Liwayway “Ibigay mo na sa akin ang pamaypay upang makauwi ka na sa inyo!” utos nito sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang pamaypay at pilit na kinukuha ito. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak dito upang hindi niya makuha. “Ang lakas mo! Bitiwan mo na ito at nangangawit na ako!” bulyaw ko sa kaniya at umayos ng pagkakatayo upang makakuha ng mas magandang buwelo. “Ikaw ang bumitaw! Dahil hindi mo ito pagmamay-ari at wala kang karapatang hawakan ito” pagmamatigas niya. Nangingikil ang mga ngipin niya at mukhang gusto niya akong lapain kanina pa. “Gaga! Hindi rin naman sa iyo ito. ‘Wag kang eksena riyan dahil wala ka sa posisyon na magsalita na wala akong kaparatan dito!” gigil na hayag ko at mas hinila pa ang pamaypay ngunit ayaw niya talagang bumitiw. Nakakatak

