Liwayway “Bakla, bili naman tayo ng ice-cream. I am craving,” saad sa akin ni Pitu. Nandito na kami ngayon sa mall ng mga oras na ito. Malaming naman ngayon hindi katulad ng room ni ma’am kineme nakalimutan ko na agad ang pangalan niya. Charot! “Naglilihi ‘yarn?” tanong ko. Wala ako talagang alam kung ano ang gagawin namin dito ngayon. Ewan ko ba kung bakit siya nag-aya. “Hmmm… tatlong bata ang nasa sinapupunan ko ano ba!? Don’t touch me,” pag-iinarte nito. ` “Tara na nga!” Inaya ko na siya sa favorite naming puntahan ng stall ng ice- cream. Malapit lang naman ito kaya mabilis din kaming nakarating dito. “Ate, Seemura! Hello, kumusta ka na?” Bati ni Pitu sa tindera. Humarap ito sa amin. Ngayon ko lang siya nakita. Wala si ateng tindera na dati naming binibilha

