"Hindi mo ako mauuto, sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo?!" Nanlilisik ang mga matang bwelta sa kanya ni Suzy.
"No, nagsasabi ako ng totoo. I was heartbroken everyday na makita ang lalaking mahal ko na may ibang mahal. But I have to accept it dahil iyon ang tama. Forgive yourself, Suzy... Forgive and let go. Things might not run as you planned but believe me, it's for the greater good." Nasa trenta minutos na ata silang nag-uusap ng paulit-ulit para lamang mabaling sa iba ang atensyon nito. Iyon na 'ata ang pinakamahabang oras ng buhay niya.
"Hindi 'yan totoo! I don't need your unsolicited advice! I am going to end this now! Isa lang ang lalabas sa'tin na buhay, sisiguraduhin kong may mamatay dito, it's either you or me!" Hiyaw ni Suzy sa kanya bago ito sumugod habang naka-amba ang hawak nitong kutsilyo.
Ngunit bago pa man siya nakailag ay naramdaman niya na lang ang biglaang pagyakap sa kanya ni Carlo. Dahilan upang ito ang masaksak ni Suzy at hindi siya.
"C-carlo?" Tigagal na wika niya habang nakatingin sa mukha nito.
"S-abi ko naman sa'yo 'di ba? I will protect you, no matter what..." Nakangiwing sabi ng binata. Ramdam nito ang pagbaon ng patalim ni Suzy sa likod nito.
"Oh my God! C-carlo, what did you do? I'm sorry! I-im sorry!" Hilakbot na sambit ni Suzy habang hawak nito ang duguang kutsilyo. "N-no, no, no! I didn't do it!" Tarantang sabi muli nito habang pinupunasan ang duguang kamay. Nabitawan rin nito ang hawak na kutsilyo at tila wala sa sariling naupo sa sulok. "I didn't do it, I didn't!"
"You're bleeding!" Sabi niya habang yakap ang unti-unting nanghihinang binata.
"I'm fine, ikaw ba? Nasaktan ka ba niya?"
"Siraulo ka talaga! Ikaw itong nasaksak. Halika sa ospital!" Tarantang aniya habang inaalalayan palabas ng bahay ang binata. "Mga kapitbahay, tulungan ni'yo kami!" Sigaw niya. Buti na lamang at may mga tambay sa labas na kaagad sumaklolo sa kanila. Ang iba ay tumawag kaagad ng ambulansiya at ang iba naman ay tulong-tulong na igapos ang dalaga para madala sa brgy. May iba pang nagbigay ng suhestiyon na ideretso na ito sa police station para maikulong.
"I'm fine, don't worry. Malayo sa bituka..." Paninigurado ni Carlo sa kanya kahit bakas sa hitsura nito ang sakit. Nangingilid na lang ang luha sa kanyang mga mata habang hawak ang kamay ng binata.
"I'm sorry, nangyari sa'yo ito... Bakit mo ba kasi ginawa 'yon..." Aniya sa naiiyak na boses.
"Sabi ko naman sa'yo na mahal kita, at gagawin ko ang lahat para sa'yo. Ganoon kita kamahal, Nala..."
"Huwag ka nang magsalita pa ng kung anu-ano. Dadalhin na nila tayo sa ospital," aniya sa binata nang makasakay sila sa ambulansiya. Kaagad silang dinala nito sa pinakamalapit na ospital. Sa isang iglap ay naging maaksyon ang kanyang buhay. Paano ba siya nasuong sa ganitong sitwasyon? Ang tanging nais lang naman niya ay ang magmahal at mahalin at mamuhay ng mapayapa.
"Please, iligtas ni'yo po siya!" Nanginginig ang boses na sabi niya sa mga nurse na umasiste kay Carlo. Kaagad na dinala sa ER ang binata dahil sa lalim ng saksak nito sa likod. Nagpunta siya sa kapilya ng simbahan upang taimtim na ipagdasal ang kaligtasan ng binata.
"Panginoon, iligtas mo po si Carlo. Huwag ni'yo po siyang pababayaan, pakiusap! Napakabata pa niya para mawala, kailangan pa siya ni Obet..." Pagsusumamo niya. Mariin siyang nakapikit habang nagdadasal.
