Liwayway Nandito na kami sa bahay ni Benj, anong oras man ay magsisimula na kami sa paglilinis nitong bahay nila, or bahay namin. Basta! Kahit anong gusto niyo laban lang akis. “May papakain ka ba mamaya sa akin after maglinis?” tanong ko sa lalaking nakahubad ngayon at may buhat-buhat na mainit na lamesa. Sabi niya kanina ay ililipit niya raw ito ng puwesto upang maiba naman ang ayos. Ngayon lang ulit siya makakapaglinis ng mga gamit ng bahay nila simula nang ma-tegi si tita. Maraming reasons, kasi nga ‘di ba, busy siya sa school at sa work. Binaba niya ang lamesa malapit sa tabi ng bintana kung saan nakapa-ginta rito ang dalawang malambot na upuan. Pawis at hingal itong lumingon sa akin. “Ito bang abs ko ay sapat na para mabusog ka?” sagot nito sabay turo sa

