Chapter Thirty Four Trying “TALAGA bang papanindigan mo na ang pagiging lasinggera?” Mabilisan kong tinungga ang bote ng beer na kapit bago ko sinulyapan si Archer na iiling-iling sa akin sabay kuha rin ng bote sa mesa. “Hindi ako lasinggera, loko! I’m just chilling! This place is good, ano?” saad ko at iginala ang tingin sa bar sa Pasay na nadaanan ko lang habang kanina pa ako nagmamaneho na hindi alam kung saan patutungo. Not the typical bar that I’m used to, this place is quite calming and quiet kind of a bar. Mangilan-ngilan lang din ang mga tao na mas nagustuhan ko. Iginalaw-galaw ko ang ulo ko at isinabay sa malamyos na tugtugin na kinakanta ng bokalista sa harap. “Let’s have fun tonight, Arch.” “What happened?” Nagkibit-balikat ako at tumawa. “I’m happy and I’m celebratin

