PAGKATAPOS ng kanilang kasal, dire-diretso silang pumunta sa airport. Walang kamalay-malay si Vivianne na nag-book na pala si Beckett ng tickets nila papuntang Italy. Nasa first class silang dalawa, at nakabusangot pa si Vivianne habang nakatingin lang sa bintana. “You can’t see anything there except the clouds,” saad ni Beckett habang namimili ito ng panonoorin niyang pelikula. He doesn’t like movies, but he thought he might kill some time habang nasa biyahe sila. “Ayos lang, kaysa ikaw ang makita ko,” sagot naman ni Vivianne bago humalukipkip. Napatigil si Beckett sa pagpindot sa maliit na screen sa kan’yang harapan at napatingin kay Vivianne. “Are you mad because I didn’t tell you that we’re going to Italy for our honeymoon?” tanong niya, ang boses nito ay tinatantiya ang mood ng dal

