Liwayway Habang naghihintay ako kay Benjamin sa labas ay napagdesisyunan ko munang mag-scroll sa social media account ko. Agad na pumukaw sa akin ng pansin ang isang pulic live na kung saan ang laman nito ay isang babae na nanggugulo sa isang public market. Iba ang wangis ng babae, hindi normal kumpara sa mga babaeng nakikita natin sa ating pang-araw araw na buhay at nakakasalusok ang mukha nito. Hindi siya pangkaraniwan at ang lakas ng loob niya upang gawin ang ganitong uri ng panggungulo. May mga pulisya sa naturang lugar ngunit hindi mapigilan ng mga ito ang sumasalakay na nilalang. Tunay na makapangyarihan ang gumagawa ng gulo dahil kitang kita ng aking mga mata mula sa video na pinapanood ko na pinagbabaril na siya ng mga pulisya ngunit ni isang bala ay wala manlang tu

