"Sambakol yata ang mukha natin diyan,p're. May lover's quarrel ba kayo ni misis?" Untag ni Steve sa kanya. Nasa trabaho na siya at hindi pa rin siya mapalagay sa ginagawang pagpaparusa sa kanya ng asawa.
"Buntis siya ulit, ayun, nagagalit sa'kin dahil hindi pa raw siya ready na magbuntis tapos binuntis ko na naman. Ayaw akong kausapin, para lang akong hangin na dumadaan-daan lang sa kanya. Ni hindi nga ako tapunan ng tingin eh."
"Eh 'di ba ganyan ang mga buntis? Hindi maintindihan ang mood dahil sa hormones? Baka naman pinaglilihian ka kaya nagsusuplada sa'yo?"
"Hindi ko alam pare, ni hindi na nga tumabi sa'kin. Mantakin mong maglalagay ng sandamakmak na unan sa gitna para lang hindi magkadaiti balat namin dahil ang baho ko raw."
"Positive nga 'yan pare, ikaw ang pinaglilihian ni misis!"
"So, ibig sabihin ganyan siya hangga't hindi natatapos paglilihi?"
"Siguro p're, kaya pagpasensiyahan mo na lang hangga't maaari. Hindi rin naman madali ang pinagdadaanan ng mga buntis." Payo sa kanya ng kaibigan na agad din naman niyang sinang-ayunan dahil tama rin naman ito.
"Sana lang magkabati rin kami kaagad dahil hindi ako sanay na nagagalit sa'kin 'yon. Kung bakit ba naman kasi nagpabaya ako eh."
"Imbes na magsisihan kayo, suportahan na lang ninyo ang isa't-isa dahil hindi naman sumpa ang pagkakaroon ulit ng anghel sa buhay ninyo. Mag intindihan na lang kayo mas maiigi pa, dahil baka mapaano pa yung bata."
"Salamat p're, hayaan mo at gagawin ko 'yang mga payo mo." Aniya sa kaibigan. Susuyuin na lang niya nang susuyuin ang asawa hanggang sa lumambot muli ang puso nito sa kanya. Hindi naman talaga niya sinasadya na mabuntis ito, sadyang hindi lang niya nahugot kaagad noong minsang pumayag itong magsiping sila.
"What's your plan with Suzy?" Tanong ni Nala kay Carlo. Pauwi na sila ng bahay ng huli kaya naman tinatanong na niya ito.
"She's still in jail, right?"
"I think so, magsasampa ka ba ng kaso o magpapa-areglo ka? She's dangerous, Carlo. There is no assurance na hindi na siya uulit pa. Hindi siya nagtagumpay sa una, paano kung mag succeed na siya sa sunod?"
"I understand what you mean, Nala. And don't worry, dahil hindi ko iuurong ang kaso hanggang sa tuluyan siyang makulong."
"I still worry na matakasan niya ang batas, ayon sa balitang natanggap ko, she's acting strange. I think she's gonna use her mental illness as her trumping card."
"If I have to do it again, I will. Just to make sure you're safe and sound. I promise to protect you with all my life, Nala..." Masuyong anas ni Carlo bago ginagap ang mga kamay ng dalaga at ikinulong sa mga palad nito. "I love you to death, swear to God."
"Ikaw talaga, nagpapaka romantiko ka na naman eh kamuntikan ka na nga bawian ng buhay diyan. Hindi naman kailangan ng death-defying act para maipanalo mo ang puso ko eh,"
"A-anong ibig mong sabihin?"
"I think-"
"You think what?" Excited na tanong nito.
"I think, I am slowly falling inlove with you, too..." Tila nahihiyang sabi niya habang nakayuko. Ngunit hinawakan ng binata ang baba niya at masuyong tinitigan sa mga mata.
"Those are the sweetest words, I am blessed to hear from you, Nala..." Ani ng binata sa kanya. "And I won't get tired hearing it during my lifetime."
"Talaga?"
"Of course! So, tayo na ba?"
"Paano ba? Anong gagawin?" nagugulumihan niyang tanong.
"Tayo na, meaning you're officially my girl. Wala nang bawian, let's sealed it,"
"Sealed with what?" inosenteng tanong niya. Hindi na sumagot pa ang binata kundi masuyo siya nitong kinabig at hinalikan sa labi.
"With a kiss." ani ng binata. "Now, you're mine..."
Hindi na nakapagsalita ang dalaga sa bilis ng pangyayari. Buti na lang at pumasok na sa loob si Obet kaya bigla siyang nakaiwas sa kasweetan ng kapatid nito.
"Uuwi na daw po tayo Kuya Caloy?" inosenteng tanong ng bata sa kapatid.
"Oo, Obet, uuwi na tayo. Kasama na natin pag-uwi si Ate Nala mo."
"Talaga po?"
"Until he's okay. Hindi ako titira sa inyo. Pupunta-punta lang ako para alagaan siya."
"Yehey! Thank you, Ate! Ikaw kasi Kuya Caloy, dapat pakasalan mo na si Ate para sa bahay na siya titira."
"Soon, Obet..." ani ng binata habang nakangiti sa namumulang dalaga.
"Huwag ni'yo nga akong pagkaisahang magkapatid, sige kayo. Hindi ako sasama pag-uwi!" kunwaring panakot niya sa dalawa na kapwa nanahimik.
"Ganyan nga, dapat hindi ninyo ako inaapi." nakangising sambit niya sa dalawa na nagkatinginan na lamang.
Bandang hapon na silang nakauwi ng bahay ng magkapatid, kaya naman tinulungan niya na ang mga ito sa kakainin nila. Pinalitan na rin niya ng gasa at bagong benda ang sugat ng binata. Pagkatapos nitong makainom ng gamot ay nagpaalam na rin siyang uuwi para makapagpahinga na rin. Kailangan rin niyang pumasok sa trabaho kinabukasan dahil ayaw naman niyang lumiban.
Labis ang pasasalamat ni Carlo sa kanya na sinuklian niya lamang ng isang matamis na ngiti.
"Hey, lover boy!" ani ng isang tinig babae sa gilid niya. Kakaparada niya pa lang ng owner-type jeep niya sa gate ng bahay nang makarinig niya ito. Kaagad siyang bumaling para tingnan ang babae ngunit nagsalubong lamang ang kilay niya ng makilala ito.
"Anong ginagawa mo rito?!"
"Ganyan ba ang pagbungad mo sa bisita mo, Steve?"
"Bwisita ka, huwag kang ambisyosa na bisita kang talaga,"
"Ouch! that hurts!"
"Kaya umuwi ka na, yung cookies mo hindi masarap!"
"So, kinain mo?"
"Hindi, pinakain ko sa pusa. Hindi niya kinain, kaya hindi masarap!"
"Hahaha, you're cute! Para kang bata!"
"Teka nga muna, no bang ginagawa mo rito? Paano ko nalaman 'tong bahay ko? Stalker ka 'noh?"
"Hala siya, ano ka artista para i-stalk?"
"Eh bakit ka nga nandito? Para mang inis?"
"Para mag-sorry ng pormal. I'm sorry, I didn't meant what I've said that day. I hope you can find forgiveness in your heart at sana ay maging okay tayo."
"Himala at bumait ka yata?"
"Mabait naman talaga ako,"
"Sige na, pinapatawad na kita. Pwede ka na umalis at baka hindi pa ako makakain ng hapunan dahil sa'yo."
"Tamang-tama, I brought sushi, we can eat together. Let's go inside!" wika ng babae sabay hawak sa kamay niya at ito na mismo humila sa kanya papasok ng bahay. Sa kabilang kamay nito ay ang box ng pagkain na dala para sa kanya.