CH:19

2031 Words
"What's make you busy, thart?" Usisa ni Aidan nang makita na busy ang kabiyak sa sala. Hating-gabi na ngunit wala pa rin sa tabi niya ang asawa kaya hinanap niya ito. Hiniram si Penny nina Ely at Monica kaya malaya silang mag-asawa sa loob ng isang linggo. "I'm trying to do something different," "Trying to do what?" Aniya sabay silip sa ginagawa ng asawa. Gumuguhit ito ng iba't-ibang bag at sa tingin niya ay hindi pa rin makuntento ang asawa sa designs kahit nakailang ulit na ito. "Bakit ka gumuguhit ng ganyan? Is it needed at your office?" usisa nito. "Designer na pala ang asawa ko, hindi ko pa alam." dagdag ng kabiyak sabay yakap at halik sa buhok niya. "Malapit na kasi ang anibersaryo sa opisina, at nagpropose si bossing sa mga empleyado na gumawa ng mga designs. One design per head at pagpipilian ito ng mga board members. The designs who got the higher vote will be automatically sell on the market. Makikita mo na ang designs mo, magkakaroon ka pa ng profit per piece kapag naging mabenta ito," "Wow! That's a brilliant idea! Kodus sa bossing ninyo ha," aprubado niyang tugon. "Somehow I felt happy kasi nano-notice kaming mga maliliit na workers. Jessie is interested, too!" "Dapat lang, this is your chance. Kapag pumasa sa taste ang gawa ninyo, malay mo hindi ba? Maging permanent na kayong designers ng Niko Leather Works." "We don't know... I don't have high hopes about this. Alam mo naman na masyadong competitive ang mga coworkers ko. Tama lang na magpasa ako ng gawa ko. Mapili or hindi ay okay lang at least we tried." "You're right! But I want you to know na kahit anong gawin mo ay nakasuporta ako sa'yo..." "Ikaw, kumusta ang trabaho? Is everything, okay?" "Yeash, I think so. Bukod sa nadisgrasya si Carlo, lahat naman ay okay." "Ha, napaano?" "Nakatisod ng katana, ayun isang linggo nang hindi pumapasok. Buti kamo sa gilid lang 'yung nadali at hindi naputol ang mga daliri sa paa." "Aww, that sounds really painful." "Pero parang blessings in disguise 'yong nangyari sa kanya dahil inaalagaan na siya ng babaeng nililigawan niya. How cool is that? Kailangan lang pala niyang maaksidente para makuha niya atensyon ng iniirog niya." "Haha, or maybe the other way around? Kailangan lang pala niyang maaksidente para malaman ni girl na nakapasok na rin sa puso niya si Carlo." "I agree. That is what we call the irony of life." "That's how it works, bueno, tara na at matulog. Maaga pa tayo bukas." Aya niya sa kabiyak. Bukas na lang niya aayusin ang drawing niya dahil baka paggising niya bukas ay may panibagong ideya siya na mas magpapaganda sa kanyang desinyo. "Chin up, Cora. Endure it. Kapag bumigay ka, you'll gonna lose. You won't accept defeat, right?"ani Cora sa harap ng salamin habang nakatitig sa sarili. "You have to show them how fiesty you are." Pumapasok pa rin siya sa kompanya at wala siyang balak mag resign. Not until magawa niya ang pinaplano. Namalisbis ang luha sa kanyang mga mata ng maalala ang ginawa sa kanya ni Niko ngunit mabilis niya iyong pinawi. "I'm not going to avenge, I will get even." Aniya. Kinuha niya ang pulang lipstick at nag retouch. Nobody has the right to know how her life was starting to crumble since yesterday. "Morning, I just want to know kung nagawa mo na 'yong pinapagawa ko since last week? I was about to get it yesterday but you left." Seryosong wika ni Jessie sa kanya. Naabutan siya nito sa banyo at kasalukuyang nagre-retouch. "Nasa desk ko." Maiksing sagot niya sabay iwan sa kausap na parang walang nangyari. She knows how Jessie sees her, at wala siyang balak magpaka ipokrita at magbait-baitan dito. If she doesn't like her, so be it. "K. Fine. Pakilagay sa desk ko. Thanks!" Habol nito. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad at kinuha sa desk niya ang hinihingi ng katrabaho. Pagkatapos ay nagtungo sa desk nito. Katabi lang ng desk ni Jessie ang desk ni Emerson at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita niya ang drawing ng dalaga. Naalala niya bigla ang alok ni Niko sa kanilang lahat na saglit niyang nakalimutan. Nagpalinga-linga siya bago palihim na kinuha ang folder nito at palilis na lumayo. "Titser Suzy, may package po kayo." Untag sa kanya ng batang tinuturuan niya. "A gift for me? I am not expecting a gift from someone. Saan kaya galing 'to?" Takang sabi niya. Binuksan niya ang laman ng kahon at tumambad sa kanya ang napakagandang packaging ng bentobox. "Hello, beautiful! Eat this and I hope this food will make your heart full." Lumuwang ang pagkakangiti niya ng mabasa ang laman ng card. Sigurado siya na galing iyon kay Carlo. Dahil sa tuwing nagkakatampuhan sila ng kababata ay palagi itong nagbibigay ng peace offering sa kanya. Minsan pa nga ay dinadaan nito kay Obet ang paghingi nito ng sorry. "Why so pakilig?" Kagat-labing sabi niya. Hindi na siya naghintay na kainin ito kahit alas siete pa lang ng umaga at hindi pa oras ng tanghalian. Sa katunayan ay kumain na siya ng pandesal bago nagsimulang magturo. Ang sarap ng pagkakaluto ng adobong manok ni Carlo. Meron pang atsara na kasama at mga gulay. Himalang naubos niya ang lahat ng iyon at busog na busog siya. Umiinom na siya ng tubig nang mapansin na merong isa pang card sa ilalim ng lunchbox kaya kinuha niya ito. "Another card?" Nagtataka niyang sabi. Binuklat niya ito at binasa ang nakasulat. Wala pang isang minuto ngunit halos bumaliktad na ang kanyang sikmura at sa mga oras na iyon ay wala siyang ibang gusto kung hindi ilabas ang lahat ng kinain niya pagkabasa niya ng laman ng card. Dearest Suzy, I really appreciate the gift that you sent me last night, I was so surprise that I couldn't put myself to sleep. Hence, I couldn't stop myself to return the favor. But don't worry, I'm not going to scare you because I know how delicate you are. Instead, I tried cooking some dish for you using the gift that you sent me. I hope you find it really delicious because I cooked it with love. Best Regards, Nala "How dare you do this to me!" Aniya habang pilit na isinusuka lahat ng kinain niya. She couldn't even believe that she actually eat the mouse that her cat, Tom killed yesterday. Daga na galing sa kanal 'yun for f**k sake! Samantala natatawa naman si Nala habang nakatingin kay Suzy. Nasa labas siya ng pinagtuturuan nito at nakita niya kung paano lantakan ng dalaga ang inihanda niya para dito. "I hope this serves you a lesson. Don't you ever think that bullying someone you like makes you the upper hand. Not everyone in this world is a scaredy cat." Bulong niya bago pinara ang taxi na dumaan sa kanya para magpahatid sa kaniyang trabaho. "Good morning, guys!" Bati niya sa mga katrabaho pagdating sa fire department. "Magandang umaga rin sa'yo."ganti ni Steve. "Nasaan na ang iba at wala pa 'ata?" "Nasa cafeteria si Aidan, aywan ko lang kay Kian. Bakit?" Usisa nito. "Wala naman, sanay kasi akong nakikita kayong nag-uumpukan sa umaga." Aniya. "Grabe ka naman, anong akala mo sa'min mga tsismosang nilalang na nagkukumpulan para mag tsismisan sa umaga." Exaggerated na sagot ni Steve na ikinatawa niya ng malakas. "You said that yourself, I never did. Haha!" "Loko ka, Nala. Porke may Carlo ka na ha! Anyway, kumusta na pala ang mokong na 'yon?" "I think he's fine. I was there yesterday." "Ayeeii, the ship is sailing na pala. Lalalalala!" Ani Steve na pakanta-kanta pa. "Tumigil ka nga! Walang gan'on, hindi ba pwedeng nagmamalasakit lang?" Tanggi niya. "Kayong mga babae ang hihilig ninyong magpigil ng nararamdaman. Kaya ang iba sa inyo tumatandang dalaga eh. Kasi imbes na ipakita 'yung totoong feelings ninyo. Kayo itong si tago nang tago. Paano kayo magiging masaya niyan kung pinipigilan ninyo ang puso ninyong magmahal." Biglang sabad ni Kian. "Whoah! Hoy, Kian, anong pinagsasabi mo riyan? Parang ang laki ng sama ng loob mo sa mga Eva, ah!" ani Steve. "Naku, nagsalita ang isa ring takot sa commitment." ani Kian sabay lakad papalayo habang umiiling-iling pa. "Aba, nakita mo ba 'yon, Nala? Anong nangyari sa ogag na 'yun?" "Aba, malay. Bahala kayo sa buhay ninyo. Makapagtrabaho na nga, hmp!" "Ano ba nangyayari sa mga taong 'to, nakakaloka!" ani Steve. Wala na itong ginawa kundi manahimik na lang din. "Coffee for you," ani Cora sabay lapag ng isang tasang kape sa lamesa ni Niko. "Huh?" gulantang na wika ng binata. "Bakit para kang nakakita ng multo? Sa tingin mo ba magre-resign ako dahil sa ginawa mo?" ani Cora. "Why are you still here?" "I came here to work. I have dreams to achieve and there's nothing can stop me. What you did to me yesterday is unacceptable. But I have bills to pay and I have mouth to feed. I will stay an eyesore to you and to everyone around for all I care!" "Stop spitting nonsense!" "Kung mayroong dapat tubuan ng hiya rito ay ikaw 'yon. A victim should never be ashamed of her fate," "You were never a victim, Cora. You offer yourself at me. I gave you what you wanted!" "Okay, if that is how you look at it, fine! But you can never throw me out. Let your guilt eat you alive sa tuwing makikita mo ako araw-araw." 'This idiot never learned a lesson at all' ani sa isipan ni Niko habang tinitingnan ang nakatalikod na dalaga. "Jessie, nakita mo ba 'yung folder ko dito sa desk kanina? Inilapag ko lang 'yon dito, pagbalik ko wala na." aniya sa kaibigan. "Ha? Anong folder? Hindi ko napansin eh, bakit? Importante ba 'yon?" "Oo eh, iyon ang pinagpuyatan ko kagabi na designs ng bag. Tatapusin ko na sana kaso nawala naman." "Hindi naman mawawala 'yon kung walang kumuha." "Sino naman kukuha noon, hindi pa nga 'yon tapos." "Hindi natin alam, ngayon ko lang nalaman na may kasamahan tayong malikot ang kamay," "Hanapin ko na lang uli, baka namisplace ko lang." "Sige, tutulungan rin kita sa paghahanap." "Salamat, Jessie!" "No problem!" Habang abala ang dalawa sa paghahanap ay tahimik naman na nakamasid si Cora. Nakatingin siya ng matiim kay Emerson. A seed of envy started to grow some roots in her heart. Emerson seems to have everything she wanted. She's aware that Niko likes Emerson sa tingin pa lang nito ay lahat makakapagsabi. At nang makita niya ang designs nito ay lalo siyang nag ngitngit. She will never let her win. Kung hindi siya mananalo then, nobody ever will. "Carlo! Nasaan ka!" galit na sigaw ni Suzy sa kaibigan ng sadyain nito ang binata. "Bakit Suzy? Anong nangyari sa'yo? Bakit nagagalit ka?" "Nagtatanong ka pa?! Alam mo ba ano ang ginawa ng magaling mong kaibigan?!" namumula sa galit na sigaw ng dalaga. "Ano bang ginawa niya? Hindi ko maintindihan?" naguguluhan na wika ng binata. "Nagsend lang naman 'yan ng pagkain sa school. I thought galing sa'yo kaya kinain ko. Too late for me to know na sa kanya pala galing! And you want to know what she feed me?!" "What?" "It's rat! It's a f*****g rat!" galit na galit na tungayaw ng dalaga. Nakalimutan na nito ang poise at patuloy na nagtutungayaw sa kaharap. "You mean, 'yung pinadala mo sa bahay ko?" ani Nala na kadarating lang. "How dare you! Papatayin kitang impakta ka!" galit na sugod ni Suzy ngunit naiharang ni Carlo ang katawan niya para hindi magpang-abot ang dalawa. "Suzy, relax! Pag-usapan natin 'to!" ani Carlo. "Tumabi ka riyan! Bitawan mo ako, Carlo!" "Tama na, Suzy! Pag-usapan natin ang problema. Hindi sagot ang manakit ng kapwa. Ano bang nangyari?" Kalmadong naupo si Nala sa silya habang nakatingin sa nagwawalang si Suzy. "She sent me a dead mouse last night. I returned the favor and cook it for her. She eat it with gusto! Why she's complaining when she likes it so much?" sarcastic niyang sagot. "What?" gulantang na sagot ng binata. "Yes, you heard it right!" "It takes a psycho to deal her kind. What's wrong with that? She started it!" ani Nala. Walang nagawa ang binata kundi ang mapanganga sa nalaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD