Chapter Forty One Blind date (1) “CLOSER! Pull her close, Dalton! Zoey put your hands on his chest, okay that’s it! Nice shot!” Hindi ko mapigilang matawa maging ng mga crew nang malakas na itulak ni Zoey si Dalton na tila diring-diri siya sa huli. “Alcohol Jill! Baka mahawaan pa ako ng virus ng lalaking makati!” Hindi ko na inalok pa si Zoey na tingnan ang mga kuha nilang dalawa ni Dalton dahil halos matapilok pa siya sa pagmamadaling makaalis ng studio. Samantalang si Dalton ay saglit kong nakitaan ng lungkot ang mga mata bago kumilos at hinabol ang sikat na aktres ng bansa. “Done?” Nakangiting paglapit sa akin ni Rocky na inalis ang camera sa leeg ko at inilagay niya sa kanya. “Smile!” Tinakpan ko ang mga mata ko na nasilaw sa ilaw ng camera ko at hinampas sa braso si Rocky

