NAPALUNOK si Vivianne bago umiwas ng tingin. Hindi niya alam ang isasagot, at hindi niya rin alam kung bakit imbes na magalit siya dahil sa mga kahalayang sinasabi ni Beckett ay mas lalo pang nag-init ang katawan niya. “M-Manood ka na nga lang diyan!” singhal ni Vivianne bago inayos ang pagkakaupo at ipinagkrus ang magkabila niyang kamay. Natawa na lang si Beckett bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya kaninang panonood ng movie, habang si Vivianne naman ay nag-soundtrip. Hindi na rin inisip ng dalaga ang tungkol sa suitcase niya dahil tulad nga ng sinabi ni Beckett, wala silang magagawa roon. Kaya ngayon, napagdesisyunan niyang i-enjoy na lang ang kanilang bakasyon, at huwag na munang mag-isip ng iba pa. MAKALIPAS ang labing-anim na oras, nakarating din sila sa wakas sa Venice Marco Pol

