It's a happy day for Aidan and Emerson. Penny turned one and they decided to throw a little celebration. Invited a few guests that's closest to their heart. They believe that a happy occassion should be celebrated with your loved ones to make it more meaningful and memorable.
"Napakaganda talaga nitong apo ko, mana sa lola!" Ani Monica habang karga ang apo.
"Nasa genes 'yan, maganda ang combination ng mag-asawa kaya maganda rin ang finish product," ani naman ni Ely.
"Kung anu-ano na naman pinag-uusapan ninyong dalawa."
"Kahit sino 'ata ang tatanungin, sasang-ayon sa inyo balae. Napakaganda at bibo ng ating apo. Nangangarap tuloy ako ng isa pa," sabad naman ni Carmen.
"Kayo talaga palagi ninyo akong pinagtutulungan, haha!" Sabi niya sa mga ito na natatawa na lang sa kakulitan nila.
"Willing kaming mag-alaga sa dalawa o kahit gawin ni'yo pang lima." Ani Dan.
"Anong kaguluhan ito at mukhang maiiyak na ang asawa ko?" Ani naman ni Aidan.
"Pinagkakatuwaan nila ako, sweetheart!" Natatawa niyang kunwa'y sumbong.
"Huwag ninyong pinapasama ang loob niyan, bawal." Ani Aidan sabay kindat sa mga magulang. Naguguluhan man siya ay binalewala niya na lang ito.
Dumating na kasi si Jessie kaya inistema niya na muna ang kaibigan. Ilang saglit pa ay dumating na rin ang mga katrabaho ni Aidan kaya mas lalong sumaya ang pagdiriwang. Napuno ng halakhakan ang simpleng handaan ng araw na 'yun.
"Tired?" Bulong ni Aidan sa kanya. Gabi na at tapos na ang selebrasyon. Tulog na rin si Penny kasama ang lolo at lola nito. Sila na lang ni Aidan ang naiwan sa sala para magligpit ng natitira pang mga kalat.
"Tired but happy," nakangiting sagot niya.
"Ang daming natutuwa sa anak natin, bibo raw eh. Kanino kaya nagmana?"
"Mana sa Mama 'yan, no doubt!" Nakangising sagot niya.
"Ay sa Mama ba? Akala ko sa ama eh." Nakalabing sagot ng asawa.
"Asa ka..."
"Hindi bale, bawi ako sa susunod." Nakangising sagot ng asawa.
"Sige, siguro five years from now?"
"Grabe naman katagal, huwag naman thart!" Nanlalaki ang mga matang sagot ng esposo.
"Mahirap umere, sweetheart. Kakaisang taon pa lang ng maranasan ko 'yon. Huwag muna, parang awa mo na." Natatawang sagot niya sa asawa bago ito dinampian ng halik sa labi.
"Halika nga rito," ani Aidan sabay hila sa bewang niya. Ikinulong siya nito sa bisig at hinalikan ng mas malalim pa.
"Aida-" pigil niya sa asawa ngunit nagbingi-bingihan ito. "Baka magising sila, umayos ka nga..."
"Masyado ka namang takot, alam na nila 'yun. Normal sa mag-asawa ang maglambingan."
"Kahit pa, nakakahiya pa rin makita tayo nila Mama."
"Okay, misis... Titigil na po, hihiga na ako sa higaan an. Sunod ka agad ha," nakangising wika ni Aidan sabay kurot sa pisngi ng puwetan niya. Knowing her husband, he was sending her signal that he wants her tonight. Napapailing na lang siya sa kapilyuhan ng asawa. But at the same time gusto niya rin iyon dahil nangangahulugan lamang na hindi pa rin nawawala ang init ng pagmamahalan nila kahit nanganak na siya. Sabi kasi ng iba, once nanganak na ang babae ay humihina rin ang desire ng lalaki na sumiping sa kabiyak dahil may nabago na sa pribadong katawan ni misis. Buti na lamang at hindi ganoon si Aidan.
"Do you think we needed to get a new house, at least two to three rooms?" Ani Aidan.
"Why? Nasisikipan ka na ba sa bahay natin? Isa pa lang anak mo, oy!"
"Kasi gaya niyan, kapag nandito parents natin. Wala tayong privacy. Ganoon din sila, maybe it's about time kumuha tayo ng medyo okay na tirahan. Hindi ba't may pinapagawa ulit na paupahan sila Jessie sa bakanteng lote diyan sa tapat? Itanong mo nga kung pwede tayo magpareserve."
"I've heard malapit na raw matapos, don't worry. Sasabihin ko sa kanya bukas pagpasok ko." Aniya.
"Thank you, thart! Nawa'y makalipat tayo kaagad." Nangingislap ang mga matang tugon ng asawa bago ito yumakap nang mahigpit sa kanya. Hindi na lang niya sinupla ang asawa dahil may punto rin naman ito. Isa pa, para rin naman sa kanilang mag-anak iyon kaya umoo na rin siya.
"Nala, pwede ba tayong mag-usap?" Samo ni Carlo nang tawagan nito ang dalaga. Tinotoo kasi nito ang sabi na hindi na ito makikipag-ugnayan sa kanya kaya labis siyang nag-aalala at nangungulila rin siya sa presensiya nito.
"We're talking already. Anong usap ba ang gusto mo?" Malamig na tugon ng dalaga.
"Bati na tayo... Sorry na kasi, hindi ko naman alam na gagawin ni Suzy ang bagay na 'yon. Wala akong ideya sa mga pinaggagawa niya..."
"Look, Carlo... Alam mo na ang nararamdaman sa'yo ni Suzy. Bakit hindi siya ang ligawan mo? For sure nagsasalita ka pa lang, sinagot ka na niya."
"I can't force myself into someone I am not inlove with. Ikaw ang mahal ko, Nala... Ikaw ang kailangan ko, hindi siya o ibang tao."hirap na sagot ng binata.
"I can't live a life na lagi akong mangangamba na someone will stab my back. She is dangerous, Carlo."
"I already told her what I feel, para hindi na siya umasa pa. I told her hindi ko siya mahal dahil ikaw ang laman ng puso ko. And I can't force myself na piliin ko siya."
"But she's with you ever since, itatapon mo na lang ba 'yon basta?"
"What do you want me to do? Marry her para makabayad ako sa mga ginawa niya sa'kin? Suklian ko 'yung pagmamahal niya sa'kin? Maging sunod-sunuran sa kanya because I owe her big time?"
"Kung gayon, ano ang balak mo sa kanya? Pabayaan? Tapos liligawan mo pa rin ako? Paano kung hindi niya ako tigilan at lalo kaming magkasakitan, anong gagawin mo?"
"That will never happen, dahil I will protect you. I will bet my life just to make sure you're safe."
"I honestly don't know what to say, Carlo. Naguguluhan rin ako and at the same time I am lost for words. You saw what I did at nang sermonan mo ako, saka lang nag sink-in sa akin na mali talaga ang ginawa ko."
"I understand you, hindi mo rin 'yon gagawin if you're not being bullied. I will make sure this incident will never happen again. Please stay with me, Nala... I can't afford to lose you,"
"Let's talk about this some other time, Carlo. I want to be alone for a while, just let me breathe, okay?"
"Kung iyan ang magpapagaan sa kalooban mo, sige. Pero sana huwag mong tatagalan. Ngayon pa nga lang miss na kita, hindi ako mapakali rito sa bahay. Kahit nga si Obet, hinahanap ka na."
"Please tell him, I'm fine... Sige na," aniya bago pinutol ang usapan nilang dalawa.
"Did you heard that, Suzy?" Seryosong sabi niya habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. Pumunta ito sa kanyang bahay at may dala pa itong kutsilyo na nakatutok sa kanya.
"Nang dahil sa'yo itinapon ni Carlo ang pinagsamahan namin. Bakit kailangan mo pang pumagitna sa amin?"
"It's clearly not my fault, Suzy. Why you're blaming me for your incompetence? You had all your life winning this guy and yet, you never win his heart! And here you are, showing yourself infront of me. Carrying that knife, so, anong balak mo? You're gonna murder me to have him? Do you think mamahalin ka niya kapag ginawa mo 'yan?"
"Tumigil ka! Kasalanan mo 'to kaya dapat lang na mawala ka!"
"You're so stupid! Gumising ka nga! Wala tayo sa pelikula, totoong buhay 'to! Kung gusto mong sirain ang buhay mo 'wag ka nang mandamay. Kakaloka ka!" Aniya habang mailap pa rin ang mga mata. Hindi siya pwedeng makampante dahil emosyonal si Suzy. Maaari nitong masaktan ang sarili o mapatay siya.
"I don't care about my future anymore if Carlo is not with me. Kaya lang naman ako nangangarap dahil sa kanya. Pero inagaw mo siya sa'kin, ang dami namang lalaki riyan. Bakit si Carlo pa?"
"I already love someone when Carlo came to my life. Alam ko ang pakiramdam ng hindi magawang mahalin pabalik," aniya.
"May iba kang mahal? Hindi si Carlo?"
"I once loved a man who's a married man. Then, Carlo came just like a knight na handa akong iligtas sa pagpapakabaliw ko sa lalaking pamilyado na. So you see, I know your feeling. And I am telling you may pag-asa pa to start anew. Carlo might not be your the one dahil merong ibang nakalaan sa'yo na mas okay."
Habang nagsasalita siya ay nakatingin pa rin siya sa body language ni Suzy. She seemed calm pero iyon ang mas nakakatakot. A lion is so patient before attacking it's prey.