumigil ako sa tapat ng aking kotse at hinarap si Hix Roberts. Natatakpan ng kulay itim ang dati niyang blonde na buhok, may itim rin na hikaw ang nakakabit sa kaliwang tenga niya. Napakalaki ng pinagbago niya ngayon, parang hindi ang kambal ko ang nasa harapan ko. But then, pain can change a person. "I'm sorry." Ang tanging naisambit ko na lang. "I'm so sorry. Sorry, Hix, because I thought I have lost everything. Everyone. Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa akin ang malamang ako lang ang natitirang humihinga at walang galos ng gabing iyon." I was ready to destroy myself but I heard all of you inside my head, calling my name and telling me to live. "Shh. Wag kang humingi ng tawad. Wala kang kasalanan pero sana ngayon ay mas mag-iingat ka." "I won't be careless. Not this time." Sumakay ako sa aking kotse at iniwan roon ang aking kambal. Kapag isinabay ko siya sa akin ay paniguradong may magsasabi nito kay Mr D sa oras na may makakita sa amin. I cannot afford to lose this game of chess, no matter how complicated and long it is. Iniliko ko ang kotse sa hi-way at mabilis iyong pinaharurot papuntang main HQ ng D mafia. Nagpark ako sa labas nito bago hinintay ang paglabas ng matte gold na BMW. Sa kotseng iyon, hinding-hindi ko kakalimutan ang sakay nito sa loob. Tumaas naman ang sulok ng aking labi habang di inaalis ang tingin sa papalayong BMW. "Malapit ka nang macheck mate, King." Piper D mafia legendary reaper Main HQ Bwisit! Ikinuyom ko ang aking kamao at sinuntok ang salaming lamesa sa aking harapan. Kapag nagkataon talaga ay ako ang unang papatay diyan sa Sora, kung bakit kasi kinuha at pinaboran siya ni Mr D samantalang wala namang binatbat ang babaeng iyon. She is just good at controlling and amusing everyone with her intelligence. If not for Mr D's protection I could have assassinate her a long time ago. Sinipa ko ang basag nang lamesa at lumabas ng aking kwarto. Mataas ang tiwala nila kay Sora, at kung gusto kong mawala siya sa landas ko ay sisimulan ko sa pagsira ng tiwala nila. "Mr D!" Tawag ko nang makita siyang papasok palang ng opisina niya. "Can I talk to you?" "Piper, tungkol saan na naman iyan?" D*mn you, Sora! "Hindi ka ba naghihinala kay Sora?" Bahagyang tumaas ang kaniyang kilay. "Para saan?" "Itong mga nakaraang araw ay kakaiba ang mga kinikilos niya. Minsan nga kapag sinusundan ko siya ay bigla na lang siyang nawawala." Paliwanag ko, "She is hiding a lot of things. Baka na--" naputol naman ang aking sasabihin nang umalingawngaw ang tunog ng heels sa hallway. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng ingay at talaga namang kumulo ang aking dugo. Clad in all black fitted clothes with her high heeled boots, Sora stared at me with a blank expression. Tch! "Hindi ka ba nagsasawang matahin ako, reaper?" Sinamaan ko ng tingin si Sora bago ilang ulit siyang pinapatay sa aking isipan. "I am just playing cat and mice with you. Alam kong sinusundan at binabantayan mo ang bawat galaw ko." "Susundan ba kita kung hindi ka kahina-hinala?" Pang-uusisa ko. "Mr D, balang araw ay pagsisisihan mong niligtas mo ang babaeng ito. She will never be an asset in this mafia!" Pinasadahan ako ng tingin ng babae sa aking harapan at tumaas ang sulok ng kaniyang labi, animo'y nakakita siya ng dumi. Talaga namang umusok na ang aking ilong sa inasal ng fallen queen na ito. "Why don't you give her the benefit of the doubt, Mr D?" Bored nitong tanong bago tumalikod at iwanan akong nag aalboroto roon. "Piper, mas mabuti sigurong bumalik ka na sa kwarto mo." Inis namang sambit ni Mr D. Kinagat ko ang ibaba ng aking labi hanggang sa maramdaman ang kirot dito, at doon lamang ako umalis sa lugar na iyon. Masyadong mataas ang pabor at tiwala nila sa isang ex-mafia queen, hindi ba sila natatakot na muli itong bumangon at pabagsakin sila? D*mn you, Sora! Someday I am going to kill you with my bare hands! Maghintay ka lang! Agad akong sumakay ng elevator nang makitang nakabukas pa ito, ngunit napapitlag ako ng humigpit ang daluyan ng aking hangin kasabay ng pagsara ng pinto ng elevator. "Ack!" Tumambad sa akin ang walang buhay na asul na mga mata ng babaeng may malagintong buhok. Her face is void of any emotion, not even anger or impatience. It is just plain blank and dull. Sinubukan kong alisin ang palad na sumasakal sa aking leeg, ngunit naging bigo ako. Paanong naging ganto kalakas ang babaeng ito? "Ayoko ng sinusundan ako, reaper." Mahina at tulad ng walang buhay niyang mata ay ganoon din ang sumasalamin sa kaniyang boses. "Nawala na ang pabor sa iyo ng mafia at huwag mong hayaang pati ikaw mismo mawala sa mundo kapag ipinagpatuloy mo ang pangmamata sa akin." I gritted my teeth and forcefully pushed her away from me. Nang mawalan siya ng balanse ay kinuha ko iyong pagkakataon upang sakalin siya sa leeg. Nanindig naman ang aking balahibo, kahit sa ganitong sitwasyon ay kalmado pa rin at wala man lang siyang reaksyon. She is like a robot... "Sisiguraduhin kong malalaman nila kung ano man ang tinatago mo ngayon, Sora. Kahit saan ka magpunta ay susundan kita. Aalamin ko ang lahat!" Binitiwan ko siya agad nang tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito at bago pa mang ako tuluyang makaalis ay may kamay na humawak sa aking balikat. "Gusto mong makipaglaro talaga sa akin? Fine, but remember this, someday you will realize that you are no longer the cat chasing me but the mice trapped in my paws-- forever trying to escape." She said monotonely. "Hindi mo alam ikaw na pala ang pinaglalaruan, reaper." Naiwan ako roong nanggagalaiti, ang hawak kong selpon ay halos madurog na sa aking palad. Sora... You d*amn fallen queen! ◾◾?◾◾
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD