Chapter Thirty Two Pregnancy test “DID you see him?” “It’s 10 o’clock in the evening Marcus, talagang tumawag ka pa para tanungin ako? Bakit ba interesadong-interesado ka sa kwento ng buhay ko? Napaka-chismoso mo!” Tumawa si Marcus sa kabilang linya na umistorbo sa beauty regimen ko. “Tinatanong ko lang masyadong maliit ang mundo nyo para hindi mo siya makita.” “Hindi kami nagkita, saka ano naman kung nagkita kami? What do you expect magmukha pa rin akong bata na hahabulin siya?” “Wala akong sinabi chill! So, ano payag ka na bang maging date ko sa wedding ni Alfred?” Ngumisi ako. “Oo ba basta papayag ka na rin sa gusto kong magpanggap kang boyfriend sa harap ni Daddy—” “Oh, no Addieson I told you it’s a no. Hindi ako magaling umarte.” Umismid ako at inalala ang gabing pinagselos n

