Kabado siya habang papunta sila ni Carlo sa presinto para dalawin si Suzy. Ang sabi ng pulis ay lumalala raw ang sitwasyon nito dahil nagiging bayolente na ito lalo. Nagagawa na rin ng dalagang saktan ang sarili kaya naman inilayo na ito sa ibang preso dahil sa takot na makapanakit pa ito ng iba. Pagdating nila ay iginiya sila ng pulis sa kulungan kung saan naroon mag-isa ang dalaga. Nakaramdam sila ng habag nang makita na nakatali na ito sa magkabilaang kamay. Gusot at punit na ang suot na damit at nakalugay na ang mahaba nitong buhok na hindi na yata nadadaanan ng suklay. Nanlilisik ang mga mata nito at halos hindi maka focus sa iisang direksyon ang tingin. Panay ito linga na waring may hinahanap habang nagsasalita. Hindi na sila hinayaang lumapit pa sa dalaga sapagkat hindi na rin sila nito makikilala pa.
"She's getting worse, what's your plans?" tanong niya sa binata. Nakatitig siya sa nobyo habang ang una ay nakatitig naman sa dating kaibigan.
"I honestly don't know what to do, I felt sorry for her kasi kung hindi naman niya ako minahal. Hindi mangyayari sa kanya ito. There is a part of me na sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanya. But there is also a part of me na may galit because of what she did. I won't mind if she stabbed me before. What I just can't stand is the thought na it was you who she was planning to kill."
"If you want to withdraw the case, for the time being, I won't stop you. You just have to promise na sa mental hospital siya didiretso para magpamot. You can pursue the case once she's okay, what do you think? Hindi naman siguro siya tatakas sa mental facility para balikan tayo, just like in the movies." aniya.
"Really? Are you sure? You're willing not to pursue the case now?"
"Ikaw na rin ang maysabi, we are the reason why she snapped. I think we should take the responsibility too. Isa pa, kahit naman ituloy natin ang kaso ay matatalo rin tayo because the judge will question her insanity. We have no choice but to take the only option we have as of this moment." paliwanag niya.
"I guess, you're right." sang ayon ng binata.
"Does she have family or close relatives?"
"Nope, she was adopted when I met her before. Unfortunately her adopted mother died few years ago. Hindi rin naman niya kasundo ang kamag-anak ng umampon sa kanya. She will gonna fight this fate all by herself."
"What a pity, she has a bright future if none of this didn't happen,"
"Tara na? Asikasuhin na natin ang dapat asikasuhin para malipat na siya sa mental facility. Baka naghihintay na rin si Obet sa bahay. Buti na lang at pwede na siyang naiiwanan panandalian." yakag sa kanya ng nobyo. Magkahawak-kamay silang lumayo habang si Suzy naman ay nag ngangalit ang mga bagang habang nakatitig sa magkasintahan. Kung nakikita lang nila kung paano ito tumitig ay nakakasigurado silang matatakot sila ng husto. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit at kung nakakamatay lamang ito ay tiyak nilang kanina pa sila namaalam.
"Ate Nala, dito ka na po sa bahay matulog mamaya ha." hiling ni Obet.
"Ha? Bakit naman?" gulat niyang tanong.
"Natatakot po kasi ako, kagabi napanaginipan ko si Ate Suzy, pumunta raw siya sa bahay para saktan ulit si Kuya Caloy ko," naluluhang sagot ng paslit. Napatitig siya sa binata na wari'y naaawa rin sa kapatid.
"Papayag ako kung tabi tayong dalawa, gusto mo ba?"
"Opo, ate! Payag po ako, malaki po ang higaan ko kasi malikot ako matulog eh, kasya tayong dalawa roon."
"Iyon naman pala eh, sige, payag ako!" sagot siya sa paslit sabay kurot ng marahan sa pisngi nito.
"Parang gusto kong magselos ah! Ako 'yong boyfriend pero ikaw ang katabi ni Ate Nala mo, naunahan mo pa ako Obet ah!" kunwaring sambit ni Carlo.
