CH:25

1770 Words
"What do you think you're doing? Masyado ka naman yatang feeling close, I don't even know your name. Tapos you invited yourself in, here at my house as if we're friends," nababaghang tanong niya sa dalaga habang inilalatag ninto sa lamesa ang mga pagkaing dala nito. "For me you're my friend, I see nothing wrong with that." sagot nito. "So, kapag estranghero ang pupunta sa bahay mo, magnanakaw. Pero kapag ikaw ang pupunta sa bahay ng iba, ang tawag mo sa sarili mo ay kaibigan? You're not my friend, cut it off!" angil niya. "I'm Ariella, Ari for short. And you are Steve, right? Ngayong magkakilala na tayo. Pwede na ba tayong kumain because I am super hungry to the bones right now." anito habang sapo ang tiyan. "I don't know what's your hidden agenda, but I hope this would be the last na pupunta ka rito." aniya. "Why is that?" "Anong why is that? You are not welcome here, gets mo? Maghanap ka ng ibang uutuin mo, okay?" "Sakit mo namang magsalita, nakikipagbati na nga sa'yo ayaw mo pa," "Bakit anong akala mo sa mga tao sa paligid mo, isang sorry mo lang limot na ng buong mundo ang ginawa mo? Walang ganoon 'oy! Walang taong handang lumimot kapag puso na ang kinurot!" maktol niya. Pero kahit anong pagsusuplado niya ay nagmistulang pipi at bulag ang dalaga. Sa halip ay para pa itong nag-eenjoy sa panonood sa kanya. Sa lahat ng babaeng nakilala niya ay ito ang parang timang dahil sa lakas ng saltik nito. "Since ayaw mong tanggapin ang sorry ko, ano ang dapat kong gawin para maniwala ka na sincere ako?" hamon ng dalaga. "Huwag mo akong hahamunin, baka hindi mo alam ang topak ko, mapasubo ka." "Tell me and I'll do it." pinal na sabi ng dalaga sa kanya. At dahil mapilit ito sa gustong gawin ay nakaisip siya ng paraan para parusahan ito. Isang bagay na madali sa iilan, ewan niya lang sa dalagang ito na mukhang mayaman. "Don't tell me na hindi kita binalaan," nakangising sagot niya sa dalaga. "I'm on for challenges, it makes me excited and feel alive. You can never scare me with that smirk," palaban na sagot nito. "By the way, I'm really starving, can we eat now?" "Okay, let's eat and affter this, umuwi ka na. Bumalik ka sa weekend, which is the day after tomorrow. You want challenges, right? I'll give you one!" aniya sa dalaga sabay subo sa salmon na isinawsaw niya sa toyo na may wasabi. Muntik pa niyang maibuga sa dalaga dahil kamuntik pa siyang masamid dahil sa sipa ng wasabi sa kanyang ilong. Putragis na anghang, umabot yata sa pinakasulok-sulukan ng ilong niya yung tama. Samantala, lahat naman ay kinakabahan sa nalalapit na deadline ng designs ng mga emoleyado ng kanilang kumpanya. "The board has finally come up with a plan na lahat ng gawa ninyo ay ididisplay sa meeting mamaya. Lahat ng kalahok ay maaring manood para makita ng live ang pagpili ng winner." ani ng isang tinig na nagmumula sa speaker. Dinig nila itong lahat at hindi maitatanggi na lahat ay excited sa magiging resulta ng pagpili. "May the best designer wins, I'm sure na ako ang mananalo." ani Cora nang mapadaan ito sa desk nila ni Jessie. "How did you know and why you are so sure na ikaw ang mananalo?" ani Jessie. "Well, I just know. We're on the business world and I'm sure my design fits our category. Not only that, I am confident enough that I can bring the beacon tonight, kaya ngayon pa lang huwag na kayong umasa." mayabang nitong sabi. "Nakakatawa ka naman, nagbilang ka na kaagad ng sisiw, hindi pa nga napipisa ang itlog. Baka magsisi ka kapag ibang resulta ang lumabas. Alam mo regret is the worst pain you'll ever experience, kasi wala na remedyo do'n. If I were you ititikom ko na lang ang bibig ko until masiguro ko na ako ang winner. Kasi nakakahiya, nagyayabang ka na kaagad dito." ani Jessie. "Let her be. Kung 'yan ang makakapagpasaya sa kanya, ibalato mo na lang, Jessie. Magtrabaho na lang tayo nang maayos." saway niya sa kaibigan. Wala siyang balak makipagtalo kay Cora. She's no match with her craziness. At ayaw rin niyang maging kamukha ng anak niya ang malditang katrabaho. "That's right, no when to bow down your head to recognize defeat." Ani Cora bago sila tuluyang iniwan. Napapailing na lang siya sa ginawa ng katrabaho. May kaunting awa siyang nararamdaman para dito dahil sa nalaman niya. Pero minsan we have to accept that there is always a prize for everything. That day when she was in the rooftop, she heard that Niko is threatening Cora to back down because he discovered that she stole her designs. But Cora seems more furious than Niko and she thought that made everything a mess. Kaya ayaw na niyang makipagtalo pa rito, ang mahalaga their bosses knows what she did at hihintayin na lang nila na ang mismong kompanya ang mag handle ng ginawa nito. "By the way, did you asked Aidan about your surprise pregnancy?" Tanong ni Jessie. "Seems like he loves it. He was overwhelmed with joy when he heard I am pregnant again," "Did he intentionally did it?" "I could never tell, hindi niya tahasang sinabi. But he was grounded, I never let him touch me or come near me. Let him know that it is not a better idea on breaking the promises and destroying my trust. I might forbid him from having s*x with me." "That's a big word, amiga! Are you sure about that?" "I don't know, yes, maybe? Never mind... Naisip ko narito na rin ito kaya yakapin ko na lang. Makikipagbati naman ako sa kanya but not now." "A pregnant woman's hormones is amazing! I think your behaviour has something to do with your pregnancy. I hope he understands you pretty well." "Thanks God if he does, Thanks again if he doesn't, at this moment, I don't really give a damn." "Kalma, amiga. Tara sa cafeteria! Ikain ang inis na nararamdaman, nabusog ka na, natuwa ka pa!" Ani Jessie. Hinila na siya nito papunta sa cafeteria at nagpaubaya na lang siya sa kaibigan. Naabutan niya pa roon si Niko na kumakain ng cake. Hindi na sila tumabi rito para makaiwas sa tsismis lalo at may competition sa mga empleyado. "Hey, ladies! Later na ang pagpili sa ating lucky winner. After ninyong kumain you guys can come sa conference room." Ani Niko pagdaan sa table nila na sinagot lang nila ng ngiti at tango bilang pag sang-ayon. "Goodluck sa'tin amiga! Masaya na ako kung isa sa'ting dalawa ang mapipili." ani Jessie sa kanya. "Oo nga, pero whoever wins, I know deserving 'yon." "Yes, tapos ka na ba? Tara na!" excited na aya ni Jessie sa kanya. Pagdating nila doon ay namataan agad nila si Cora na kausap ni Niko at waring nagtatalo ang dalawa. Hindi na lang nila pinansin ang mga ito at tumayo malayo sa kinaroroonan ng dalawa. Nagsidatingan na rin ang ibang board members at sa ilang saglit pa ay nakaflash na sa malaking monitor ang designs ng mga empleyado. Hindi na siya nagulat nang makita ang una niyang design under Cora's name. "Amiga, hindi ba sa'yo 'yan?" bulong ni Jessie. Nakilala nito ang unang gawa niya. "Yes, that's mine. Never mind." "Ang gaga talagang 'yan, ang lakas ng loob mang angkin ng hindi kanya. Balatan ko 'yan ng buhay mamaya, makita mo!" ani Jessie. "Relax, let the karma do the works," aniya sabay kindat sa kaibigan. "Whatever, sabi ko sa'yo masansang amoy ng burikat na 'yan eh. Kitam, hindi ako nagkamali!" "Hahaha! Relax, Breathe... Naniniwala ako na bibigyan ako ng justice ng company natin." aniya sa kaibigan. Nang matapos ang presentation ay nagsimula na ang botohan. Nangunguna ang gawa niya at napakasaya niya ng makasali ang gawa ni Jessie sa sampung napili ng board members. Hindi lang pala isa ang pipiliin ng kompanya kung hindi ay sampu. Labis ang tuwa nila ni Jessie nang makasama silang dalawa. Ang nanalo ay sobra ring ganda na pwedeng ikumpara sa ibang leading brands sa ating bansa. "Bakit hindi kasali ang design ko? Maganda rin ang gawa ko hindi ba? Bakit hindi ninyo napili, mga bias kayo!" sigaw ni Cora. She is in total panic as she was being escorted away from the conference room. "Let go of me! Niko, how dare you play with me! Ang sabi mo ay pipiliin mo ang gawa ko!" "Let go of her!" maawtoridad na sambit ni Niko. "He stood still as he is giving her a wry look. "Bias? How dare you say that to us! Coming from a thief like you? Let me show you, why you didn't win. You stole somebody else's design! And yet, you have the audacity to tell us you are being wronged?!" "Are you trying to accuse me with something I never done?!" "Let the evidence speak for itself." ani Niko. Sinenyasan nito ang nag-aasikaso ng monitor. Ilang segundo lang ang lumipas at naka flash na sa monitor ang palihim na pagkuha ni Cora ng folder niya sa kani'yang desk. "Now, tell us. Do we wronged you?" ani Niko. Natulala ang dalaga at hindi makahuma sa pagka sindak. Hindi niya sukat akalain na may makikitang butas sa kanya si Niko. "It's not true. That evidence might be fabricated to tarnish my name!" "Tarnish your name? I beg your pardon?" "Huwag kang magmalinis, malaki ang kasalanan mo sa'kin!" gigil na sigaw ni Cora sa amo. "Pagbabayarin kita ng mahal, Niko! Akala mo mapapatalsik mo ako ng ganito kadali? You're wrong!" "Drag her out from my company. Let our legal team handle this matter," ani Niko. Wala nang nagawa ang dalaga ng tulyan siyang kaladkarin ng mga guard ng kumpanya. Nagkatinginan sila ni Jessie dahil sa nangyari. "Buti nga sa kanya, ganyan ang napapala ng mga taong maiitim ang budhi." Napabuntong-hininga na lang siya habang pinapanood ang dalaga papalayo. Mamaya ay tumingin siya kay Niko at nagpasalamat maging sa mga board members. Her hardwork really pays off. And she is grateful for how everything turned to be. "This calls for a celebration!" galak na baling sa kanya ni Cora. "May bagong open na club diyan sa kabilang kanto, we can go there!" biglang yakag ni Jessie. Binatukan niya ito ng mahina dahil nakakalimutan ata nito na buntis siya. "Sa bahay na lang tayo mag celebrate," suhestiyon niya sa kaibigan. Dinampot niya ang cellphone para tawagan ang asawa para ibalita rito ang tagumpay niya ngunit bigla rin siyang natigilan. Oo nga pala, they're not in good terms, yet. Saka na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD