Chapter 4

954 Words
SPADE'S POV: CASA JOAQUIN Matagal-tagal na rin simula ng hindi ako nakabisita dito sa Hacienda Dela Vega na ngayon ay Casa Joaquin na. Naging bukas ito sa publiko dahil ginawang negosyo ni lolo at lola itong hacienda. Hindi pa rin nagbabago ang lugar at para pa rin itong paraiso. Luntian ang paligid at napakaraming mga ibat-ibang bulaklak sa hardin. Tuwing maaraw naman ay napakagandang tignan nito dahil nasisinagan ng araw ang mga halaman. May mga paru-paro din at sariwa ang hangin dito. Ngayon alam ko na kung bakit binabalik-balikan ito ng mga turista. Talagang naalagaan nila ang lugar. Ang tiyuhin kong si Samuel ay empleyado ni ninang Siobeh. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon ngunit mukhang ibinenta niya na ang kaluluwa niya sa mafia queen na iyon. Ang mga tiyahin ko namang kambal na si Neri at Noreen ay abala sa kanilang buhay may asawa habang ang bunso na si Joaquin Jr. naman ang CEO ngayon ng Dela Vega Corp. At si lolo Joaquin? eh, pa-golf-golf na lang dahil matagal na siyang retired. They did it. Joaquin and Samantha ended up beautifully together. Bagama't magkalayo ang edad nila sa isa’t-isa ay nagkakasundo sila sa maraming bagay. Hindi ko maiwasang wag mainggit. Mahanap ko kaya ang ganong klase ng pagmamahal? yung tipong hindi ka iiwan kahit na mangulubot na ang balat mo at tumanda ka na. Masyado ng maraming nagbago sa pagtanda namin ngunit narito pa rin ang lahat ng mga ala-ala sa puso ko na habangbuhay kong dadalhin. I grew up fine because of my parent's ngunit hindi ko maiwasan ang kuryosidad sa lahat ng bagay. I want to explore. I want to find myself and to know what I’m capable of and not just an heir to a company that my father started. That's why I’m making my own luck. Nagulat ako nang makita ko si Samuel. Nakasakay siya sa kabayo at papalapit na sa akin. Aba, himala, pinakawalan siya ni ninang Siobeh this time. “Oh, nandito ka pala?” “Ah, oo bakasyon lang. Anong ginagawa mo dito?” “Ah, wala naman bumibisita lang.” “Halika, doon tayo sa loob.” saad niya at saka iginiya ako sa loob ng mansyon. Wala pa ring pinagbago at puro antigong gamit pa rin ang nakikita ko. “Spade, what a pleasant surprise to see you.” saad naman ni lola Samantha, nagmano ako sa kanya at humalik sa kanyang noo. “Good day po, lola.” “I didn't expect to see you here.” “Dumalaw lang po ako, lola.” “Sige, maupo muna kayo dyan ni Samuel habang gumagawa ako ng meryenda.” Sinunod namin si lola Samantha at naupo muna sa sala. Habang nakaupo kami ay pabulong lang kami mag-usap. “Bakit nagtatrabaho ka pa rin kay Ninang Siobeh?” tanong ko. “Wala akong choice at saka matagal ng kasunduan iyon, Spade at saka maayos naman ang trabaho ko doon.” “Wag mo nga akong lokohin, Samuel, tagapagmana ka ng tatay mo at alam ko kung ano ang mga pinagagawa sayo ni ninang Siobeh.” “Alam mo naman pala eh, bakit nagtatanong ka pa?” “Kuntento ka na ba talaga sa ganyan?” “Marami namang pera dito sa propesyon ko kaya ayos lang din.” “Marami ngang pera ang kaso ay madumi nga lang.” “Alam mo Spade, ang pera ay pera, anuman ang ginagawa ko ang mahalaga ay natutugunan non ang pangangailangan ko at saka wala naman akong balak manatili doon. Nag-iipon lang ako at kapag pwede na ay saka ako aalis.” “Basta mag-ingat ka dahil alam mo naman yan si Ninang kahit mabait yan sa atin may mga ginagawa ring masama yan.” “Wag kang mag-alala alam niya naman kung sino lang ang hahawakan niya teka, bakit ka nga pala kasi nandito?” “Eh natalo ako sa sugal nung isang gabi eh, kailangan kong mabawi yung pera.” “Oh tapos?” “Hihiram sana ako ng pera kay lolo Joaquin.” “Naku, wala dito si daddy, may inaasikaso kasama si ate Neri.” “Ah ganon ba, ikaw ba may pera ka ba? bibinggo na kasi ako kay daddy eh. Naka-freeze lahat ng accounts ko ngayon kailangan kong mabawi yung natalo ko.” “Magkano ba natalo mo?” “Sampung milyon.” “Ano?! sampung milyon?! Spade naman! hindi ba’t binalaan na kita sa sugal sugal na yan?” “Eh napasubo ako nung isang gabi eh, tinaya ko lahat ng dala kong pera.” “Wala ako ngayon, hindi ko pa nakukuha yung sweldo ko.” “Baka may kilala ka naman pwede mahiraman.” “Si Ninang Siobeh lang.” “Ayoko.” “Bakit?” “Parang natatakot ako lumapit sa kanya eh, lahat kasi may kapalit.” “Hindi yan, barya lang naman sa kanya yung sampung milyon eh, tara na!” akmang tatayo na kami ngunit nagulat kami ng lumapit si lola Samantha at naglagay ng pagkain sa center table. “Ready na ang meryenda. Oh ayan, tikman niyo muna ang biko habang mainit pa, special yan.” Hindi naman kami nakatanggi ni Samuel kung kaya't kumain na muna kami bago umalis. Napag-alaman kong pabalik na siya sa kampo nila kung kaya't isasama niya na ako doon. “Ready ka na?” tanong niya habang nasa kotse kami. “Para naman tayong pupunta sa giyera nito.” “Slight lang, alam mo naman si Ninang Siobeh, maraming kaaway. Magsuot ka ng vest, hindi natin alam baka may sumunod sa atin.” saad ni Samuel at binigay sa akin ang isang armoured vest. Sinunod ko naman ang sinabi niya at sinuot iyon at saka kami bumyahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD