Liwayway “Ma, bakit daw po?” sagot ko kay mama. Nasa ibaba raw kasi si Benjamin. Tinatamad naman akong tumayo. Wala na siguro siyang klase or trabaho kaya naka-gora na siya rito. “Hindi ko alam anak. Walang sinabi. Nasa baba lang siya at naka-upo,” sagot nito sa akin. Tinatamad talaga akong tumayo. Makiki-suyo nalang ako kay mama na papuntahin si Benjamin dito. “Ma, paakyatin niyo nalang po siya rito,” pakikisuyo ko kay mama. Miss ko rin naman si Benjamin ang kaso wala lang ako sa mood ngayon para babain siya. Gusto kong mag-feeling diyosa. “Sige, anak,” pag-sang-ayon ni mama. Napangiti ako. She understands me. Ang suwerte ko dahil mayroon akong mamsh na katulad ng uri ni mujiea vegita. I cannot imagine my life to be colorfu

