SPADE'S POV:
Queen accepted Kainer’s proposal at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Kainer.
Nasa Gentleman Hotel ako ngayon at kasalukuyang may meeting sa mga investors. Ako na kasi ang CEO at nag expand na rin ang Gentleman Hotel.
Habang lumalaki ako ay nasaksihan ko kung paano pahalagahan ni daddy ang lugar na ito at kung paano niya pamahalaan ito.
Nakapag-expand kami at hindi na lang basta hotel, meron na ring Gentleman Suites kung saan pwedeng mag staycation ang bawat turistang dumadayo.
Si mommy naman ay nag focus na sa kanyang boutique shop at ibinigay na ang full ownership ng Fusion Paradise Bar kay Ninang Acee dahil hindi na kayang tutukan pa ni mommy ang dalawang negosyo niya at hiniling din ni daddy sa kanya na mag lagi na lang sa bahay dahil nag-retire na rin si daddy.
“So, it's settled then.” saad ni Mr. Alexander Romualdez na nakipag shakehands sa akin.
Kakapirma niya lang ng kontrata bilang bagong investor at napag-alaman ko pa ngang dati pala siyang manliligaw ni mommy.
“Welcome to Gentleman Suites partnership Mr. Romualdez. I will make sure that you will not regret this.” saad ko na buong galak na ngumiti sa kanya.
“You are just like your father, bold and charismatic. I’m looking forward to that kiddo.”
“Thanks again, Mr. Romualdez.”
Nakapag-close ako ng deal ng araw na iyon kung kaya't masaya ako.
Habang nagmamaneho ay natanaw ko ang Bar kung saan nagtatrabaho ang tiyuhin kong si Samuel na pagmamay-ari ni Ninang Siobeh, ang Gorgeous Men Bar kung kaya't huminto ako doon sandali at saka pumasok sa loob.
Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing ginawa ang Bar na ito para sa mga babaeng naghahanap ng panandaliang aliw ngunit iyon ang nais iparating ng nilalaman nito.
Mga babaeng uhaw sa pagnanasa. Malungkot ang s*x life at gusto ng konting thrill sa buhay ngunit ako? gusto ko lang ng alak.
Dumiretso ako sa counter at umorder ng scotch at saka mabilis na ininom iyon.
Maya-maya ay nakita kong magsisimula na ang show ngayong gabi. Nasa likuran lang ako at tahimik na pinapanood ang mga babaeng nagsisimula ng humiyaw at maglabas ng pera.
Nang lumabas ang male entertainer ay napatayo ako sa aking kinauupuan. Dalawa sila at parehas naka-maskara, wala silang mga suot na saplot pang itaas at ang pang ibaba nila ay jeans lang at naka balat na sapatos.
Alam kong si Samuel ang isa ngunit sino ang isa? pamilyar ang galaw at ang pangangatawan nito sa akin ngunit hindi ko matukoy dahil sa maskarang nakasuot dito.
Sinimulan nilang gumiling sa harap ng stage at nagsipalakpakan at hiyawan ang mga babae.
“Lower! lower! lower!” sigaw ng mga ito.
Panay ang bato sa kanila ng pera ng mga babae habang nagsasayaw sila sa entablado. Ang isa ay isinuksok sa pantalon ni Samuel ang makapal na bundle ng ten thousand kung kaya't mas lalo niya pang hinusayan sa pagsayaw.
Nagsisimula ng uminit ang stage. Ang isa ay kumuha ng mineral water at ipinaligo sa kanyang dibdib. Si Samuel naman ay unti-unting naghubad ng pantalon. Mas lalong umingay ang mga babae sa ginawa niya.
Maya-maya ay magkasabay nilang tinanggal ang kanilang mga maskara ngunit nagulat ako sa aking nasaksihan.
It was Kainer who's with Samuel the whole time dancing lasciviously ngunit ang mas ikinagulat ko ay naroon pala si Queen na biglang umakyat sa stage at binuhusan ng alak sa mukha si Kainer.
“Queen, wait! Queen! I can explain!” saad ni Kainer na halatang nagulat din dahil naroon pala si Queen.
“Don't you dare follow me!” singhal ni Queen na nagmamadaling lumabas ng Bar.