THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 23 THE PILL CHANTAL’S POINT OF VIEW. NAGISING ako sa aking sarili na kwarto. Hinatid talaga ako pauwi ni Jayden sa amin at hindi ko na siya ulit nakita. Wala rin akong natanggap na mensahe galing sa kanya sa aking phone. Hindi na ulit siya nagpaparamdam sa akin pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi sa may parking lot. “Chantal, buti na lang talaga at hinatid ka ni Jayden dito pauwi sa bahay. Bakit ka kasi naglalasing? Alam mo naman na show mo na bukas,” wika ni Mommy ng puntahan niya ako rito sa aking kwarto at may dala siyang gamot at pagkain dahil tanghali na ako nagising. Hindi naman talaga ako lasing, pero iyon ang dinahilan ni Jayden kung bakit ako nakatulog at hinatid niya ako dito sa bahay. Umupo ako galing sa pagkakahiga sa aking kama at kinuh

