bc

That Runaway Groom is the CEO (Tagalog)

book_age18+
515
FOLLOW
3.4K
READ
possessive
contract marriage
manipulative
independent
CEO
boss
billionairess
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Tumakas si Danerie James sa araw mismo ng kaniyang kasal, ang CEO ng isang napakalaking kumpanya. Ito ang magiging sanhi ng isang aksidente na magiging rason para makilala niya si Joy, ang babaeng magpapabago sa kaniyang buong pagkatao at ng kaniyang buhay. Pero ang inaakala nilang masayang pagsasama ay hindi magtatagal.

Naghiwalay sa hindi inaasahang panahon, ngunit sa pagbalik ni Joy ay inakala ni Danerie na magsasama na silang muli sa ikalawang pagkakataon. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Ano ang gagawin ni Danerie kapag nalaman niyang ikakasal na pala si Joy sa ibang lalaki?

Magawa kaya nilang maipaglaban ang kanilang pagmamahalan? O muling madudurog ang kanilang mga puso sa pangalawang pagkakataon. Magawa kaya nilang manalo kung tila buong mundo ang kalaban nila sa kanilang kuwento?

chap-preview
Free preview
SIMULA
"Yes, I'll be there. Tatapusin ko lang ang pag-aayos— of course, mom! I'll marry her as you wished.— Yes, bye." Dang it! Hinagis ko nang malakas ang cellphone na hawak ko pagkatapos kong ibaba ang tawag ni mommy. Nakailang tawag na sila sa akin simula pa kanina, hindi lang si mommy kundi halos buong angkan ko. Bakit? Dahil ngayon ang itinakdang araw para sa kasal ko. Sinabi ko na tatapusin ko lang ang pag-aayos pero ang totoo ay kanina pa ako nakabihis, pormadong pormado na ako suot ang black tuxedo na binili nila para sa akin. Hindi ko naman gustong isuot 'to, sa sobrang sikip parang nasasakal na ako. Alam kong sobrang mahal ng bili nila dito, pero wala akong pakealam. Napaupo na lang ako ulit sa kama. I gritted my teeth and flexed my jaw. Neknek nila, hinding hindi ako magpapakasal sa babaeng 'yon, hinding hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko naman mahal. I'll be attending a fixed marriage, dahil do'n kanina pa ako nag-iisip ng paraan kung paano tatakasan ang bwisit na kasal na 'to. Argh! Ilang saglit pa akong naupo nang mapagpasyahan kong umalis na, pero hindi para pumunta sa kasal ko. Tatakas ako. Mabilis akong lumabas ng gate, mabuti nalang at hindi naisipan ng parents ko na mag-iwan ng mga body guards para bantayan ako. Sobrang napaniwala ko talaga sila na tutuparin ko ang pangako kong magpakasal, tss. Ano bang akala nila, nasisiraan na ako ng ulo? Never. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa magpakasal sa babaeng 'yon. "Pero saan ako pupunta?" natanong ko sa sarili ko nang tuluyan na akong nakasakay sa mamahaling red sports car ko. Unti unti nang namumuo ang kaba sa dibdib ko, parang pinagpapawisan ako nang malamig. "Bahala na nga si Batman." muling sabi ko sa sarili ko saka tuluyang pinaandar ang kotse. Talagang bahala na si Batman, dahil sa gagawin ko ay siguradong kamumuhian ako ng sarili kong mga magulang, hindi lang sila, kung hindi pati ang pamilya ng babaeng gusto nilang ipakasal sa akin. Sobrang laking eskandalo nito kung sakali pero ayoko na munang isipin 'yon, ang kailangan kong isipin ay kung saan ba ako pupunta para tumakas. "Kung mamalasin ka nga naman oh," reklamo ko. Paano ba naman kasi ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Isang oras na yata akong nagda-drive, kanina pa rin ring nang ring ang cellphone ko na nasa front seat. Siguradong sila mommy ang tumatawag at wala akong balak sagutin ang mga tawag nila. Kailangan kong umalis, kailangan kong lumayo. Hindi ako nanghihinayang sa lahat ng ginastos nila para sa kasal, sobrang laking event no'n para sa dalawang bilyonaryong pamilya. Sa tuwing maaalala ko 'yon hindi panghihinayang ang nararamdaman ko kundi galit sa kanila. Palagi na lang nilang kino-kontrol ang buhay ko, hindi na ako nagkaroon ng kalayaang gawin ang mga bagay na gusto ko. "Tangina!" malakas na mura ko. Dumagdag pa kasi sa init ng ulo ko ang malakas na ulan kaya halos wala na akong makita sa kalsada. Mabuti na lang mukhang malayo na ako sa syudad at konti na lang ang mga sasakyang dumadaan. May pailan ilan na ring mga puno akong nadadaanan. Nasaan na ba ako? Parang nakalutang na ang isip ko, hindi ko na alam kung saan na ako nakarating dagdagan pa ng malakas na ulan. Tuluyan nang nabuo ang galit at kaba sa dibdib ko. Siguradong disaster ang kalalabasan ng ginawa kong 'to. But they give me no choice, ayokong habang buhay matali sa taong hindi ko mahal. "Damn!" mura ko ulit. Mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse ko. Wala akong pakealam kung madulas ang kalsada, mabuti ngang mamatay na lang ako. Halos hindi ko na rin marinig ang patuloy na pag-ring ng cellphone ko. Tss, akala ba nila mahahanap nila ako? Hindi! "s**t!" Malakas na sigaw ko nang may bigla na lang tumawid sa kalsada. Sobrang bilis ng pangyayari, kasabay nang mabilis na paggana ng reflexes ko. Marahas kong pinihit ang manibela para hindi mabangga ang kung sino mang tatanga-tangang tumawid kahit na alam niyang may paparating na sasakyan. Pero dahil sobrang bilis ng sasakyan ko at sa sobrang dulas ng kalsada tuluyan ko nang hindi makontrol ang manibela. Na blangko ang utak ko, walang kahit anong naisip. Teka lang, ang bilis naman matupad ng hiling ko. Mamamatay na ba ako? Sa sobrang taranta wala na akong ibang nagawa kung hindi sumabay sa patuloy na pag arangkada ng sasakyan kung nasaan ako hanggang sa tuluyan itong bumangga sa puno. Tumigil ang paghinga ko. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko bago tuluyang mawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.5K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.4K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
16.1K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.4K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.5K
bc

In Bed With Kuya Red

read
57.8K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook