Liwayway “Oh anak nandiyan ka na pala.” Salubong sa akin ni mama nang makapasok ako sa loob ng bahay. Kita niya na pawis na pawis ako ngunit hindi ko na siya nagawang pansinin dahil nga sa labis na pagmamadali ko. “At talagang hindi ka na mamansin ha!” narinig ko pang sigaw niya. Agad kong binuksan ang kuwarto ko at mabilis na kinuha ang mahiwagang pamaypay sa canbinet. Wala na akong paki-alam kung malaman ni mama na ako ang superhero na may pamaypay. Ang mahalaga ay maligtas ko ang mga tao sa mall at pagilan ang panggugulo ng bruhang si Illuka. Nang makuha ko mahiwagang pamaypay ay agad kong sinamo ito na baguhin ang anyo ko. Binigkas ko ang makapangyarihang linya sa isipan ko, ang paraan upang mabago ang anyo ko. Matapos ay binalot

