If she was not mistaken, she was standing in her room for almost an hour. She couldn't believe what she just saw and she's still in awe on how did it happen. She clearly told her husband that she's not yet ready to have a new baby and now she might be carrying her second child. A baby is always a blessing pero ang plano niya ay after five years pa. She blink her eyes once again at maiiging tiningnan ang pregnancy test na hawak niya. It shows two lines that means she is indeed pregnant. Kakaisang taon pa lang ni Penny, Diyoskopo!
Kaya pala napapadalas ang pagiging tamad niya bumangon sa madaling araw. She become sensitive too. Mabilis rin bumaliktad ang sikmura niya lalo na kapag naaamoy ang pabango ni Jessie. Kaya naman pinakiusapan niya ito na bawasan ang pabango nito lalo na kung lalapit sa kanya.
"Thart, what took you so long? Tara na, mali-late ka na naman sa trabaho," ani Aidan kasabay ng magkakasunod na katok. "Thart, let's go." Muling wika nito.
She silently walk out the door without even looking at Aidan because she might lose her temper if she does.
"What's wrong?" Nagtatakang tanong nito.
"There is nothing wrong and I don't want to talk about it." Tipid niyang sagot. "Sasabay ako kay Jessie, let's go separate ways."
"I thought magpapahatid ka sa motor dahil ayaw mo kasama si Jessie?"
"I changed my mind. Alis na ako," malamig niyang tugon bago tuluyang umalis. Naiwan si Aidan na nagtataka sa inaasal ng misis kung bakit bigla na lang itong naging moody.
"Nag away ba kayong mag-asawa? Bakit nakasimangot 'yon?" Tanong ni Carmen.
"Hindi naman po kami nag-away, Inay. Baka masama lang ang gising, mauna na po ako... Kayo na muna ang bahala kay Penny," paalam niya sa ina bago humalik sa noo ng anak.
"Mag-iingat ka sa trabaho, anak. At kung ano man ang hindi ninyo pagkakaunawaan ni Emerson ay pag-usapan ninyo kaagad. Huwag mong hayaan na matulog ang asawa mo na may kinikimkim sa dibdib." Payo ng matanda.
"Opo, 'nay. Huwag po kayong mag-alala. Ako nang bahala, wala naman akong alam na ginawa kong kasalanan kaya baka masama lang talaga ang gising ni misis." Sagot niya sa ina. Kapagkakuwa'y umalis na rin siya para pumasok sa trabaho. Totoo naman ang sinabi niya sa ina, wala siyang maalala na pagkakamaling nagawa para simangutan siya ng kabiyak. Bibilhan na lang siguro niya ito ng bulaklak at tsokolate mamaya para suyuin.
"I think I'm pregnant again," diretsa niyang sabi kay Jessie pagkarating sa bahay nito.
"W-what?! You're expecting...again?!"
"I don't know, I told Aidan I wasn't ready yet. Nag-usap kami ng maayos, I made myself clear and I thought naiintindihan niya ako. I lose my guard when he promise me he will never do such thing unless I asked him."
"Naku, paano 'yan? Hindi ba't inoopen ulit ni Sir Niko, yung inaalok niya sa'yong posisyon abroad?"
"Oh God, I'm going crazy!" Aniya sabay sabunot sa sarili.
"What's your plan. Alangan namang ipatanggal mo 'yan. It's a big no!"
"Of course not! Wala sa isip ko na ipa-abort 'to. Dumating 'to unexpectedly, I am hurt in some ways, yes, pero never kong naisip ipatanggal 'to." Depensa niya.
"Mabuti naman, did he knows?"
"Nope. Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Naroon si Inay at ayaw kong gumawa ng eksena."
"This is really hard, halos kakabalik mo pa lang sa trabaho. And you're about to submit your piece 'di ba? Magiging busy din tayo in a few days dahil sa anniversary."
"I think my head is about to burst with anger. How could he do this to me. I was planning to grab the offer to work abroad sana. Kahit one year or two lang sana ako sa abroad kasi malaking tulong din 'yon sa'min." Naiinis niyang sabi. "And now my plans seems to halt again."
"Alam mo Emerson, huwag ka nang magalit diyan. Baka magtampo naman si baby sa loob ng tiyan mo. Ang mabuti pa, punta tayo sa ob-gyne mo mamayang uwian. Pa check-up ka to make sure na tama nga 'yung resulta ng test."
"I can't, nasa bahay si Inay. I have to hurry home para halinhinan siya sa pag-aalaga kay Penny at paghahanda ng hapunan."
"Then, what's your plan?"
"I don't know..." Aniya sabay kapa sa kanyang tiyan. Humingi siya ng pasensya sa buhay na unti-unting sumisibol sa kanyang sinapupunan dahil sa inasal niya.
"Let's put it this way, maybe he wasn't aware too, ganyan naman kapag nagla-lovemaking. Minsan hindi natin nako-control ang sarili. Maybe hindi rin alam ni Aidan."
"I am reminding him everytime para aware siya palagi."
"Or huwag muna tayong mag jump into a conclusion. You ask him first, kasi baka nagagalit ka na sa asawa mo tapos hindi niya rin pala alam." Suhestiyon ni Jessie.
"Sige. Tara na nga sa opisina. Mali-late na tayo. Ngayon pa naman tayo magsubmit ng gawa natin. Pasensiya ka na at naabala pa kita sa personal problem ko."
"Wala 'yon, ano ka ba? We're friends and I understand where are you coming from. This must be really hard for you to digest, but you have to collect your mind and think clearly. At the end of the day, it's a blessing to cherish."
"I know,"
Niyakap siya ng kaibigan at mahinang tinapik ang likod bago sila bumiyahe papunta sa kanilang opisina. Jessie was right. Kakausapin niya na lang si Aidan pag-uwi niya. Mas maiigi na marinig niya ang sagot o explanations straight from her husband.
"Is this your design?" Namamanghang wika ni Niko habang nakatingin sa gawa niya.
"Yes, Sir."
"How did you come up with this idea?"
"Well, I'm a mom.. a working mom to be exact. So, I came up with the idea of making this design a mom friendly design. We all know that our bags are made from leather. It might be pricey but with this design, I think it's worth it." Confident niyang sagot. Her design is almost the same with tote bags but hers is different. If you opened it you'll gonna see countless compartment on the side without sacrificing the volume of your things na pwede ilagay sa loob nito. Plus one separate purse and bottle holder, na pwedeng i-attached sa gilid ng bag or bitbitin na lang.
"Wow, this is great! Mostly kasi sa mga gawa natin ay pang single ladies. Mga maliliit at pang fashion na bags. This might be new sa company natin. And I'm confident na magugustuhan ito ng board." Ani Niko.
"Thank you so much, Sir. Ano man ang maging resulta ay handa ako. Actually, maraming magagaling ang designs na mula sa mga katrabaho ko." Aniya.
"I can see that, well, goodluck sa inyong lahat. May the best designs, wins!"
Yumukod siya ng bahagya bilang pasasalamat sa boss bago lumabas ng silid. Nakasalubong niya pa si Cora na papasok rin sa opisina ni Niko. Nginitian niya ito ngunit inirapan lamang siya ng dalaga.
"How rude," aniya habang patuloy na naglakad papalayo.
"Nakapag submit ka na ba?" Usisa ni Jessie.
"Yup, how about you?"
"Ibibigay ko rin pero mamaya na, may overtime ako eh."
"Ganoon ba? Kailangan mo ba ng tulong?"
"Naku, hindi na. Kaya ko na ito,"
"Sure ka ha?"
"Uh-hmm!" Sagot ng kaibigan habang patuloy pa rin ito sa pagtipa sa computer nito.
Ilang oras pa ang lumipas bago ang uwian at bagot na bagot na siya. Nagdesisyon na lang siyang pumunta sa rooftop ng opisina nila para magpahangin. Tapos na rin naman kasi siya sa trabaho kaya wala na siyang gaanong gagawin. Pagdating niya sa rooftop ay hindi sinasadyang maulinigan niya ang dalawang taong nag-uusap ng masinsinan. Sa mga narinig ay natutop na lang niya ang bibig sa gulat.
"Flowers and chocolates for my topaking misis," nakangiting bungad sa kanya ng asawa. Mas nauna pa itong nakauwi sa kanya at nakapagluto na rin ito. Nagpapahinga na raw si Penny kasama ang lola sa kwarto.
"We need to talk." Seryosong sagot niya sa asawa without even looking at her presents.
"Why so serious? Am I in trouble?" Inosenteng tanong ng asawa.
"Depende sa isasagot mo,"
"What's wrong?"
Imbes na sumagot sa asawa ay hinugot niya mula sa bag ang pregnancy test niya at iniabot rito.
"Are you pregnant?" Excited nitong sabi.
"Why do you look excited rather than surprise? Did you intentionally made me pregnant?"
"Of course, I'm excited! We're going to have a baby again!" Bakas sa kasiyahan ang mukha ng asawa kaya lalo siyang naasar dito.
"Didn't I made myself clear na huwag muna ngayon? I told you hindi pa ako ready na magbuntis ulit, hindi ba?" Napipikang sabi niya.
"Why do you look so pissed? Aren't you happy we're gonna be four?" Nagtatakang sagot ng asawa.
"Aidan, I am asking you. Did you do this without thinking about my request? I told you saka na hindi ba?"
"Thart, we're supposed to be celebrating! Bakit ka ba nagagalit? What if sinadya ko nga, what will you do?"
"Then, you proved me that you can never be trusted. Pinagkatiwalaan kita kasi akala ko, kaya mong irespeto ang desisyon ko but I was so dumb because I was so wrong para makampante." Gigil niyang sabi sa asawa. Iniwanan niya na ito sa terasa at pumasok na sa loob. Nagpalit lang siya ng damit at nagtalukbong na kaagad ng kumot upang matulog. She lost her appetite by just looking at her husband's face. Nakakagigil. Gusto niya itong lamukusin sa sobrang inis.
Sinubukan pa siyang suyuin ng asawa para makakain ng hapunan ngunit nagmatigas siya. She wanted him to know na nagtatampo siya rito.