Liwayway Marami kaming mga gamit na kailangang ligpitin. Bongga kasi ang mga bibig ng mga kumain at ang iba pa ay puro pa mga balahura. Charowts. Tumagal ang pag-aayo naman isang oras bago kami natapos. Awa naman ng diyos at walang nabasag na mga kasangkapan dahil sobrang may sentimental value kay mama ang mga ito. Kasama rin sa mga niligpit namin ang mga table. Napagod kami kaya naman nang matapos ay pinagpawisan kami ng sobra. Nabasa tuloy ang damit niya ng pawis gawa nang sinuot niya pa ito kanina. Sinabi ko sa kan’ya na sa kuwarto ko nalang namin ipagpatuloy ang aming ganap dahil doon ay free kaming gawin ang gusto naming gawin sa isa’t isa nang walang inaalala. Inayos ko ang mini table ko sa room upang doon namin ilagay ni Benjamin ang alak, iyong juice at ang mga food

