Chapter Thirty Six Chasing “FOR Pete’s sake, Addieson! Nasaan ka?” “Nasa airport na ako, Marcus. Mauuna na akong bumalik sa Manila.” “What the hell bakit mag-isa kang umalis—” “Addie…” Humigpit ang pagkapit ko sa cellphone nang marinig ang boses ni Sander. “How’s your wounds?” Napatingin ako sa kamay kong binalutan ko lang ng panyo at sa hita kong patuloy pa rin ang pagdurugo. “I’m fine. B-bye—” “I’ll go there Addie, please wait for me. Let’s talk," pigil niya pa rin sa akin. Umiling ako. “No. I’m begging you, Sander. I d-don’t want to see you now. I’m really tired. Hindi ko na kaya pang makipag-usap pa sa ‘yo.” “H-how about tomorrow?” muling tanong niya nasa mga matang umaasang papayag ako. Hindi ako umimik dahil sigurado akong kahit bukas ay hindi pa rin ako handang makita

