Chapter Thirty Seven Revelation I KUNOT ang noo ko habang ipinapark ang kotse sa isang sikat na hospital sa Makati na siyang sinend sa akin ni Ellis na kinaroroonan niya ngayon. May sakit siya? Ang katanungan kong iyon ay nasagot nang makarating ako sa garden hospital kung saan mag-isang nakaupo si Ellis. Halos hindi ko siya nakilala sa ayos niya. Walang kolorete sa mukha, namumutla at kahit ilang araw pa lang kaming hindi nagkita tingin ko ay napakalaki ng ibinagsak ng katawan niya. Natigil ako sa paghakbang patungo sa kanya nang makita ang benda na nakalagay sa pulsuhan niya. Oh my God…don’t tell me? Napalunok ako at tila gusto kong talikuran siya pero nagtagpo na ang tingin naming dalawa. Tulala lang akong pinagmasdan ni Ellis na ni walang bakas ng pagtataray ang mukha. Malayo

