Liwayway Days passed and the usual thing appears again, nandito kami ngayon sa university. Nasa labas ng room at walang masyadong ganap. Tamang tunganga lang habang naghahanap ng mga guwapo sa hallway. Ems. Bawal na nga pala ako dahil alam niyo na. So ayon, malapit na kasing matapos ang hell week kaya eme-eme nalang ngayon. Ayon nga ulit, simula noong huling laban ko kay Illukang loka-loka ay hindi na ulit nagpaparamdam ang mga uod na sugo ng kasamaan. Okay na sa akin iyon dahil alam kong super takot na takot sila sa pamaypay na hawak ko. Ilang araw na ang lumipas simula nung birthday ni Ate at simula noon ay tila bumalik na ang lahat sa normal. Tila lang naman. “Hoy mga sister kong tulala! Let’s go naman sa mall mamaya after this class, medyo bored na ako sa pag-aaral. Kai

