Nakapikit lamang ako at napamulat ng bumagal na ang takbo. Halos mapamangha ako sa aking nakikita nagkikislapan at napakagandang mga ilaw. Never pa ako nakalabas ng mansyon namin, ganito pala kaganda sa labas pag-gabi na ang saya naman.
Napagawi ang tingin ko sa paligid at masaya kong pinag-ma-masdan ang lahat ng nakikita nang mga mata ko. Kay ganda pagmasdan ang paligid.
"Nasa Manila na ba tayo? Hindi mo ba alam na first time ko lamang talaga 'to, maganda pala talaga dito." Nakangiti kong sabi at napatingin sa mga nagtataasan Building. Narinig ko ang pag "tsk" niya pero, hinayaan ko lamang siya, wala naman ako magagawa, masama kasi ugali niya. Hindi siguro siya love ng parents niya pero hindi naman siya gaya ko di'ba? Ah, basta.
Tumingin ako aa kanya at ngumiti na ikinakunot naman ng noo nito at napatingin sa dinadaanan namin. Nakita ko ang pamumula ng kanyang tainga. Mukhang nagagalit na naman siya sa akin.
Saglit lamang ay pumasok kami sa isang gusali na malaki at talagang nakakalula. Nakaka-amaze. Natutuwa ako sa aking mga nasisilayan. Ang saya pala ganito pala pag nasa labas kana talaga.
Mabilis na bumaba 'yung lalake at dun ko lang nakita ang mukha niya. Napakagwapo pala niya siguro'y naglalaro din ang tangkad niya sa 6'11 matangos ang ilong, at makakapal ang kilay. Ang kanyang mata'y kulay bughaw. na may pagkasingkit.
Pero 'yung kilay parang laging galit. Nakasalubong, pinanganak siguro siyang may galit sa mundo. Sabi ko na nga ba hindi siya mahal ng magulang niya.
"What else, are you staring at come out!" sabi nito sa akin na ikinalabas ko agad.
Salbahe!
Kahit naiika-ika ako'y pinilit ko dahilan sa hapdi ng ginawa niya ro'n. Nakakunot lang ang kilay niya ng mapansin niya ako pero snob ko siya.
Sayang gwapo pa naman niya, Mukha siyang greek god. Pero wala naman lang pinag-aralan gumalang sa mga babae. Hindi 'man lang niya ako binuhat? As in? Samantha? Bihat talaga? tsk.
Pagkalabas ko hindi ko siya tiningnan.
Nakakabadtrip naman kung ganyan ang ugali lahat ng tao sa Manila, mga masasama para bang gusto ko nalang magkulong muli sa mansyon at magmukmok.
"Good evening, Young, Master." Salubong ng isang mukhang body guard ni Sungit, pero hindi manlang niya pinansin? Wala talaga siyang galang. Kaya bilang prinsesa ay mabilis akong yumuko at hinawakan ang aking dress na parang prinsesa tanda ng aking pag-galang sa mga taong gumagalang din naman sa akin.
Nakita ko na nagulat 'to sa akin ng ngitian ko siya. Friendly ako, weird ko siguro 'noh! Prinsesa ako pero 'di ako matapobre o mapangmataas. Para sa akin lahat ay patantay-pantay lamang at tao lang din naman may mga buhay at iisa ang hinihingahan.
Nakikipaglaro din ako sa mga katulong namin. Tumutulong ng patago para ma-enjoy ang life, pero hindi pa pala sapat 'yung saya doon. Kulang pa at nakakasawa ang umupo at maging prinsesa. Mapait akong napangiti ng maalala ko ang ginagawa ko sa mansyon.
"Did I tell you to smile and kneel them?" sabi niya sa akin na nag pagising sa realidad. Hinila ako papasok sa isang malaking pintuan na kulay ginto.
M*erda! Alam niya naman na may sugat ako, pero makakalad-kad sa akin akala mo. Napatingin naman ako sa sugat niya na may tama ng bala. So, sino nag-iinarte?
Napatingin ako sa paligid malaki naman siya. Hindi kagaya sa mansyon namin na hindi na yata kami nagkakakitaan kaya wala ng pagmamahal ang mansyon namin. Tahimik at wala na din saya.
Mapait akong napangiti sa aking naiisip. Bukod pa dun ang palaging busy ang aking mga magulang sa mga dinadaluhan na hindi ako kasama.
'Atsaka na daw ako isasama pag nasa tamang edad na ako? M*erda!
Nagulat ako sa sumalubong sa amin ang apat na katulong na nakayuko. Ano ang nangyayari? Nakilala ba nila ako? Napatingin ako sa lalake na kalapit ko at gano'n na lamang ang gulat ko na nakatitig rin pala sa akin 'to. At para bang nawe-weirduhan na siguro sa aking mga kinikilos.
