Chapter 5

693 Words
QUEEN’S POV: It’s time. Queen, get a grip and wear something nice. Like date-nice. Kanina pa ako nakatitig sa salamin habang tinitignan ang aking mukha. Naglagay lamang ako ng mild make-up at lipstick. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng gabing ito. Halu-halo ang nararamdaman kong kaba, takot, lungkot, pagkadismaya. What if he was crazy as hell? What if he was a walking red flag? paano kung hindi ako maging masaya sa lalaking iyon? Nilulukob ng takot ang kalooban ko ngunit kailangan kong tatagan ang loob ko. Nang makalabas ako ng Mansyon ay naghihintay na si daddy. Doon ako sasakay sa kotse niya ngayong gabi. Nakasuot lang ako ng stilettos at naka nude A-line evening dress. Habang binabagtas namin ang papunta sa venue ay kinausap ako ni daddy. “Relax Darling, you look absolutely beautiful tonight.” “Thanks, Dad.” “What's bothering you?” “Wala po.” “I'm sure you and Mr. Clemente will get along well.” Pamilyar talaga sa akin ang apelyidong Clemente. Sino kaya siya? Nang makarating kami doon ay pumasok kami ni daddy sa isang VIP room kung saan naghihintay na ang kasosyo ni daddy sa negosyo at ang lalaking ipinagkasundo sa akin. “Darling, this is Mr. Alejandro Clemente and his son Kainer Clemente. This is my daughter, Queen Xiu.” Nagtama kaagad ang mga mata namin. Damn. He was handsome as hell pero hindi pa rin siya katiwa-tiwala para sa akin. “Greetings, my lady,” saad niya na kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon. “Nice to meet you, I’m Queen Xiu.” His eyes were so dreamy tonight as he smiled at me ngunit hindi basta-basta mahuhulog ang loob ko sa isang katulad niya. “Siguro naman natatandaan ninyo ang isa’t-isa?” tanong naman ni daddy. “Yeah, I remember her, she was my classmate in grade school. Our teacher is Sir Wade Suarez.” seryosong saad ni Kainer. “How about you, Darling? Do you remember Kainer?” “Yes, he was correct, we were classmates in grade school.” “I think we should talk about this while having our dinner.” saad naman ni Mr. Clemente na iginiya na kami sa hapag kainan. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko ngayon. Bata pa lang kami ay kilala ko ng pasaway ‘tong si Kainer at ngayon ay kami pa pala ang ipinagkasundo sa isa’t-isa. Pagkatapos ng dinner ay nakiusap si Kainer kay daddy na kung pwede ay masolo niya ako kung kaya't naunang umuwi si daddy. Dinala naman ako ni Kainer sa rooftop dahil pagmamay-ari pala nila ang luxury restaurant na ito. Kumuha siya ng whiskey at dalawang glass wine at saka namin ininom iyon. Maganda sa rooftop dahil kitang-kita namin ang mga citylights. Nagbukas siya ng sigarilyo at hinithit iyon. “So, you agreed on this?” tanong niya bigla sa akin. “No.” “I like your straightforwardness.” “I don't really know, Kainer.” “Why? you already have someone?” “Wala.” “No boyfriend? no fling? or any sort of mutual understanding?” “I'm a busy person Mr. Clemente, that's why I don't have any of that. How about you?” “I don't have any of that too but I’m a man, you know.” “Sa tingin ko nakukuha ko na ang sinasabi mo.” “I will give you a deal.” “What kind of deal?” “My father will die soon.” “What?” “He has terminal cancer. Pakasalan mo lang ako ng isang taon. Isang taon lang Queen at kapag namatay si daddy pwede na tayong magpa-divorced.” “Mahirap ‘yang hinihiling mo.” “Just give me a year. Marry me, pretend to be my wife and don't worry I will not touch you if you don't want to just marry me.” Seryoso na ang usapan namin ng gabing iyon. Napainom ako ng whiskey dahil napakahirap ng deal na hinihiling niya. “Please? gusto lang talaga makita ng daddy ko na may asawa ako at maayos ako bago siya mamatay.” “Okay, fine. Deal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD