MAE DELMIRA (MAID) POV* Hindi namin alam kung saan na punta ang kakulitan ni Young Lady, masyadong tahimik siya ngayon araw. Para bang ang lowbat ang katawan niya sa lahat. Ang lungkot din ng kanyang magagandang mga mata. Nakatingin sa kaawalan. Lahat kami ay nag-aalala na sa kanyang ikinikilos ngayon. Nakatingin kami sa malayo sa kanya. Hindi kasi kami sanay. Months na din ang naitagal niya rito. ''Para bang may kakaibang nangyayari kay Young Lady, para siyang ibang tao.'' sabi ni Sai. Napatingin ako sa kalapit ko na ngayon ay nakatingin din pala sa walang emosyon ni Young Lady. ''Tama ka. Hindi ko nga din alam kung bakit siya ganyan ngayon. Nag-away kaya siya ni Young Master?'' tugon ko naman kay Sai na ngayon ay nakatitig pa din sa tulalang magandang babae na nasa garden at nag-du-

