Chapter Forty One Part Two Blind date (2) TUMAAS ang kilay ko nang lumipas na ang halos kalahating minuto ay hindi pa rin dumarating ang date ko na ang pangalan daw ay Thaddeus ayon kay Mommy. Mommy: Nagkita na ba kayo ni Thaddeus? Me: Nope. Kanina pa ako dito Mommy kapag five minutes wala pa siya, I’m out! Napangisi ako sa mensahe na sinend ko kay Mommy. Ngayon may isa na akong dahilan para tanggihan ang kung sino mang anak-mayaman na ipa-partner nila ngayon sa akin. Mula sa pagkakainom sa tubig ay nasamid ako nang mapatingin sa dalawang tao na kakapasok lang sa restaurant at ina-assist ng usherette patungo…sa akin?! Anong ginagawa nila rito? Paano nila ako nahanap? Kanina nang umalis ako sa boutique ay talagang tinaguan ko silang dalawa dahil nababaliw na ako sa presensya nila