''Are you prince?'' saad ko na hindi ko na napigilan ang hindi magtanong na ikinakunot ng todo nang kanyang kilay.
Sino ba siya? Bakit hindi ko siya kilala mukhang anak mayaman din siya Prinsipe ba siya? pero bakit 'di ko yata siya na mumukhaan? Sabagay, hindi naman ako madalas nakakalabas sa mansyon at baka siya lang ang nakakakita sa mga magulang ko.
''Stop talking nonsense, woman.'' aniya at umiling-iling na parang mas dumoble ang paghihinala n'yang weirdo ako.
Nagulat ako ng papasukin niya ako sa isang banyo at tiningnan ako maigi kaya't napatakip ako sa katawan ko.
Hinawakan niya ako sa kamay at itinaas niya iyon at pinagmasdan ang kabuohan ko na para bang pinag-aaralan pa niya.
"Take a bath first before we talk." Hinagisan niya ako nang towel. Mabuti na lamang ay nasalo ko naman agad.
Aba't ang bastos naman niya. Ilang beses ko bang sasabihin na isa akong prinsesa. Nakakab'wisit talaga ang lalaking 'yon, hindi niya talaga mapigilan ang maging masungit. Bawat galaw ko'y parang gusto na lamang niyang magalit ng magalit.
"Pasalamat s'ya, mabait ako na tao." Napatingin ako sa banyo at napamangha, sa amin kasi nakakasawa. Dito may mga gold din pala? tapos may mga bulaklak pa masarap siguro dito maligo, mukhang mabango pa.
Agad akong nag hubad at lumublob sa bathtub at nakakarelax. Napapikit ako saglit pero syempre, alam ko nakakausapin niya ako kaya't kailangan ko sumunod. Pati ba naman sa ibang tao susunod pa din pala ako. Nakita ko ang mga pang lalaking sabon, shampoo, at iba pa'ng pang lalaki kagamitan na ang hula ko'y kanya 'yon.
"Seryoso, gagamitin ko 'to sa buhok ko?" saad ko sa sarili.
Pero alam ko no choice at pag hindi ko naman shampoo ang buhok ko amoy pawis. Dahilan sa takbo't akyat-akyat na ginawa ko kanina.
Napangiti ako sa bango niya, ang bango ng shampoo niya nakakaakit, pero siya. Hindi! Kaya agad ko din 'to inilagay sa buhok at isinabon iyon sa buhok.
After 1hour ay natapos na ako sayang, ang sarap sana pa magbabad. Kung puwede lang pero, hindi puwede baka magsalita na naman 'yung lalaking 'yon.
Nakita ko na madumi pala ang damit ko ano gagamitin ko niyan? Alangan suotin ko pa 'yan. Ang dugyot lang sobra! Samantha, may kumatok sa pintuan ng banyo napatingin ako ng biglang magbukas 'yon at iniluwa ang babaeng nakayuko at palagay ko'y katulong dito. Kasi nga nakauniform e,
"Young Lady, 'to po muna ang iyong suotin at lalabhan namin ang inyong maruming damit. Pagkatapos n'yo magbihis ay sasamahan ko po kayo sa opisina ni Young, Master." sabi lang nito at isinirado dahan-dahan ang pintuan naikinatingin ko lamang.
Napatingin naman ako sa damit at natulala ako sa malaking T-shirt at boxer lamang ang laman. Seryoso siya? Prinsesa ako, alam ba nila hindi ako nagsusuot ng ganito? Wala nga siyang pakialam. Akala ko ba'y gusto mo maging simple. Dapat alam muna at mag-aadjust kana! Usap ko sa akin sarili.
"Ahmm.. Uhhh.. A-ano kasi.. wala ba kayong.. Kahit anong damit na pambabae?" sabi ko pa sa nakayukong babae sa akin. Nahihiya kasi talaga ako pag ganito ang sinuot ko. Nakadungaw ako sa labas kasi nga lumabas siya eh.
Hindi naman ako nakakapagsuot ng ganito sa talambuhay ko. Nakita ko ang reaction ng kausap ko nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata.
"Pasensya na po, pero wala kasing damit na pambabae si Young, Master pinapasabi niya po na 'yan na muna daw po, ang suotin n'yo ang kanya." Napatingin ako sa suot ko. Kanya 'to. pinagmasdan ko ang t-shirt kaya pala malaki sa akin kanya pala 'to.
Pero bago pa ako matapos nakita ko itong may dinalang isang medicine kit at pinaupo ako nito sa malapit sa isang gilid para daw magamot ang sugat ko. Napapangiwi na lamang ako sa bawat pag pahid nito sa aking tuhod. Hindi ko din akalain na walang awa sa mga babae ang nakita.
''Maliit lamang ito, pero para sa makinis ninyong balat ay ang pangit tinggan. Kaya't papahiran ko po siya ng gamot.'' Aniya na banayad ang ginawa.