"Miss Nala," tawag ng isang dalagita sa kanya. Pag angat niya ng mukha ay nakilala niya na ito'y isa sa mga kapitbahay niya.
"May balita ba kay Suzy?" Agaran niyang tanong.
"Nasa police station na siya at ikaw na lang ang kailangan para pormal na maghain ng reklamo. Naka detain na siya roon sa kasong attempted murder..."
"I'm afraid she'll get out from it."
"Bakit po?"
"She's mentally ill, kapag gano'on ay hindi ito makukulong. Sa halip ay sa mental institution lang siya babagsak para gamutin. At kapag gumaling na siya, saka pa lang siya ulit lilitisin."
"Kailangan niyang makulong dahil delikadong makapanakit siya ulit." Ani ng kausap.
"Sana nga, pakisabi sa lahat ng tumulong na salamat. Hindi pa ako makauwi dahil nasa ER pa sa Carlo. Kapag stable na siya, uuwi muna ako. Susunduin ko rin ang kapatid niya dahil mukhang wala rin itong kasama sa bahay nila."
"Sige po, Ate. In-inform lang po kita sa status ng suspek. Balik na rin po ako sa atin. Ingat po kayo palagi..." Ani ng dalagita bago ito umalis.
Ilang oras pa siyang naghintay bago niya nakitang lumabas ang doktor na nag asikaso sa binata. Laking pasalamat niya ng sabihin nito na malayo na sa peligro ang binata at ililipat na sa ordinaryong ward. Kailangan lang nitong mag stay kahit bente-kwatro oras para obserbahan.
"Uwi po muna ako saglit, wala rin kasing kasama ang kapatid niya sa bahay. Baka mapaano pa 'yon dahil walang bantay."
Pumayag naman ang doktor kaya dali-dali na rin siyang lumakad. Nakahinga na rin siya nang maluwag kahit papaano. Kakausapin niya rin si Carlo kung ano ang balak nito sa kababata matapos nang ginawa ng huli.
"Naospital ka na naman?! Anak ng jueteng naman p're, nagiging suki ka na niyan ah! Noong una, nadali ng katana. Ngayon naman nasaksak ka! Hindi ka ba nananawa sa patalim?" Ani Steve. Nabalitaan kasi nito ang nangyari kay Carlo dahil tinawagan ito ng binata.
"Mahabang kwento p're, kaya nga ako napatawag kasi baka hindi pa rin ako makapasok."
"Ganoon na nga talaga. Malamang ay hindi ka pa talaga makakapasok. Pambihirang buhay na 'yan!"
"Okay na rin na nangyari 'to sa'kin, at least napatunayan ko kay Nala na mahal ko siyang talaga."
"Iyon na nga ang diyahe, napatunayan mo nga na mahal mo siya. Kamuntik ka naman matodas. Eh kung natuluyan ka, uod ang magpi-piyesta sa katawang lupa mo! Ni hindi ka pa yata nakatikim nang luto ng Diyos,"
"Tarantado, hahaha! Aray!" Natatawang sagot niya sa kaibigan.
"Sino kausap mo p're?" Usisa ni Aidan nang makalapit sa kaibigan.
"Sino pa nga ba kung hindi si Carlo, nasa ospital na naman ang buang dahil nagpakabayani." Natatawang sagot ni Steve.
"Kumusta ang lagay, pwede na ba ulit gripuhan?" Dagdag biro ni Aidan na rinig na rinig ni Carlo sa kabilang linya.
"Mga siraulo talaga kayo, sabi na nga ba't katakot-takot na pang-aasar na naman ang matitikman ko sa inyo!" Natatawa rin niyang sagot.
"Alangan naman kasing humagulhol kami rito ng iyak. Pambihira ka naman. Oh siya, magpahinga ka na't makabawi ng lakas. Kailangan mo ng bumalik sa trabaho, tagal mo nang natambay," ani Steve.
"Sige mga p're, narito na rin si Nala."
"Sige, ingat kayo riyan!"
Matapos mag-usap ay napapailing na lang si Steve. Naalala niya na naman kasi ang babaeng mataray na nakasagupa niya noong isang araw. Kung iyon siguro ang malalagay sa panganib ay itutulak niya pa ito para matuluyan. Bwiset na babae!
"Hello, good morning! Excuse me, pwede ko bang makausap si Steve?" Wika ng isang tinig sa kanyang likuran. Kaagad siyang lumingon pagkarinig sa pangalan ngunit halos mapamura siya nang mapagsino kung sinto ito.
"Ikaw?! Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?!" Suplado niyang sambit.
"Ang suplado mo naman! Narito ako para makipagbati, not to pick a fight." Ani ng babae na nakangisi. "I know I was rude the other day, please accept my sincere apologies." Dagdag nito.
"Apology? Ikaw? Seryoso?"
"Oo, I bake you some cookies. This is literally sweet, you'll gonna like it. Pangmumog sa bitterness mo."
"Aba! Napakagaling mo talaga 'no? Ako pa ang bitter? Ikaw itong pasmado ang bibig!"
"Sorry na nga eh! Hindi mo ba alam kung gaano ako nahirapang hanapin ka?" Nanlalaki ang mga matang sagot nito.
"Bakit? Who told you to look for me? Parang utang na loob ko pa na narito ka sa harapan ko?" Sarkastiko niyang sagot na sa ipinagtataka niya ay biglang bumunghalit ng tawa ang bruha. "Excuse me, what's funny?!"
"You are funny! I never thought there is someone like you na nag-eexist sa mundo," naluluhang sagot nito.
"Dapat hindi ka rito dumiretso, Miss. Dapat doon ka sa mental, umalis ka na, sinasayang mo oras ko."
"Okay, as you wish, I'll go now, see you around!" Ani ng dalaga sabay kindat sa kanya. Iniwanan nito ang isang box na naglalaman ng cookies na gawa nito.
"Tingnan mo 'tong babaeng 'to, ano akala niya sa'kin? Isang malaking joke?" Umuusok ang ilong na sabi niya. Hindi siya makapaniwala na may babaeng kayang magpakulo ng dugo niya nang ganoon na lamang.
Samantala, parehas sila ng nararamdaman ng dalaga. Hindi niya akalaing may lalaking kayang pumatol sa pang-aasar niya. Madalas kasi sa mga lalaking nakakatagpo niya ay nai-intimidate sa kanya sa unang strike pa lang. But this guy is different, it made her blood screams with excitement. Seems like she found her match all of the sudden, and it drives her crazy.
"Sino 'yon?" Ani Kian habang nakatingin sa papalayong babae.
"Demonyitang bumaba sa lupa para maghasik ng katakot-takot na delubyo."
"Grabe naman 'yang pag describe mo. Galit na galit ah!"
"Mild pa nga 'yan eh! Kung pwede lang latiguhin ko ng buntot ng pagi 'yan araw-araw ginawa ko na eh!"
"Pare, mukhang iba na 'yan ah! Ngayon ko lang nakita na kumulo ang dugo mo dahil sa babae."
"Kaya nga hindi ako mapakali eh, first time lang nangyari sa'kin na nilalaro-laro lang ako ng lukring na 'yan, kung hindi lang talaga 'yan babae, naku talaga!" Gigil na gigil na wika ni Steve habang kinukuyom ang mga kamao dala ng matinding inis.
"Para sa'yo ba 'to?" Ani Kian sabay turo ng cookies.
"Gusto mo ba?"
"Tikman na natin, wala naman sigurong lason o bubog 'to. Mukhang masarap eh!"
"Kainin mo kung gusto mo, wala akong pakialam diyan!" Supladong sagot niya. Kahit pa ang totoo ay mukha ngang nakakatakam ang luto ng dalaga.
"Oy, masarap!" ani Kian. "Tikman mo, wala naman lason dahil kung meron, nangisay na sana ako." aya nito.
"Talaga? Masarap?" aniya.
"Oo nga, masarap. Take a bite!" muling aya nito.
Kinalimutan na niya ang hiya at kaagad nga siyang dumampot ng isa at totoo ang sabi ng kaibigan. Her cookies tastes really good!
"Huwag mo ubusin 'yan, dahil para sa'kin 'yan!" awat ni Steve ng kukuha pa sana ng isa ang binata.
"Damot mo! Magkaka girlfriend din ako, at kapag ipinagluto niya ako, hindi rin kita bibigyan!"
"In your dreams," sagot niya sabay pasok sa loob ng station. Inilagay niya sa kanyang locker ang bigay ng dalaga dahil kaagad din silang tinawag ng kanilang propesyon.