Chapter 9

783 Words
QUEEN’S POV: KINABUKASAN ay abala ako sa pagpirma ng mga papeles ng bigla akong naalarma sa kumakatok sa pinto ng aking opisina. “Ms. Queen, may nagpipilit pong pumasok dito sa opisina ninyo, takot na takot na po kami may mga dala po silang baril!” saad ng sekretarya kong si Daphne. “Ano?!” Napatayo naman ako kaagad at saka dumingaw sa bintana mula sa itaas. Pagtingin ko ay naroon si Kainer kasama ang kanyang mga tauhan kung kaya't nagmadali akong bumaba. “What is going on here?” “Queen, they don't let me in.” saad ni Kainer. “It's alright.” saad ko sa mga guards na naroon kung kaya't pinapasok na nila si Kainer kasama ang isa sa mga bodyguards nito. “Come on.” saad ko naman kay Kainer na hinawakan ang kamay niya. Umakyat kami papasok sa opisina ko dahil masyado ng maraming mga matang naka-matyag sa amin at ayoko ng atensyon mula sa kahit sino. Nang kami na lamang ang naroon sa opisina ko ay binitiwan ko na ang kamay niya. “Coffee or tea?” alok ko. “No thanks. Dumaan lang talaga ako dito para makausap ka.” “Okay, explain.” “Queen, do you have a passion? A hobby or some escape where you can relax and forget everything for a while?” “Of course, why do you ask?” “Because that's it for me. I like being in the crowd performing. I like the smell of dirty money. Those women who seek pleasure. I like the attention that they are giving to me. It makes me feel… okay for a while. Hindi ko naiiisip ang mga responsibilidad ko, hindi ko naiisip ang mga problema ko sa buhay. That's my escape.” “Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?” “Dahil alam kong magagalit ka. I know you’re upset right now but please, wag naman sanang magbago ang isip mo dahil lang sa nalaman mo sa akin.” “Alam ba ‘to ng daddy mo?” “Hindi at wala akong balak sabihin. About women, you don't have to worry. I'm not a womanizer.” “I don't care about your affairs with other women dahil ikakasal lang naman tayo sa papel. Ang ikinababahala ko ay ang daddy mo,paano kapag nalaman niya?” “Wala. I will just keep on doing it. This is what I am. Masaya ako sa propesyon ko.” “Fine, but please promise me no secrets this time.” “I promise, no secrets this time. Will you forgive me?” “Of course.” Napabuntong hininga na lang ako dahil iyon naman ang pinakamahalaga sa lahat. Ang kaligayahan. Sino ako para tanggalin iyon sa kahit sino? “Thank you and I'm sorry I didn't get the chance to tell you right away.” “That's fine.” iyon na lang ang sinabi ko dahil ayoko ng pahabain pa ang diskusyon. SPADE'S POV: “Ano?! payag ka pa rin sa kasunduan niyo kahit na nalaman mong ganon siya?” tanong ko kay Queen. Nasa bahay siya ngayon at bumisita lang kila daddy. “Hindi ko naman alam na passion niya pala iyon eh, he’s doing it because he loves it. Anong magagawa ko?” “Kahit na, okay lang sayo?” “Alam mo nandito na kasi ako sa sitwasyon na ito kaya wala akong choice.” “Meron, pwede ka pang umatras.” “I don't think that is a good idea. I don't want to be selfish. May mga tao kaming masasaktan, Spade.” “Damn it. Ang sakit sa ulo ng sitwasyon mo na yan.” “Don't worry about me. I can handle this. I won't be a Xiu for nothing, you know that.” “Alam ko, ayaw lang kitang mapahamak or masaktan o makitang umiiyak.” “Talaga?” “Queen, kahit naman madalas tayong away-bati noon at hanggang ngayon hindi naman kita pinabayaan. I always have your back.” “Thank you.” Iyon na lang ang nasabi niya sa akin ngunit para na akong sasabog sa sama ng loob. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Queen sa sarili niya pero basta ba masaya siya ay ayokong makialam. All I wanted was her happiness, iyon lang. Kahit na hindi ako ang dahilan ng kaligayahang iyon. Wag na wag lang siyang sasaktan ni Kainer dahil kung hindi ay hindi ko alam, baka kung ano ang magawa ko. Naikuyom ko ang kamao ko ng mga oras na iyon dahil wala akong kalaban-laban. I wanted to save her but she doesn't want to be saved at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD