"Since when did you guys fight like this? Unbelievable! You're both grown-ups, for the love of God!" Nanlalaki ang mga matang bulalas ni Carlo sa dalawa.
"I didn't started it, I was just doing my thing. I meant no harm to anyone, and I want you to know I was threathened, too! It's a human nature to fight back, and please don't blame me. Even puppies knows how to bark!" Aniya habang nakatingin ng masama kay Suzy. Wala siyang balak makipag-away pero kailangan niyang lumaban. Gaining a nemesis out of her whim is totally crazy!
"She's lying! How could I threatened her? With that kind of angst?! You know me since birth, do you think I have the guts to do that, Carlo?" Kailang depensa ni Suzy.
"Enough! Tama na, okay? Settle this now. Magbati kayong dalawa, ngayon din!"
"What?!" Magkapanabay nilang wika.
"Over my dead body!" Tanggi ni Suzy.
"Same goes with me, I'm sorry but I have zero tolerance with people like her."aniya. "She's a lunatic!" Dagdag niya.
"Nakikita ni'yo ba mga sarili ni'yo? Ikaw Suzy, bakit ka magpapadala ng ganoong bagay sa kanya hindi ka naman inaano? Ikaw naman Nala, ibinalik mo na nga pinakain mo pa. Paano kung may sakit 'yung daga at naka disgrasya ka pa ng tao? Look ladies, parehas kayo mali rito. Kaya pwede ba, dahil parehas naman na tayo nasa tamang edad. Magkapatawaran na kayo!"
"You know what, you're right! I was an adult, trying to tame your childhood friend who acts like a tigress when you're not around. I hope you saw how she behaves today. I have no intention of coming here anymore." Aniya. "I don't need someone who's stalking my house and sending me those stupid things. If this will happen again, hindi akong mangingiming ipa-blotter kang babaeta ka." Banta niya.
"Nala, no, huwag ka namang mag desisyon nang ganyan. Okay naman tayo 'di ba?" Biglang pagsusumamo ni Carlo.
"Are you aware that she loves you, kaya ginagawa niya ito?" Tanong niya.
"W-what?" Nababaghang tanong ni Carlo.
"You moron, look at how clueless you are! That girl is trying to win your heart under your nose but you're not aware at all. Well, at least now, you know! I'm done here, goodbye!" Sabi niya.
"Ang tagal naman, layas na!" Angil ni Suzy na inismiran lang niya.
"You're the most pitiful person I have ever meet. I hope one day, you'll realize that. What a shame for an educator like you." sambit niya bago tuluyang lumakad papalayo.
"Did you see that? She just insulted me in front of you! I didn't deserve this, Carlo!" Maktol nito.
"Tumigil ka na, Suzy. What you did is awful, too! How can you do that to the girl I love?"
"W-what? Y-you love her?" Kandautal na sagot nito.
"I love her, nagsisimula pa lang akong ligawan siya and I'm so happy kasi pumupunta siya rito para alagaan ako. Why did you have to ruin it?"
"You must be kidding me, Carlo... We've been helping each other since we were little. I was the one who's always by your side. Hindi kita iniwan kahit na kailan. Kulang na lang magtabi tayo sa kama at magpakasal and we're a family na talaga!" Ani ng dalaga. "Kaya rin kitang alagaan gaya ng ginagawa niya. Kaya kong tumigil sa pagtatrabaho at asikasuhin ka sa bawat araw!"
"I think you got it all wrong, Suzy... Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Nala, owns my heart and I swear to God, I'm going to die kung tuluyan siyang mawawala sa'kin."
"How could you do this to me? All I need is to love you! Bakit ba ang manhid mo? Puro ka Nala, paano naman ako?" Puno ng hinanakit na bulalas ni Suzy.
"I'm sorry Suzy, pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Nagpapasalamat ako sa malasakit mo sa aming magkakapatid, pero hindi ikaw ang laman ng puso ko. Hindi rin tayo magiging masaya dahil hindi tayo parehas ng nararamdaman." Paliwanag niya.
"How can you be so cruel?" Tumutulo ang luhang bulalas ni Suzy.
"I'm sorry, Suzy. I really am. Kung natuturuan lang siguro ang puso, noon pa man ay naging tayo na. Kaso hindi eh, hindi kayang diktahan ng isip ang puso kung sino ang dapat nitong mahalin."
Marahil ay hindi kinaya ni Suzy ang sakit na nararamdaman kaya tumakbo ito palayo. Hindi na niya hinabol pa ang dalaga para hayaan itong sumagap ng hangin para lumuwag ang pakiramdam nito. He felt sorry for Suzy, namis-interpret siguro nito ang pakikitungo niya rito. And at the same time ay nag-aalala rin siya sa magiging desisyon ni Nala. He prayed really hard na sana ay hindi ito lumayo sa kanya.
Samantala halos trenta minutos nang nakatayo si Kian sa harapan ng nasunog na bahay ni Aria. Hindi niya mawari kung bakit parang hinihila ang mga paa niya na magpunta roon. Kahit pa tahasan nang sinabi ng dalaga na wala siyang aasahan dito. Paalis na sana niya ng makita ang paparadang pulang sasakyan sa harapan ng bahay. Umibis mula roon ang sexy na babae na nakasuot ng hapit na black dress. Kita niya ang magandang kurba ng katawan nito lalo na ang maliit nitong bewang. Lalong pumuti ang dalaga dahil lumutang lalo ang kulay nito sa suot.
"Hi, Aria! Magandang hapon sa'yo!" Bati niya sa dalaga.
Tinanggal nito ang suot na sunglasses at tumingin sa kanya.
"Do I know you?" Nakatikwas ang kilay na tanong nito. Bahagya pa siyang nasaktan sa inasal ng dalaga. Dahil bukod sa naging sopistikada itong tingnan ay para bang hindi siya nito matandaan.
"Kian, nagkakilala na tayo noong nakaraan lang. Isa ako sa mga bumbero na nag responde sa bahay ninyo." Muli niyang pagpapakilala.
"Sorry, your name doesn't ring a bell. I never met you before." Ani ng dalaga. Naglakad na ito at papasok na sana ng gate ng pigilan niya.
"Teka lang... Wala ba talaga akong pag-asa na makipagkaibigan sa'yo?" Pagsusumamo niya habang hawak ang malambot nitong braso.
"Get your filthy hands off of me! That is s****l harassment! I told you already, hindi kita kilala. Stay away from me, do you understand?!" Mataray nitong sagot.
"Huwag ka sanang magagalit, hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganito ako simula ng makilala kita."
"Please listen with what I'm going to say, and don't make me repeat what I've said. I don't know you and I have no reason to entertain you. Stop pestering me and if this continues, you can actually bid goodbye with all of your bones, because I am going to crash it with my bare hands. Is that clear?"
"I have no ill intentions or whatsoev-"
"Enough! Stop wasting my time, okay?!" Ani ng dalaga. Wala na siyang nagawa pa nang magmartsa ang dalaga papasok ng gate. Why did she changed all of the sudden? Mula sa pustora maging sa pag-uugali. Ibang-iba sa Aria na nakilala niya few days ago. Is it really possible that someone could change drastically? Ilang minuto nang nakapasok sa loob ang dalaga ngunit nananatili siyang nakatulala. What did just happened?
"Oy Kian, anong ginagawa mo rito?" Untag ni Steve sa kaibigan.
"Huh? Steve? Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Usisa rin niya.
"Ha? Napadaan lang. Kaso nakita kita kaya lumapit na ako. Anong ginagawa mo rito?"
"Napadaan lang din," sagot niya.
"Ganoon ba? Wala na 'atang tao riyan. Hindi na pinapatayuan ulit ng bagong bahay eh."
"Siguro nga, sige, alis na rin ako p're!" Paalam niya. Wala na siyang balak magtagal dahil tiyak siyang uusisain lang siya ng kaibigan. Mas maiigi pang umiwas kesa malagay sa hot seat. Masyado pa namang makulit si Steve. Nilingon niya ang kaibigan at sa pagtataka niya ay nakadungaw din ito sa gate.
"Who are you? Bakit ba ang dami nakikisilip dito sa bahay? Kailan pa naging tourist attraction ang bahay na naging abo?" Ani ng isang tinig mula sa gilid ng gate.
Napapitlag pa ang binata nang makita ang may-ari ng tinig. Para siyang naipako sa kanyang kinatatayuan at hindi na magawang maigalaw ultimo ang kanyang mga labi. Ito ang babaeng nasa litrato. Ang babaeng biglang nagpagulo sa tahimik niyang puso. Ang natatanging babae na naglagay sa kanya sa alanganin sa pustahan nila ni Aidan.
"I said, who are you?! Kanina lang may lalaki ring nakatayo diyan sa labas. Mga magnanakaw ba kayo?"
"W-what?! Of course not!"
"Kung hindi ano ang ginagawa ninyo at mukhang minamanmanan ninyo ang bahay ko? Nasunog na nga at lahat gusto pa ninyo gawan ng masama? Wala kayo mahihita rito!"
"Excuse me, Miss... Pero nagkakamali ka, hindi ako pinalaking magnanakaw ng mga magulang ko!" Aniya.
"Then, what the hell are you doing here, tell me!"
Sa hitsura ng babae ay mapaghahalata talaga ang pagiging suplada nito. Masyado ring matalim ang dila gaya ng katana na nakadali kay Carlo.
"Ang sungit mo naman, ano itong bahay ninyo may kaban ng ginto? Makapagsalita ka sa mga tao akala mo ikaw nagsilang sa'kin!" Pagalit niyang tugon.
"Aba't sumasagot ka pa! Anong gusto mong isipin ko, aber?!"
"Hoy, miss, maganda ka sana kaso 'yang ugali mo ay pang impakta! For your information, hindi ako magnanakaw. At kahit gawa ka pa sa ginto, hindi kita pag iinteresan!" Gigil na sabi niya. The heck, mukha ba siyang mandurugas? Sa pogi niyang ito?
"Kaya nga tinatanong kita anong sadya mo rito? Bakit ka silip nang silip sa bahay ko!"
"Isasauli ko 'tong picture mo na napulot ko nong nagresponde kami sa sunog ng bahay mo. Iningatan ko pa naman sana 'yan kaya lang sana pala itinapon ko na lang! Sayang ang ganda mo, bukod sa mapanghusga ka na, pasmado rin bibig mo. Adios!" Gigil niyang sigaw sa dalaga sabay bigay sa larawan nito na nakaipit pa sa kanyang pitaka.
"Who told you to keep that photo? Bakit parang utang na loob ko pa na naitago mo 'yan?" Tila nakakalokong ngiti ng babae. Sa hitsura ng babae ay tila nag-eenjoy itong makita siyang naaasar. Dahil pangiti-ngiti pa ito habang siya namumula na sa inis.
"Ewan ko sa'yo! Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa babae." Sagot niya sabay bira ng alis. Napapikit pa siya ng marinig ang malakas na halakhak ng dalaga. Ang lakas mang-inis at siya naman ang asartalo.
Napaano ka po, Miss?" usisa ng isa nilang kawaksi.
"May cute na lalaki na parang bata na gustong mambugbog sa inis, hahaha!" sagot niya na aliw na aliw.
"Ay naku, no match 'yon sa'yo, Miss. Baka kuko mo lang 'yun, hindi pa siya pumuporma, tumba na siya!"
"Sshh, huwag kang maingay. Nobody needs to know that I can fight."
"Sorry po, Miss."
"It's okay, ituloy mo na lang ang pag-aayos sa mga natirang gamit. Pag natapos ka, sabihan mo lang ako para makaalis na tayo." utos niya.
Agad namang tumalima ang kawaksi sa utos niya kaya nagtungo siya sa hardin kung saan may maliit na kubo para magpahinga. Sinulyapan niya ang larawan na ibinalik ng binata at nahagip niya na may nakasulat sa likod nito.
"MY DREAM GIRL"
"Gosh, at fan ko pa 'ata si mokong!" natatawa niyang sambit.
She is a half japanese at nagbabakasyon lamang sa Pinas. Pabalik na sana siya ng Japan ngunit nangyari naman ang sunog sa bahay nila kaya naantala ang kanyang flight. She's so bored na umabot siya sa puntong mang-asar siya ng lalaki na hindi niya naman kilala.
"Hmm, I think I owe him an apology... What do you think, bunny?" aniya sabay sa alaga niyang kuneho.
Ilang oras din siyang nag-isip bago nagdesisyong hanapin ang lalaki para humingi ng sorry dito. Mali naman talaga ang ginawa at mga sinabi niya rito. Nadala lang siya ng excitement sa pakikipag inter-act sa ibang tao. Nakalimutan niya tuloy na tumawag sa kapatid upang ibalita ang ganap sa kanya.
"Hello, sis! Everything is fine here! No need to worry, okay?" aniya sa kausap ng sagutin nito ang tawag niya.
"Okay, ingat ka diyan. Balitaan mo ako if something happens. When you're done, sunod ka na rito sa Japan."
"Sure! Sige na, at may gagawin pa ako. Ingat ka riyan, lalo at winter ngayon. For sure, inuubo ka na naman dahil nabigla na naman katawan mo sa lamig."
"So far, sinisipon pa lang naman ako. Hahaha! Pero nothing to worry kasi may gamot na akong iniinom."
"Very good! I got to go sis, bye!" aniya sa kapatid bago pinutol ang tawag. Balak niyang hanapin ang lalaki na nakasagutan niya para personal na magsorry.