SPADE'S POV:
“Hey man, what's happening?” tanong ko kay Kainer na sinundan siya.
“Now is not a good time, Spade.” saad niya sa akin at saka tumakbo palabas ng Bar upang sundan si Queen.
“Queen, wait!” sigaw niya dito, humarap naman si Queen at saka siya sinampal ng malakas.
“You're dirtier than I thought!” singhal ni Queen at saka pumasok na sa loob ng kotse niya.
“Queen, come on, let's talk about this! damn it!” singhal ni Kainer na hindi alintana na wala siyang t-shirt at nakapantalon lang habang kinakalampag ang bintana ng kotse ni Queen.
Naaawa ako kay Kainer pero somehow gusto kong wag matuloy ang kasunduan nila.
Nasabunutan ni Kainer ang sarili ng mga oras na iyon.
“Tangina, badtrip!” asik niya at saka bumalik na lang sa loob ng Bar.
“Dude, what happened?” tanong ko sa kanya.
“She found out! ugh kainis pare!”
“Ano ba kasing pinag-gagagawa mo? kahit ako hindi ko alam eh.”
“It's my profession, well, my other side. It's hard to explain.”
“Mapera ka naman bakit ginagawa mo pa kasi ‘to?”
“Basta.” saad niya na tinapik ang balikat ko at saka umalis.
Naiwan ako na tuliro doon. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba si Queen o pupuntahan ko si Kainer. Napabuntong hininga ako. Hays, uuwi na nga lang ako.
QUEEN’S POV:
XIU MANSION
Pag-uwi ko ay nasa sala si daddy at umiinom ng champagne. May kasama itong babae kung kaya't pumasok ako kaagad sa loob. Napatingin naman sila sa akin.
“Queen, Darling, I like you to meet Ms. Vee Pascua.”
Nagulat ako sa aking nakita, para akong nananalamin. Marami sa bayan namin noon ang nagsasabi na kamukhang kamukha raw ako ng nanay ko ngunit ang babaeng kaharap ko ngayon ay parang replika ng nanay ko. Mas magkamukhang magkamukha sila. Nangilabot ang aking buong katawan dahil matagal ng patay ang nanay ko. Namatay siya sa panganganak sa akin.
“I-it was nice to meet you, Ms. Vee.”
“Ikaw pala yung kinu-kwento ni Harold na anak niya, nice to meet you too, Queen.” saad nito na ngumiti sa akin at nakipag shake hands.
Napatingin naman sa akin si daddy na para bang sinesenyasan ako na manahimik.
“I uhm– gonna go to my room. It's a long day today. Goodnight.”
“Okay, goodnight, Darling,” saad sa akin ni Daddy sabay halik sa noo ko.
Kaagad akong pumunta sa kwarto ko at saka naghubad ng damit. Sumampa ako sa bathtub at nagsalin ng white wine.
Maya-maya ay may natanggap akong text message mula kay Kainer. Binasa ko iyon:
“We need to talk tomorrow. I will be in your office.”
Bumunting hininga ako at binalewala iyon. Damn it. Bakit ba nangyayari ‘to?
Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit ginagawa iyon ni Kainer. How about his reputation as a mafia boss?
Nang matapos ako sa pagligo ay nagsuot na ako ng pantulog at nagsuklay sa harap ng tukador. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Hindi mawala sa isip ko ang babaeng kasama ni daddy na kamukhang kamukha ni nanay Carmela.
Matutulog na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko kung kaya't binuksan ko iyon at pagtingin ko ay si daddy ang nakita ko.
“Darling.”
“Dad?”
“Can I have some time with you?”
“Of course,” saad ko na pinapasok siya sa loob ng kwarto ko. Naupo kami sa kama.
“I know she looks just like your mother but they are different in other ways. Wala naman akong balak palitan sa puso ko ang nanay mo pero–”
“Dad, it's okay, you don't have to explain to me, kung masaya ka sa kanya hindi mo kailangang humingi ng permiso sa akin. You're free to love again.”
“Thank you, Darling. I’m just bothered because she looks just like Carmela.”
“Matagal ng patay ang nanay ko at ibinuhos mo lahat ng pagmamahal mo sa akin kaya ngayon siguro oras na para intindihin mo naman ang sarili mo at kung siya ang mas makakapagpasaya sayo, tatanggapin ko iyon ng maluwag.”
“Talaga, Anak?”
“Oo naman, Daddy.”
Napayakap si daddy sa akin ng mga sandaling iyon.
“Sarili mo naman ang isipin mo this time, Dad. You deserve to be happy too. Don't worry, I’m fine.”
“Salamat, Anak, para akong nabunutan ng tinik sa sinabi mo.”
Iyon na lang ang maibibigay ko kay daddy ngayon. Peace of mind kahit na naguguluhan ako mismo sa sarili ko kung itutuloy ko pa ba ang kasunduan namin ni Kainer.