Chapter Forty Six Comfort “MISS, sa hospital po ba tayo?” Umiling ako sa tanong ni Kuya Genardo. “Pakidiretso ako sa condo Kuya, gusto ko munang maligo.” Minasdan ko ang mga dugo na tumalsik sa suot kong puting t-shirt galing sa isa sa pinaka-demonyong tao na nakilala ko. I don’t regret what I did. Because he deserves it. He f*cking deserved it. Hindi sapat ang batas na meron sa bansa para sa kahayupan niya kaya sa kauna-unahang pagkakataon ilalagay ko ang batas sa kamay ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa galit na hanggang ngayon hindi mawala-wala. “Kuya, pakisiguradong sisikatan pa ng araw ang lalaking ‘yon.” “Pinapunta ko na si Dave kasama ang doktora na kaibigan niya, Miss.” “Archer!” “Kuya!” “Ku—Archer!” Sinimangutan ako ni Archer at umiling-iling na itinaas sa ere ang

