Chapter Forty Five Girlfriend “SO, kailan ang kasal?” Natigilan ako sa pagpipigil kay Sander sa pagpupuno ng plato ko ng almusal sa tanong ni Tita Sandra. Nanunukso naman akong tiningnan ni Sammie na busy ring inaasikaso ni Pisces. “S-si Tita puro biro,” tanging nasabi ko na lang at pinandilatan si Sander na ang tingin yata sa akin ay ilang araw hindi kumain. “Tataba ako sa ginagawa mo,” bulong ko sa kanya. Tumawa siya at inilapit ang mukha sa tenga ko. “I’d love to see you gain some weight. I’d kiss that fat—” Kinurot ko siya sa hita bago niya pa matapos ang sasabihin niya. “Magtigil ka nga sa kalandian mo, Sander.” “Ehem! May bata dito, guys.” Inirapan ko si Sammie na mukhang gumaganti sa mga pang-aasar ko sa kanya. “Alesander Miller, ano? Kailan mo balak pakasalan si Addieson?