Hindi kagaya ng amo niya, napakasalbahe niya hindi man lang niya ako sinabihan nang bubuhusan? Tsk, Nang matapos n'yang gamitin ang sugat ko ay niyaya na niya ako para pumunta sa lalaking 'yon. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Napatingin na lamang ako sa buong mansyon ng lalaking 'yon, hindi naman malalayo na parehas kaming may kaya sa buhay pero, hindi ko naman kilala ang lalaking 'yon, miski ang mga kasamahan nito. Ano kaya talaga ang ginagawa ng mga 'yon sa gitna ng kagubatan.
"Halina po kayo, ayaw na ayaw po ni Young, Master na pinag-hihintay siya ng matagal." sabi pa nito sa akin kaya't sinundan ko na lamang 'to.
Ang arte naman ng lalake na 'yun, hindi na gaano mahapdi ang sugat ko. 'Atsaka gasgas lamang iyon, pero ngayon ko lang nakita ang sarili ko na nag-ka-sugat. Naikinangiwi ko na lamang.
Napagala ang tingin ko sa kabuohan bahay. Napakaganda, puro salamin naman nakita ko. Nakita ko ang reflection ng aking mukha na sobrang kaputian. Akala mo'y hindi ng arawan, ang mapupulang labi na kasing ganda ng rosas at ang kulot kong buhok na hanggang bewang ang haba.
Pero natawa naman ako sa tuhod ko na may cute band aid ako pumili niyan, kasi pinapili niya ako. Hindi ko nga din akalain may ganyan palang band aid. Sinundan ko lamang ito habang naglalakad sa isang malawak na hagdanan at kahali-halina talaga ang nakikita ko may mga ganyan din sa mansyon. Ang kaso kaibahan lang sa ibang bahay na puno ng ginto.
"Andito na po tayo, pumasok na lamang po kayo, dito ko nalang po kayo hihintayin. Kung may pag-uutos pa po si Young, Master sa akin." Aniya at gumilid malapit sa pintuan at nakayuko pa din at napatingin naman ako sa labag.
"P-prinsepe po ba ang lalaking 'yon?" bigla na lamang ako napatanong na ikinatigil na lamang ng babaeng nasa harapan ko.
"Hindi po. Young Lady," aniya sa akin na ikinatingin ko na lamang iba ang tingin din nito na may pagtataka na ikinangiwi ko na lang. Hindi siguro niya inaasahan na sabihin ko 'yon.
"Ah, eh. Ano pala siya?" saad ko dito na ikinangiti na lamang nito sa akin.
"Sa kanya ninyo na lamang po itanong, hindi po kami nagsasabi ng kahit ano rito sa bahay, dahilan sa private po na tao si Young Master." aniya na yumuko sa akin na ikinangiti ko na lamang, ang galing kasi. Para bang inaalagaan nila ang mga detalye ng kanilang amo. Mas maganda talaga na kukuha ka nang makakasama sa bahay ay 'yung pagkakatawalaan mo ng lubusan.
"Hali na po kayo, baka naiinip na si Young Master." saad nito sa akin na ikinatango ko na lamang dito.
Hindi na ako nagtanong pa at alam ko din naman na hindi rin naman niya ako sasagutin sa oras na magtanong ako sa kanya. Napatingin na lamang ako sa magandang suot nito. Maganda siguro iyang pag ako nagsuot din? Napapangiti na lamang ako. Gusto ko ma-try ang suot niya. Napatingin naman ako sa aming dinaraanan.
Huminto ito sa gilid at nakita ko na itinuro niya ang pintuan na ikinalunok ko na lamang, balak ba n'yang ipahiwatig sa akin na kailangan ko pumasok ro'n at andu'n ang lalaking hinihintay ako? Lakasan mo ang loob mo huwag kang magpapatalo sa kanya.
Baka kasi may something talaga doon. Pero wala naman kahit ano ang nasa labag kundi makintad lamang, kaya't na pagdesisyonan ko na lamang pumasok.
Napatingin ako sa pulang pintuan at kinakabahan sa mangyayari. Papatayin niya kaya ako sa loob ng silid na 'yan? Kumatok ako ng dalawang beses, bago binuksan. Syempre mahirap na maging bastos ang kalalabasan.
Lalo't galing din ako sa marangyang pamilya. Samantha, baka natatandaam mo na pasaway ka din sa inyo, at hindi mo talaga mapipigilan ang mga bagay na nakasanayan muna.
Sa pagpasok ko ay nakita ko naman 'to na nakaupo sa isang mahabang pulang sofa at nakatingin sa akin pag-pasok. Heto na naman ang mga mata niyang mapanuri sa bawat galaw ko.
"Not bad." sabi nito na nakatingin sa kabuohan ko na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko at napangisi.