"Tumigil ka riyan, hindi rin ako tatabi sa'yo kung sakali." nakaingos niyang sabi sa kasintahan. "Ayusin na ninyo ang higaan habang nagluluto ako," utos niya sa dalawang magkapatid.
Alas nuebe na ng gabi at tahimik na ang buong paligid, tulog na rin si Obet sa tabi niya habang nasa kabilang kwarto naman si Carlo. Hindi niya alam kung gising pa ito sapagkat ang tahimik nito sa loob. Nilinga niya ang bata sa kanyang tabi at masuyong hinawi ang buhok na nakatabinig sa maliit nitong mukha. Napakabata pa ni Obet para maranasan ang ganoong trauma. Buti na lamang at may Carlo ito na palaging nasa tabi. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng kaluskos sa labas ng pintuan kaya maingat siyang tumayo para kilalanin kung sino ang nasa labas. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat ng makita ang nakahubad na katawan ni Carlo habang umiinom ng tubig sa baso. Sa wari niya ay nauhaw ito kaya nagtungo sa kusina ngunit hindi niya maintindihan kung bakit naka boxer short lang ito ng maiksi gayong alam nito na naroon siya. Tinutukso ba siya ng nobyo?
"Hindi ka ba makatulog?" kalmadong tanong ng binata habang hinahaplos nito ang medyo mabalahibo nitong dibdib habang nakatitig sa kanya.
"Ahm, yeah! I heard a noise kaya lumabas ako to check it out. Ikaw lang pala, sige balik na ako sa kwarto." aniya kasabay ng magkasunod na paglunok ng laway. Patalikod pa lang siya ngunit malalaki ang mga hakbang na nakalapit sa kanya ang binata at marahan siyang sinandal sa pader. Ang isang braso nito ay nakayapos sa kanyang baywang at ang isa naman ay hawak ang magkabilaan niyang kamay.
"W-what are y-ou d-oing?" kandautal niyang tanong. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya ay tiyak niyang rinig din ito ng binata.
"You should be careful kapag nandito ka sa bahay, you have no idea kung gaano katagal ko kayang kontrolin ang sarili ko. Dahil habang nakikita kita wala akong ibang naiisip kundi ang halikan ka at yakapin. Ang iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal..." mariing wika ng binata. Dama niya ang hirap ng kalooban nito at ang rinig din niya ang marahas nitong paghinga. "Let alone seeing you with my shirt with no under dress, you're driving me crazy, Nala..." muling dagdag ng binata habang patuloy ang malalim nitong paghinga. Niyakap siya nito at mapaawang ang mga labi niya ng maramdaman ang matulis at matigas na bagay na tumama sa kanyang pusod. She knows what it was and it made her uncomfortable.
"T-then, I'll go back i-inside..." kandautal niyang sagot.
"Yeah, you should, or else you'll be sorry." paos na sagot ng binata sa kanya.
Pagkasabi ng katagang iyon ng nobyo ay mabilis siyang bumitaw sa pagkakayakap rito at kaagad na nagtungo sa kwarto ni Obet. Mabilis siyang nagtalukbong ng kumot habang patuloy ang masasal na pagtibok niyang puso.
Samantala naiwan naman si Carlo na muling uminom ng malamig na tubig upang mapawi ang init na nararamdaman. Kaya niya pang magtiis kahit halos mapigtas na ang katinuan niya pagkakita sa dalaga. Isinuot lang kasi nito ang lumang tshirt niya na manipis kaya bakat ang magkabilaang n*****s ng dalaga at wala rin itong suot na short kaya nakalantad ang maputi at makinis nitong mga hita. Kung hindi lang siya nangako sa ina na igagalang niya ang pagka birhen ng kanyang mapapangasawa ay baka hindi siya nakapagpigil na angkinin ang nobya. Pero kaya niya pang pigilan ang sarili. Ipapakita niya sa katipan na handa siyang maghintay hanggang sa unang gabi ng kanilang pulo't-gata.