Chapter 3

636 Words
QUEEN’S POV: It's been years since I saw Spade’s room. Tandang-tanda ko pa ang mga ala-alang binuo namin dito dahil dito kami madalas naglalaro noon. Daddy Wade and Tita Rosenda were just starting to become a family back then but God bless their relationship because they were still together until now. Kailan kaya ako makakahanap ng ganong klase ng pagmamahal? Mahahanap ko pa kaya kung ipagkakasundo na ako sa lalaking hindi ko naman lubusang kilala? Napaupo ako sa kama at nasapo ang noo ko. Maya-maya ay niyakap ko ang mga binti ko dahil hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa hawla na wala man lang akong kalaban-laban. Bagama't mabigat ang loob ko ay nag-shower ako at isinuot ang binigay na pajama ni Spade. Napatingin ako sa family picture nila na naka-display sa bedside table ni Spade at hinaplos iyon. Napabuntong hininga na lamang ako at hindi maiwasang mainggit dahil mabuti pa si Spade ay kasama ang mga magulang niya lalo na ang mommy niya, hindi katulad ko, kahit anong gawin ko, wala na akong nanay at hindi na siya babalik kahit kailan. Siguro kung buhay pa ang mommy ko ay hindi niya hahayaang gawin sa akin ito ni daddy. I become the CEO of the Xiu Group ngunit hindi pa rin satisfied si daddy dahil gusto niya na akong mag-settled down at nakakatawa dahil para akong batang nagsusumbong dahil nandito ako sa ama-amahan kong si Wade ngayon at tila humihingi ng tulong at awa. Damn it. I felt so weak. Kinabukasan ay maaga akong umalis dahil ayoko ng makaistorbo pa sa kanila. Nag iwan lang ako ng note sa bedside table ni Spade at saka dumitetso na pababa. Nakita ko rin na sa sofa sa sala pala natulog si Spade kung kaya't nahiya ako bigla dahil mukhang nakaabala pa talaga ako. Kinuha ko ang kotse ko at saka nagmaneho na. Nang makabalik ako sa Mansyon ay naabutan kong nag-aalmusal si daddy. Nasa hapag kainan na siya at tila nagbabasa ng dyaryo. “Good morning, dad.” bati ko sabay halik sa kanyang noo. “Bakit ngayon ka lang?” “Gabing-gabi na kasi kagabi dad kaya hindi na ako pinayagan nila daddy Wade na umuwi at nakitulog na lang ako sa kanila.” “Kamusta si Wade?” “Okay naman sila, dad.” “Eh ikaw? kamusta?” “I’m fine.” “Are you ready for tonight's dinner?” “Yes dad, preparing na po.” “Listen Darling, I don't want you to get the wrong idea but I’m only doing this for your own sake.” “I know dad, you don't have to remind me.” “Don't worry, Mr. Clemente is a decent man and I know you are in good hands kahit pa madumi ang propesyon na meron siya.” Clemente? parang natatandaan ko ang apelyidong iyon ngunit hindi ko alam kung saan. “Uhm, I’ll just go to my room.” saad ko kay daddy at saka dumiretso na sa kwarto ko. SPADE'S POV: Nang magising ako ay wala na si Queen sa kwarto ko. Nag-iwan lang siya ng “thank you” note. Nasapo ko naman ang ulo ko dahil sumasakit iyon. Konti lang naman ang nainom ko kagabi tinamaan kaagad ako hays. Oo nga pala, kailangan kong mabawi this time ang perang nilustay ko noong nakaraang gabi. Magsusugal na naman pala ako hays. Natatawa na lang ako kapag naiisip ko. Gusto ko lang naman ng konting libangan eh, hindi ko naman talaga habit ang magsugal, napasubo lang talaga ako kagabi. Problema ko ngayon ay sino ng lalapitan ko? Ah, alam ko na! Si lolo Joaquin baka may pera. Pinagkiskis ko ang palad ko habang nakangiti mag-isa. Ang galing mo talaga, Spade. Alam na alam mo kung kanino lalapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD