Chapter 6

1698 Words
SPADE'S POV: Nandito kami ngayon sa Aldama Mansion kung saan kaharap namin si ninang Siobeh. “Boss, may bisita ka.” saad naman ni Samuel at saka ako pinapasok sa opisina ni ninang. “Spade? How are you? it's so nice to see you, Hijo.” “You too as well, Tita Ninang!” saad ko na ngumiti ng malapad at niyakap siya.b “Bakit ka nga pala napasyal dito?” “Ah–eh ano eh, medyo napahamak lang.” “Siya na ang bahalang magpaliwanag sayo, Boss, sibat muna ako.” saad naman ni Samuel na nagpaalam sa amin. “Ano na naman ang nangyari sayo, aber?” “Nalagasan ako ng sampung milyon, nagamit ko pera ni daddy sa Casino Clemente.” “Ano?! hindi ba’t kaibigan mo ang pamangkin kong si Kainer? bakit hindi ka na lang magpatulong sa kanya?” “Nahihiya na po kasi ako kay Kainer, Tita Ninang eh kaya naisip ko na sayo na lang ako lalapit,” saad ko na napakamot ng ulo. “Magkano kailangan mo?” “kahit sana 20 Million Tita Ninang. Babawiin ko lang yung talo ko.” “Sigurado ka bang mababawi mo yan?” “Oo naman, ako pa!” “Oh sige, sabi mo eh,” saad naman ni Ninang Siobeh at saka kumuha ng cheque book at nagsulat ng 20 Million. Yes! hindi ako nagkamali ng nilapitan napaka-galante naman talaga nitong Ninang kong mafia queen. Nang matapos siyang magsulat ay ininigay niya na sa akin ang cheque. Malapad ang ngiti ko ng mga oras na iyon. Kinuha ko ang cheque at hinalikan at saka kumindat kay ninang. “Salamat ng marami, Tita Ninang.” “Walang anuman. Bakit naman kasi hindi ka na lang magtrabaho sa Bar ko para parehas na kayo ni Samuel eh.” “Ayoko po Tita Ninang, hindi naman ako magaling sumayaw ng ganyan-ganyan, si Samuel ay mukhang na-master niya na ata ang pagiging male entertainer.” “Pumayag ka na! easy money naman dito eh!” “Ayoko po, Tita Ninang, mahiyain po ako.” “Sige na naman Spade, love mo naman si Tita Ninang diba? pumayag ka ng maging dancer sa Bar ko, please?” “Tita Ninang naman, parang napakadali lang ng nirerequest mo sakin ah, ayoko po, papagalitan ako ni Daddy, alam mo naman iyon.” “Takot ka doon sa Wade na iyon?! wag kang mag-alala akong bahala sa daddy mo, pumayag ka na! titriplehin ko ang bayad sayo!” “Talaga?” tanong ko na biglang na-ngiti. “Oo naman, ako pa! at saka you will be my greatest asset! sa mala Diyos ng griyego mo palang na mukha na yan at sa pinagpala mong abs hanggang sa malaki mong T mapapalabas talaga natin ng salapi ang mga kababaihan sa Bar ko!” ani niya sabay lapit sa akin, nagulat pa ako ng bigla niyang hawakan ang p*********i ko. Walang hiya, ito ata ang kapalit ng 20 million, ang matiyansingan. “Whoa! wag mo pong hawakan ang alaga ko Tita Ninang, nanunuklaw na yan, sige ka baka tuklawin ka nyan, akala mo katulad pa rin yan ng dati noong bata ako? hindi na kaya.” “Ito naman! pahimas lang eh, oh ano? deal?” “Uhm… maybe next time, Tita Ninang.” “Hays, ang hina ko naman sayo.” “Tita Ninang malakas ka sa akin, busy lang talaga ako ngayon dahil sa operations ng kumpanya.” “Oh siya sige, basta next time pumayag ka na sa offer ko huh.” “Oo naman, ikaw pa! thankyou po Ninang sa 20 Million, ibabalik ko ‘to agad once na makabawi ako promise!” “Sige ah, sabi mo yan, galingan mo.” “Naman! ikaw ang lucky charm ko, Tita Ninang.” “Hay naku, manang-mana ka talaga sa tatay mo, malakas ka rin mambola.” “Hindi iyon bola, Tita Ninang, totoo iyon.” saad ko na ngumiti sa kanya. CASINO CLEMENTE Binantayan kong mabuti ang bawat galaw ko ng gabing iyon. Bawal na akong matalo this time kung kaya't nag-concentrate ako sa paglalaro ng poker. Tumaas ang pusta at umabot sa halagang Fifty million. Ang lahat ay nakaabang sa mga baraha habang patuloy ang pagbalasa. Inilapag ko na ang lahat ng chips ko. All in. Kakaba-kaba na ako ng mga oras na iyon at napakabilis ng t***k ng puso ko. “Come on, Spade! Come on!” Nanlaki ang mata ko at halos hindi ako makapaniwala nang manalo ako ng 50 million. Kaagad akong tumayo at tinapos na ang laro dahil bawi na ako ngunit nagulat ako ng biglang nag-amok ang aking kalaban at hindi matanggap ang kanyang pagkatalo. Akmang susuntukin ako ngunit pinigilan na siya ng mga bouncer na naroon. Yes! sa wakas! nakabawi rin! may sobra pa! pwede na akong umuwi! hindi na magagalit si dad! Ibinalik ko agad ang 20 million kay Ninang Siobeh at masayang umuwi. QUEEN’S POV: “Ano?! pambihira oh, sa dami naman ng mapapangasawa mo si Kainer pa!” angil ni Daddy Wade habang kinukwento ko sa kanila ang nangyari sa dinner namin kahapon. “Daddy naman, baka nagbago na yung tao, bigyan mo naman ng chance.” saad naman ni tita Rosenda na ngumiti sa amin. “Ano? kalokohan! yung pulpol na batang iyon magbabago? wala ng pagbabago Rosenda, wala ng pag-asa!” “Grabe ka naman! bakit ikaw naman nagbago?” “Cupcake, babaero lang ako noon pero maayos naman ugali ko hindi katulad ng pulpol na walang hiyang iyon hindi na magbabago iyon, kung redflag ako dahil nambababae ako noon, mas redflag ang damuhong Kainer na iyon. Kaya habang hindi pa kayo naikakasal aba, tumakbo ka na, Queen.” “Hay naku, wag kang makinig dito sa daddy Wade mo,” saad naman sa akin ni Tita Rosenda. “Well, maybe it's my decision to make.” “Piliin mo talagang mabuti ang mapapangasawa mo, Queen kasi ang kasal pang habangbuhay yan at nasa huli ang pagsisisi.” “Nagsisisi na nga ako eh.” kantyaw ni tita Rosenda habang tatawa-tawa. “Ano kamo?! aba, ayos ah. Ikaw pa ‘tong nagsisi eh nagbago nga ako para sayo.” saad naman ni Daddy Wade. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. “Oo na! ito naman, nagbibiro lang eh, ganyan ba talaga kapag tumatanda na? sensitive ka masyado, tss.” “It hurts you know!” singhal pa ni Daddy Wade habang kami naman ni Tita Rosenda ay natatawa lang sa kanya. “Siya nga pala it's already evening dito ka na mag-dinner, Queen.” saad ni Tita Rosenda na hinawakan ang kamay ko. “Thanks, Tita.” Maya-maya ay iniluwa naman ng pinto si Spade at awtomatikong sumimangot si Daddy Wade. Mukhang malala talaga ang pinag-awayan nila, ano kaya iyon? “Ma, Daddy! may pasalubong po ako!” masiglang saad niya dala-dala ang dalawang paperbag na para bang nag-grocery siya. “Wow, Anak.” saad naman ni Tita Rosenda na kaagad tinignan ang mga binili ni Spade. “I know how much you like strawberry cheesecakes Ma, kaya bumili ako.” “Thank you, Honey.” “Saan ka na naman nanggaling at saan galing ‘yang mga pinamili mo?” asik ni Daddy Wade na hindi pa rin napapawi ang pagka-inis sa mukha. Kaagad namang lumapit si Spade kay Daddy Wade. “Relax Dad, nakabawi na ako.” saad ni Spade at saka nag-abot dito ng isang papel. Nang maaninag ko ay isang cheque iyon. Napatingin naman si Daddy Wade doon at animo'y nahimasmasan sa nakita. “Hey Queen, you're here.” ani niya sa akin nang mapansin niyang nakaupo pala ako sa sofa. “Yeah, I just dropped by.” “How's last night?” tanong sa akin ni Spade na animo'y gustong pag-usapan ang nangyari. “Can we go to the treehouse? I miss playing there.” ani ko dahil natatanaw ko iyon sa di kalayuan. Maayos pa iyon at walang pinagbago. “Yeah, sure.” “Buti pa nga at doon muna kayo habang hinihintay maluto ang dinner natin.” saad ni Tita Rosenda. Nang makapunta kami sa treehouse ay tinignan ko ang buong paligid. Binuksan ni Spade ang mga fairy lights na nakapalibot doon at saka kami pumasok. Napangiti ako dahil naroon pa rin pala ang mga drawings ko at drawings niya. “You kept it?” tanong ko kay Spade. “Bakit ko naman tatanggalin ang mga yan? eh memories yan.” “Sabagay.” “So uh, tell me, what happened last night?” “Naku, hindi ka maniniwala kapag sinabi ko sayong si Kainer Clemente lang naman ang gusto nilang ipakasal sa akin.” “Ano?!” “Yes, it's none other than Kainer Clemente.” “Pumayag ka?” “Like I said, I don't have a choice at saka he’s nice naman so… I think I will be fine.” Napakamot na lang si Spade ng ulo. Ayoko kasing sabihin na nakipag-deal ako kay Kainer dahil sa tingin ko ay sensitive topic iyon lalo na’t may taning na pala ang buhay ni Don Alejandro Clemente. “Basta kapag sinaktan ka, nandito lang ako ah, sabihin mo lang sa akin. Kaibigan ko iyon si Kainer pero babasagin ko pagmumukha non.” aniya, ngumiti na lang ako. Maya-maya ay lumabas na rin kami ng treehouse. Nakita ko ang swing na gulong na naroon kung kaya't naupo ako ngunit pagtingin ko ay pumwesto na sa likod ko si Spade at marahan na itinulak ang swing. “Parang ang sarap bumalik sa pagkabata, ano? Naaalala mo pa ba yung mga panahon na magdamag tayong naglalaro dito dati pagkatapos ng pasok natin sa school?” “Of course, how can I forget? Those memories are precious to me.” “Me too. Hays, kung pwede lang talagang bumalik sa pagkabata ay bumalik na ako.” saad ko sa kanya ngunit natahimik na lang siya na para bang iniisip ang ginawa kong pagpayag kay Kainer at mukhang hindi siya sang-ayon dito ngunit wala siyang magagawa. I felt bad for him for feeling this way. Ayoko rin naman talaga nun at hinding hindi ako papayag kung may choice lang talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD