CH:26

1535 Words
"Excuse me, you've gotta be kidding me!" Nanlalaki ang mga matang sambit ni Ari pagkakita sa likod ng kanyang bahay kung saan mayroon siyang mini-farm. Nag-aalaga siya ng ilang pirasong berkshire native pigs na nabili niya pa sa bansang Malaysia. "I'm sure, not!" "Oh my God! Is this kind of brutal punishment?!" Nanlalaki pa rin ang mga mata ng dalaga na hindi makapaniwala sa nakikita. "Don't you know, I'm scared with animals? Just ask me to sweep the entire Manila area, but, please, I beg you! Not pigs, not chicken and ducks, and definitely not with cows and carabao, do you want me to die with heart attack?!" Eksaheradong tanong ng dalaga. Sa kanyang mini-farm ay malayang nakakagala ang kanyang organic free range pigs at iba pang mga hayop. "How can you die when I just asked you to feed my lovely pigs? You just need to hand them over the madre de agua and you're good to go. For the chickens, it's much easier because all you have to do is to pick up their eggs and collect it in the basket. As for the cows, they can eat grass by themselves so no need to worry as long as they're not exposed from the scorching sun." "Oh my bleeding heart!" Maluha-luhang sambit ng dalaga. Sa tingin niya ay hindi nagbibiro ang dalaga na takot ito sa mga hayop. But this is what she has to do to pay him back. Hindi rin naman niya ito pababayaan dahil hindi niya ito iiwanan mag-isa. He will guide her throughout the day. "You have to learn how to do this, para alam mo at makita mo ang beauty ng organic farming. This is not your comfort zone and that makes sense. Every once in a while, you have to step out from your bubble to explore the other thing called other side of the world that you were not expose before." Nagmamaktol man ang dalaga ngunit sinubukan pa rin nitong gawin ang gusto niya, bagay na ikinatuwa niya nang bahagya. Kahit abot langit ang tili nito nang dumugin ng mga baboy. "Take it easy, they're not carnivore they won't eat you alive." nakangising sabi niya sa dalaga Sa inis ay hinampas siya nito ng sanga ng madre de agua. "Don't laugh at me, you brute!" pagtataray na naman ng dalaga. And surprisingly, he's not even upset. "Cut the talking, keep moving." aniya sabay nguso sa nakatambak na pagkain ng mga baboy. Nagdadabog man ay nagawa pa rin nito ang task na ibinigay niya. "Gosh, I'm so tired. I can't believe I did this to myself. What a torture!" "How was the experience, do you think babalik ka pa para gawin 'to ulit?" Tanong niya sabay abot sa fresh buko na sinungkit niya kani-kanina lamang. She really worked hard and she deserves a reward. "Never! Once is enough. I couldn't live in a nightmare again, you jerk!" "Oy, bad words 'yan, ineng!" Saway niya ngunit pinandilatan lang din siya ng dalaga. Para itong nagmamaktol habang nilalantakan ang buko juice nito. "Once you're done with the juice, please tell me of you want to eat the cocunut meat." "I'm done, it's so refreshing! Cut it open, please," Kinuha niya ang itak at biniyak ang buko para makain nito ang laman. Hindi naman mahirap kayurin dahil mala-uhog pa ito. "How does it taste?" Tanong niya. "Good. I think, I'm full." Sagot nito. "Okay, grab some rest. Mamaya kaunti, punta tayo sa bandang baba. I'll show you something that maybe you'll gonna love." Aniya sa dalaga. Itinuro niya rito ang duyan na nakakabit sa puno ng mangga para doon ito pansamantalang mahiga. Hinayaan niyang makaidlip ang dalaga hanggang sa hindi na masyadong masakit ang init ng araw, inaya niya ito sa bandang baba ng kanyang farm kung saan naroon ang maliit na bukal na binungkal niya ng bahagya para lumawak ito at magkorteng manmade swimming pool. Presko ang tubig roon at napakalinaw dahil galing ito sa bukal. "Wow! What a piece of heaven on earth! Can I swim there?" Tanong ng dalaga. "Of course, you can! Presko ang tubig diyan lalo sa umaga. Pero since pahapon na, medyo maligamgam na 'yan dahil nababad sa init ng araw. Do you need something to wear?" Tanong niya. May mga maluwang siyang tshirt sa bahay na pwede nito magamit sa pag ligo. "No need. I think I can manage." Ani ng dalaga. Wala itong pasabi na hinubad ang suot na damit at itinira lamang ang suot nitong underwear. Ni hindi ito nahiya o nag dalawang-isip kahit lalaki siya at sila lamang ang naroon. "Umayos ka nga! Ni walang warning ah!" Reklamo niya habang nakatalikod dito. "Why? What? Hindi ka pa ba nakakita ng babaeng naka two-piece?!" "Never mind! Maglunoy ka hangga't gusto mo. Bumalik ka na lang sa bahay kapag tapos ka na." Aniya sa dalaga kasabay ng pag alis niya papalayo rito. Hindi niya kayang makita na nakabuyangyang sa harapan niya ang seksing katawan nito. Kahit ano pang sabihin ng dalaga ay lalaki pa rin siya and his body reacts differently. "Damn!" Bulalas niya. Dumiretso siya sa banyo at naligo rin para mahimasmasan at mawala ang init na nararamdaman. "I'm good. Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ng dalaga. Tapos na itong maglunoy sa bukal at nakapagpalit na rin ng suot na damit. "Hatid na kita," alok niya. "No need. I can still drive my car." Tanggi nito. "Are you sure? Baka mamaya sabihin mo hindi ako maginoo kapag hinayaan kita umuwing mag-isa." "Silly!" Sagot ng dalaga. Kinuha na nito ang gamit habang nagmamadaling umuwi. Hinayaan niya na lang ito para makapagpahinga na rin siya ng maaga. Isang malakas na buntong-hininga ang ginawa ni Aidan habang nakatitig sa nakatalikod na misis. Hindi pa rin ito nakikipag-usap sa kanya at talaga namang hirap na siya. Ilang araw na kasi silang hindi nagpapansinan kaya iniuwi muna ni Cora si Penny sa Taytay para doon muna maglagi. Umaasa ang ina na magkakabati silang dalawa kapag nasolo na nila ang bahay. "Thart... Sorry na oh! Bati na tayo, please!" Ani sa kabiyak. Batid niyang gising pa ito dahil kakahiga lang nito sa tabi niya. "Sleep early." Maigsing sagot nito. "Ilang araw na tayong ganito, baka pwede na nating ayusin 'to. Hindi ko naman talaga sinasadya 'yon eh..." Pagsusumamo niya. "Patawarin mo na ako, hirap na hirap na ako sa ilang araw na hindi mo pagkausap sa'kin namimiss na kita, thart..." Aniya. Nakakabinging katahimikan ang sunod na tagpo at halos paghinga na lang nila ang naririnig niya. "I'm sorry..." Ani Emerson. "I'm sorry din, hindi ko sinasadya. Sa susunod mag-iingat na ako...Pangako 'yan." Bumaling sa kanya ang asawa at pinakatitigan siya sa mata. "Natatakot ako na baka hindi natin makaya ang magkaroon ng sunod-sunod na anak. Maliit pa si Penny and you know how much we're struggling. Iyon lang naman ang worries ko na pilit kong pinapaintindi sa'yo..." "Nauunawaan ko na ang gusto mong iparating sa akin, pasensiya ka na kung nabuntis kita ng wala sa plano. Pero sana huwag ka nang magalit. Baka magtampo ang baby sa loob at isipin niyang ayaw natin sa kanya." "Sino ba me sabing ayaw natin sa kanya? Hindi lang pasok sa timing, pero hindi ko naman siya inaayawan. Dugo at laman ko rin ito... May kasalanan rin ako kasi hinayaan kitang makipagtalik sa akin kahit alam kong fertile ako." Amin ng asawa. "Bati na tayo ha, huwag na tayong mag-aaway, please!" sumamo niya. "Halika nga rito," ani Emerson. Mabilis niyang tinanggal ang harang sa pagitan nila at mahigpit na niyakap ang malambot at mabangong asawa. "I miss you so much!" aniya habang hinahalik-halikan ang buhok nito. "May good news rin ako sa'yo," "Ano 'yun?" "Isa sa mga design namin ni Jessie ang napili na mai-feature ng company." "Talaga? That's great! Ang galing naman ng asawa ko, nakakaproud!" "At alam mo ba na inaalok rin ako ni Sir Niko na magtrabaho abroad? May branch kasi kami sa Singapore at naghahanap sila ng empleyado na pwedeng idispatch doon at ako sana ang napili nila. Kaso hindi pwede sa ngayon dahil buntis ulit ako," ani ng asawa sa tinig na may bahid ng panghihinayang. Kaya ba ito nagagalit sa kanya dahil hindi ito natuloy sa balak na pag-alis? "Gusto mo bang mag abroad sana?" mahinang tanong niya. Kabado siya sa isasagot ng asawa. Nakakaraos naman sila sa pang araw-araw kaya sa tingin niya ay hindi naman nito kailangang mangibang-bansa pa. "Sana... pero hayaan mo na, hindi siguro para sa akin 'yon." anito. "Matulog na tayo at bawal sa akin ang magpuyat, goodnight!" "Goodnight," sagot niya. Nauwi siya sa malalim na pag-iisip habang tulog ang kabiyak. Pakiramdam niya ay hindi siya sapat kaya nangangarap pa ang asawa na i-grab ang trabaho sa abroad. Bilang isang lalaki ay malakas na kurot ito sa kanyang puso. Is he a failure as a provider? Is he not enough? Kaya ba ayaw na muna magbuntis ng asawa dahil hirap na ito sa piling niya? Sa sobrang lalim ng pag-iisip niya ay hindi na niya napansin na tumutulo na pala ang mga luha niya. From that moment, he felt strange. It seems like a part of him awakens. A part of him that no one wants to have--- Insecurities.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD