Liwayway “Ang shumaypay!” Bigla akong napatayo mula sa pagkakahimlay. Nilibot ko ng smooth ang aking ulo upang tignan ang paligid at nakita kong nasa bahay ako ni ma’am Phinay. Anong ginagawa ko rito? Nasaan si Illuka? Nakuha niya kaya ang pamaypay? Wait, parang may something akong nararamdaman sa noo ko. “Ay shutang inaaaa!” agad kong hiyaw nang mapadako ang aking panigin sa altar ni ma’am. “Ano pong ginagawa niyo diyan ma’am?” Nakita kong nakabaliktad ang posisyon niya at tumitirik pa ang mata na parang magsusumamo sa mga kung sino-sinong bathala. Halatang nagulat ito sa akin kung kaya’t napatigil siya sa kaniyang ginagawa at napaayos siya ng puwesto. “Nagdadasal ako gaga!” sagot ni ma’am sa akin. Shuta, dasal pala ang ginagawa niya. Akala ko ay k

